Napakamot sa batok ang lalaki, "Wag kang panira Belinda. Tumabi ka para makapag hi man lang ako."

Maangas na tinaasan siya ng kilay ni Belat. "Oh, nakapag 'hi' kana sa bespren ko. Umalis kana Maximo baka mabasag ko yang panga mo."

"Damot mo, di naman ikaw ang pinunta ko makapambakod ka." sumisilip siya mula sa gilid kaya natanaw ako, "Kamusta Summer?"

"Aba at talagang!" susugod pa sana si Belat, nahawakan ko lang agad sa braso kaya napahinto.

"Teka lang cyst, babanatan ko lang. Kahapon pa yan kota sa pambibwisit e!"

Ngumuso ako at hinikit siya ng mas malakas. Minuwestra ko din kay Maximo na umalis na muna. Hindi naman mapigil sa pagtalak si Belat lalo na ng tuwang tuwa na nagpaalam ang lalaki.

"Kumampi ka na naman sa iba!" himutok niya sa akin bago pabagsak na umupo sa duyan. Hinikit ko siya sa lilim ng punong mangga para mapakalma.

Napasinghap ako. Here we go again.

Belat is over protective of me, lalo na sa pagdating sa boys. She frequently says, that my innocence and kindness will always give me away. And that, I need her para hindi mabilis na maloko at maabuso.

When she learns about my standard in finding my soulmate, which is the first rain in May, bago pa lang dumidilim ang langit kakaripas na 'yan ng takbo papunta sa amin. She always make sure na hindi ako makakatagpo ng undeserving guy.

I love it about her.

"Alam mo bang kaya lang 'yan sumunod sa akin e para maipagyabang sa mga unggoy niyang barkada d'yan sa may plaza na nakakalapit na siya sa'yo?"

"Huh?"

"Oh, yes! Kaya lumayo-layo ka doon at wag mong kakausapin! Wag na wag ka ding magrereply sa text at chat noon!"

"Hindi naman ako nagrereply."

"Sa oras lang talaga na mapatunayan kong tama ang kutob ko sa paglapit lapit sa'yo ng paminta na 'yan!" sumuntok sa palad si Belat, "ako mismo ang dudurog at pupulbos sa bwisit na' yan!"

Napangiti ako.

"At wag mo akong pipigilan!" banta niya sa akin.

Nagtaas ako ng dalawang kamay hudyat ng pagsuko sa ingay niya. Lumapit din ako sa kanya sa duyan at tinabihan.

"Anong gagawin ko kung hindi ikaw ang naging best friend ko?" I asked my ever dear friend.

Mula sa pag nguso ngumiti ng malaki ang may kalakihan niyang labi at inakbayan ako. "Aba, baka sumunod kana din kay na lolo at lola!" pagbibiro niya.

Tinampal ko ang braso niya. "Sobra ka!"

"Tunay naman e! Mukha ka kayang mag susuicide noon!" sumimangot ako sa kanya. "Pero syempre happy na ako ngayon na unti-unti ka ng bumabalik sa dati!"

We both smiled at her last remark.

Nagpatuloy ang mga nakakalokang kwento ni Belat. Napag-usapan din namin ang inaabangang Flores de Mayo sa nalalapit na katapusan. At ang masayang tapusan ng Mayo kung saan nagkakaroon ng piging at sayawan sa bawat barangay ng buong bayan.

"Excited na talaga ako para sa darating na gabi ng parada ng Flores de Mayo!"

"Papayagan ka kaya ni Mam Alisa na lumabas sa gabi ng parada?"

"Siguro, kapag nagpaalam sa kanya. Di naman siya mahigpit." nagkibit balikat ako, "Bakit?"

"Labas tayo! Tatambay lang tayo sa plaza hanggang sa harap ng simbahan. Ang ganda kapag gabi. Tapos may salo-salo sa plaza. Towns boodle fight ganoon. " excited na pagkukwento ni Belat. Tumango-tango ako sa kanya. Wala ako masyadong idea kung ano talaga ang aktwal na ginagawa sa gabi. Malayo ang bahay namin sa gitnang bayan at kung nagkakaroon man sa lugar namin noon, mas simple kumpara sa sinasabi niya.

A Rain In My Summer Where stories live. Discover now