Sa kalagitnaan ng aking paglalakad sa aming field, andaming nag kalat na mga couples na may dala dalang flowers, teddy bear at kung anu ano pang pang regalo sa kanilang partner. Palibhasa ay araw ng mga puso ngayon. And yes, today is February 14, Valentine's Day at wag nyo ko hanapan ng partner dahil wala ako non. Hindi dahil sa panget ako at walang nanliligaw saken pero talagang ayoko lang talaga sa lalaki. In fact meron ngang nanliligaw saken pero I just see him as friend. Ilang beses ko na yon sinabi sakanya na wala syang aasahan sakin pero he still pursue to court me. Hinahayaan ko na lang sya kung anong gusto nyang gawin kase ayun yung nirequest nya, by the way he is my best friend Hans. Kaya mas lalong ayaw ko syang sagutin kase mas nasasayangan ako sa friendship na nabuilt namin since we were little, he's nice, cute, and gentleman pero dahil nga he's my childhood bestfriend at nakita ko syang lumaki and how he treat other girls before confessing his feelings for me, it's a big no.
"Riaaa!" speaking of the devil, si Hans at kasama yung friends nya sila Hiro, Tyler, Rexi, at Vince.
"Ayiee" sabay sabay na kantyaw nila Hiro ng iabot sakin ni Hans ang isang boquet ng sunflower tas isang paper bag ng H&M. Napangiti naman ako dahil hindi talaga sya pumalya na mag bigay ng gifts pag may mga event ng ganto, actually this is not an special day because today is the death anniversary of St. Valentine but others are considering this day for celebrating romance with their partners or loved ones.
"For you" malugod ko naman iyong tinanggap at tsaka sya nginitian.
"Thank you" I mouthed. Hindi nawala yung friendship namin kahit na binusted ko sya. He's older than me kaya alam kong he's matured enough to accept rejections.
"Wala bang hug man lang dyan?" biglang hirit ni Rexi at agad naman syang binatukan ni Tyler dahil alam nila na binusted ko si Hans. Well actually lahat sila childhood friends ko, bukod sakanila wala na akong ibang friends na lalaki.
"Ito naman hindi mabiro, makabatok lang?" medyo pikong sagot ni Rexi. Sya yung pinakamakulit sakanilang lima.
"Kumain kana ba? Tara kain tayo?" yaya naman ni Vince.
"Ikaw yung manliligaw Vince? Nakakahiya naman kay Hans oh" sabat naman ni Hiro, ang kasing kulit ni Rexi at di rin papatalo minsan.
"Actually inaantay ko si Keanne, kakain kami sa labas. Sama kayo?" sagot ko, Keanne is my best friend grade school ko na sya nakilala kumpara dito kila Hans, Tyler, Hiro, Rexi at Vince since Pre-School sila na yung lagi kong kasama. Highschool barkada kase yung mga parents namin kaya ayon kami kami na den yung naging magkakaibigan.
"Kaya naman pala nagyayaya, alam na kasama si Keanne" pangaasar ni Hans kay Vince. Vince and Keanne are dating saksi kami sa kalandian nung dalawa na yan.
*phone rings* speaking of the bitch, tumatawag na si Keanne kayasinagot ko agad
"Hoy ano na te? Asan kana? Kanina pa ko dito sa parking lot, akala ko ba papunta kana? Naunahan pa kita napakakupad mo talaga!" sunod sunod nyang tanong, may pagka rapper talaga yung babae na yon.
"Oo eto na" sabay sensyas sa mga lalaki na sumama na sila
"Anong eto na? Kanina pa kita inaantay dito tumakbo pa ko mula sa Engineering building hanggang dito kase sabi mo tapos na yung klase mo tas naunahan pa kita dito? Akala ko ba magdadate tayo ngayon? Alam mo namang magkaaway kami ni Vince e." at muli nagrap nanaman sya. Talagang madaldal ang bunganga ng babaeng yon buti na lang at sanay na ko.
"Papunta na ko, hinarang nila ko sa field kanina may binigay si Hans. Kasam-- sino ba kaseng may sabing tumakbo ka ha? Babye na." pinatay ko agad yung call buti na lang nakita ko yung sensya ni Vince kaya naman alam ko na ibig sabihin non, may pinakita syang paper bag din ng H&M kaya agad ko namang iniba yung topic bago ako madulas sabihin na kasama ko sila.
YOU ARE READING
Unhapppy Ending
Short StoryNever in my life ako na inlove, since iniwan kami nung father ko never na ulit ako nagtiwala sa lalaki except dun sa mga guy friends ko. We used to have a happy family, but then ayon nga for some "reasons" daw, he cheated on my mom. Akala ko normal...
