CHAPTER THIRTY-SEVEN

Start from the beginning
                                    

Habang ako malalim ang iniisip,mas malalim pa pala ang iniisip ni Pyan dahil pareho na kaming tulala nakita ko lang na wala rin pala ako sa sarili nang i-sinerve na nang waiter ang order namin na ice cream.

Kaya hinawakan ko ang kamay ni Pyan na ikinagulat naman nya

"Why?"

"Tulala ka Pyan,ano iniisip mo,may bumabagabag ba sayo?"

"Lexine im sorry"

"Are you tired?"

"tired of what Lexine?"

"Tired of loving me,tired of everyth---"

"No,no im not tired okay?mahal kita so why would i get tired?ikaw ba pagod ka na bang intindihin ako?"

"Of course not"

"So why did you ask me?"

"Palagi ka kasing tulala and I don't know why baka mamaya napapagod ka na pala hindi mo  lang sinasabi"

"kaya nga bumabawi ako diba?,dahil alam ko na malaki na yung pagkukulang ko sayo,as your boyfriend"

Hindi na aki sumagot pa,kontento na ako sa sagot nya,dapat ko nang kalimutan ang pagdududa at palitan nang purong pagmamahal.Siguro marami siyang ginagawa at pinagkakaabalahan this past few days kaya maybe kahit sa date namin hindi siya mapakale or mapalagay.

He was my everything that's why I need to do anything para mapunan yung mga kulang nya,ako dapat yung umintindi sa kanya ngayon dahil he was busy,kaya babawi ako sa kanya.

Pagkatapos namin kumain umalis na kami at akala ko uuwi na kami pero patuloy lang ito sa pagdadrive,hanggang huminto ito sa isang malaking peryahan

"Why are we here?"tanong ko

"Like what i said I need to do anything para makabawi ako,and this the only way na alam ko"sabi nya bago ako akbayan

Habang tumatagal,hindi ko alam ang paniniwalaan ko,kung ang puso ko ba talaga o ang isip ko,nakakulong ang mga sagot na dapat ako mismo ang magpalaya para mahanap ko ang mga sagot sa sarili kong katanungan.

Iba't ibang rides ang pinuntahan namin mula sa carosel patungo sa viking hanggang sa roller coaster

I enjoy everything kasi kasama ko siya eh,I am happy kasi nakabawi na siya,I really really like him,ginusto pinagkatiwalaan at minahal ko na nang husto ang lalaking kasama ko habang nangangako sa mga bituin,kasama ko siya hanggang ngayon at sana hindi na to matapos pa,I was careless pero nung dumating siya nabago lahat,natuto ako sa lahat.

Kaya hindi ko alam kung ano yung gagawin ko if maiwan ako at the end nang lalaking minahal ko nang husto.

We visit different kind of booth na andito,mula sa fishing hanggang sa claw machine nagpaunahan pa kaming kumuha at siya ang nakakuha sa isang malaking teddy bear na white,and inihabilin muna namin yun kasi sobrang laki and hinndi naman namin pedeng bitbit-bitbitin

Pupunta na sana kami sa dart area kung saan mas malalaki yung prizes pero dumaan muna kami sa isang gift shop kaya pumasok ako doon at naiwan si Pyan sa labas dahil wala naman siyang hilig sa mga souvenir na gaya noon kaya nagtingin tingin muna ako sa paligid hanggang sa makapukaw sa atensyon ko ang isang bracelet.

Dinampot ko iyun at binili na nang tuluyan mukhang magugustuhan ito ni Pyan ang ganda nun.Kaya lumabas agad ako nang mabili ko na yun kaso wala si Pyan sa mismong labas nang shop kaya nilibot ko nang paningin ko ang buong paligid pero wala siya hanggang marinig ko ang boses nya sa tabi nang gift shop

"Okay,okay i can handle my self don't think about me,okay?i love you!"sabi nito sa kausap nya

"Okay,okay I need to finish something,okay?bye I l---"naputol ang sinabi nya nang umimik ako na dahilan para biglaan nya yung ibaba

"Pyan!"

"Lexine?"

"Sino yun?"

"Ahh wala"

Wala ba yun?pero bakit may i love you?dapat na ba akong magduda this time?dapat na ba akong mabahala this time?dapat na ba akong gumawa nang paraan?dapat ko lang ba tong hayaan?dapat lang bang manatili lang ako dito at makinig na lang?

"Ano tara na sa dart area?"

Tumango na lamang ako

At nagsimula na ang laban naming dalawa mukhang wala akong ganang maglaro kaya basta basta ko na lamang inihagis yung tatlong dart at umalis na

Like my facebook page:QUEEN Felicity page

Is This Love?Where stories live. Discover now