UPDATE part3 MONDAY

1.5K 20 2
                                    

Lingid sa dalawa, kanina pa pala nakikinig sa kanila si sakura. Masamang - masama ang loob nito sa marinig.

Ibinebenta na pala talaga ng mommy niya.

Agad itong nagkulong sa kanyang kuwarto kinuha ang larawan ng kanyang namayapang tatay at bukas- pusong muling kinausap ito.

".Daddy, ba't ganoon si Mommy? iniwanan na nga niya ako nang mamatay ka, nagtrbaho siya sa abroad kahit malaki naman ang kinikita niya rito. Tulungan mo ako daddy , ayoko pang magka - Boyfriend.......ayoko rin kay haruto.......please, tulungan mo po ako.....

Gulo   pa rin ang isip ni sakura kaya nagpasy  siyang magpalipas muna ng kanyang sama  ng loob at inis sa park.   Timawagan niya si ryu at agad naman itong pumunta para samahan siya.

"Salamat. Akala ko, mag-isa lang akong iiyak ngayon dito sa
park.

"Alam mo namang.  hindi kita matitiis. kahit nakahiga na rin ako at medyo masakit ang ulo, pumunta pa rin ako para sa'yo.

"Salamat ha........Pero mukhang nanunumbat ka na naman.....?

"ikaw talaga, hindi ka na mabiro. Lambing lang'yung.......

sumandal si sakura sa balikat ni ryu . lihim na kinilig ang binata

"Sana,'pag dumating na 'yung proper time na magkakaroon ako ng boyfriend ,sana, ganito lang kami.chill lang ....simple....hindi kumplikado.

"isipin mo na lang na ngayon na ang proper time at ako ng tamang lalake para hindi masira ang trip mo...
"Ikaw talaga , puro ka biro....

"hindi ako nagbibiro .Mahal na mahal kita at kung pwede lang , hindi na tayo umalis  dito at habang buhay na lang tayong dito sa park," 'yun ang gustong sabihin sana ni ryu pero kulang ang tapang niya na isatinig ito.

Napasin ni sakura na naging seryoso si ryu

"Ba't natigilan ka? May problema ka ba? kung may problema ka, sabihin mo sa akin ha para kahit paano makatulong. din ako sa'yo   Ang dami mo nang naitulong .....kahit tinutulungan kita sa math, kulang pa. 'yun......

“Ikaw ang problema ko sakura.Mahal na ma-hal kita pero paano ko yun ‘yun sasabihin sa´yo?

Ang dami-dami  mo ng problema at ayoko na. sanang dagdagan pa´yun,“ muli na namang

pumasok sa isip ni ryu na dapat ay isagot niya kay sakura pero hindi niya nagawa.

“Hoy...ang lalim naman ng takbo ng isip mo.

Okey ka lang ba?

“ May konting problema nga ako.....

“Ha tungkol saan?

“Sa puso......

“Ha? Ba‘t wala yata akong alam tungkol sa problema mo? Akala ko pa naman, ako ang best friend mo? Dapat alam ko ang mga pinag-dadaanan mo...

“Nahihiya akong magsabi sa‘yo baka matawa ka......corny..........

“Kapal mo..... marunong kang mahiya?   ako nga , sinabi ko na lahat ng problema ko sa‘yo kasi tiwala ako sa‘yo....

Iba siyempre ‘yung tubgk sa puso....

“Sino ba ang type mo at baka matulungan kita?

Hindi alam ni ryu kung ano ang sasagot . lto na B ang tamang panahon at pagkakataon para sabihin niya ang nilalaman ng kayang puso?

"Hoy, para kang timang diyan, tinatanong kita. Sino ba?

"Hindi mo kilala. Hindi taga-rito Huwag mo na nga akong kulitin....

Ang one week Na love story koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon