CHAPTER THIRTY-EIGHT

Start from the beginning
                                    

Nang magtext na si Pyan natuwa ako

Pyan

Let's meet at the
Via loco cafe.
Tomorrow 10am

Sure!

Maya maya may tumawag na hindi ko naman kilala

Unknown Number

"Hello sino po sila?"

"Ahh ako yung secretary ni Mr.Javier L. Yu yung mayari nung Luis de Cafe"

"Ahhh bakit po?"

"Bukas may interview ka 8am"

"Sigi po!"

Kaso nakapangako rin ako kay Pyan pero di naman siguro tatagal yung interview ko kay Mr.Yu

Kinabukasan...

Dumiretso na ako sa Cafe ni Mr.Yu marami silang tinanong sa akin kaya medyo matagal ang ginugol kong oras don at mahigit isang oras na akong late sa date namin ni Pyan kaya nang matapos yun dali dali akong umalis tumakbo na ako nang tumakbo para makarating doon

Nang papasok na sana ako nakita ko si Pyan na may kasama nang babae,sobrang saya nila at tawang tawa si Pyan habang hinahampas pa ang kamesa at nang tumingin ang babaeng ito sa may pintuan nakita ko na si Angel,mukhang nakita rin nya ako kaya umalis na lamang ako dahil ayoko na,ayoko nang sumugod pa dun.Pero Lexine kahit date nyo yun nalate ka diba kaya baka napadaan dun si Angel kaya hindi ikaw yung nakasama nya,gabi na nang magtext si Pyan

Pyan

Bakit hindi ka
pumunta?

Sorry!

It's okay bakit
di ka ba
nakapunta?

Meron kasing
emergency. 

Ahh okay!

Parang ako na yata yung nagsisinungaling,ako na yata yung sovra kung magisip,siguro mali yung ginagawa ko ahhhhh gulong gulo na ako hindi ko alam kung paano ko malalagpasan ang mga pagsubok na to,unang beses ko palang magmahal,kailangan ko agad matuto

Kinabukasan kailangan ko agad magsimula nang trabaho kaso nakasalubong ko si Angel na ikinagulat ko,anong ginagawa dito ni Angel ngayong 10am nang umaga?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinadya talaga kita!"

"Bakit?"

"Lexine gusto ko lang sabihin na walang namamagitan sa amin ni Pyan"

"Wala naman akong sinabi na may relasyon kayo diba?"

"Wala nga pero,alam kong ikaw yung kadate nya kahapon"

"Pano mo naman nalaman?"

"Kausap ko kasi si Pyan,nagtanong siya sa akin kung saan may magandang cafe"

"Ahh okay"

"Bakit kaba umalis kaagad kahapon?"

"Hah?hindi ako nakapunta dun kahapon dahi may emergency sa bahay!"

"Lexine wag ako ang lokohin mo nakita kita noon sa may pintuan at papasok ka na sana kaso nakita mo kami na magkausap"

"Hindi ako nagseselos!"

"Ikaw na nauna sa salitang selos,so maybe nagseselos ka lang talaga!wala kabang tiwala kay Pyan?"

"Angel wag mo na akong guluhin,okay?"

"Lexine hindi kita ginugulo,hinintay ka nya ng matagal doon"

"Pano mo naman yun nalaman?"

"Kasi hinintay ka nya kasama ako kahapon,hanggang magsara yung cafe kasama ko siya,nakaubos nga kami nang mahigit sa 10cups of coffee"hindi ko na siya pinakinggan at umalis na ako palayo sa kanya

Ginugulo nya lang ang isip ko,pinipilit nya lang akong magselos para magalit ako kay Pyan,kaya di ko na lang pinansin yun at nagfocus nalang ako sa ibang bagay dumiretso ako sa cafe kung saan ako magtatrabaho

Unang araw ko late ako kaya binilisan ko agad ang kilos ko at nagsimula nang magserve nang mga kape na dapat nang maiserve at nang magseserve na ako sa dulong part nakita kosi Lerwin ang tagal ko siyang hindi nakita pati sa match ni Pyan wala siya,kaya nanibago ako sa buhok nya mahaba na yun at medyo may kulay na brown

"Lerwin?"

"Lexine?dito ka na nagtatrabaho?"

"Ahh oo,san ka galing ang tagal mong nawala!"

"Ahh sorry galing kasi ako nang states nagbakasyon lang"

"Ahh bakit?"

"may binisita lang!"pagkasbai nya nun bumalik na ako sa trabaho ko

Ang tagal kong hindi nakita si Lerwin kaya medyo sabik ako sa kanya ewan ko kung bakit,pero talagang nanibago ako sa kanya

Like my facebook page:QUEEN Felicity page

Is This Love?Where stories live. Discover now