CHAPTER THIRTY THREE

Start from the beginning
                                    

"Yuuuuunn!"sigaw namin nang siya na ang matatanong kaso hindi ako ang magtatanong eh si Kiana

Kaya nagulat ako sa itinanong nito

"Mahal mo pa ba si Margaux?"ani Kiana

"Hah?Kiana wag ganyan baka magselos si Lexine!"biro sa akin ni Marga

"Huy walang nasasaktan,okay?wala akong pake sa Margaux! na yun"sabi ko kahit sobrang big deal sa akin kung sino si Margaux sino nga ba siya,tumayo na ako at dumiretso sa CR pero bago pumasok umimik muna ako

"Toothbrush lang ako ha!"paalam ko kahit gusto kong mapakinig ang isasagot ni Pyan

"Sigi sigi ibang tanong nalang!may nagtampo kasi"pagkasabi nya nun nakahinga ako nang maluwag.Pero naintriga tuloy ako kung sino yung Margaux na yun

Hindi ko na pinakinggan ang itinanong kay Pyan dahil mukhang naligaw na ang isip ko kung sino ba talaga yung Margaux na yun

Medyo late na kaming nagising,kaya naghanda agad kami para magbreakfast dahil 45minutes nalang at magsisimula na ang laban.Hindi ko pa rin nakikita si Pyan baka iniisip nya yung ginawa kong pagseselos kagabi.

Kaya tinext ko na lang siya

Pyan

GOOD LUCK!
i love you...

Thank you!
I love you too.

Nang magtext siya napanatag ang kalooban ko kaya naghanda na agad kami para makapunta agad sa field na paglalabanan nila Pyan,dala dala namin ang banner na ginawa namin nina Kiana

Pumwesto kami sa medyo mababang part dahil doon mas makikita kami ni Pyan,nang nagsisimula na ang laban lahat tensyonado hanggang may lumapit sa amin na tatlong babae mukhang taga PD'gU rin siya

"Ohh girls look siya yung girlfriend ni Pyan oh!"sabi nunga isang babae na may dala dala ring banner

"ahh siya ba yun bakit parang mas pangit siya sa personal!"sabi naman nung babae na nakaupo na sa bleachers

"Oo siya yun,ano naman kayang nagustuhan sa kanya ni Py---"

"Kayo,kayo yung mga pangit!napakatsitsismosa nyo,wala naman kayong magandang naidudulot sa Pilipinas"galit na sigaw ni Marga sa kanila

"Ayy sino ba yan?"sigaw nung isa

"Ako lang naman ang bestfriend nya and kayo umalis na kayo dito kung ayaw nyong si Pyan pa ang magpaalis sainyo!"mukha namang natakot sila sa sinabi ni Marga kaya nagalisan na yung mga babae na yun

Pagalis nila tumawa na si Marga na parang pangbruha kaya napatawa na rin kaming dalawa ni Kiana hanggang nagsimula na nga ang laban at sa unang bato palang nang bola nakascore agad si Pyan nang 15 kailangan nya maka-40para magkaroon siya nang 1point

Hanggang naipanalo nya ang unang game dahil nakakuha na siya nang 4points hanggang natapos na nya ang  6na set habang ang score nila ay pareho nung kalaban nya kaya nagdadasal ako na manalo siya

Hanggang limang set na ulit ang nakaraan kaya iisang set na lang ang kailangan na matapos kasi lamang na nang isang points yung lalaki na kalaban nya kaya pumikit na ako at nagdadasal,hanggang nagsiwagawan na ang lahat kaya iminulat ko na ang mata ko at nagtatatalon na si Pyan sa field at sina Marga naman tuwang tuwa lahat pumapalakpak dahil nagawa pa ni Pyan manalo gayung imposible naman kaya tuwang tuwa ako,kaya dali dali kaming bumaba nina Marga sa field dahil andun na rin yung iba

Marami ang nagpapapicture kay Pyan may isa pa na nakayakap sa kanya,trabaho nya yun eh magpasaya nang ibang tao at humarap sa maraming tao,kaya habang buhay may kahati ako sa kanya,bakit kasi isang sikat na lalaki pa ang itinadhana sa akin.

Kung saan saan lumilingon si Pyan parang may hinahanap,sa may bandang bleachers,kaso nang mapalingon ito sa likod kung nasaan ako dali dali itong lumapit sa akin at niyakap ako iniwan na nito ang mga fans nya na gustong magpapicture

"I made it Lexine!"sabi nya sa akin habang tuwang tuwa

"Pyan papicture muna kami!"yun ang sinasabi nung mga babae na nakatingin lang sa amin

"Sigi pagbigyan muna sila pero magpunas ka muna nang pawis mo!"sabi ko bago iabot ang isang towel na medyo malaki

"Okay po,my worried girlfriend!"

Sinamaan ko ito nang tingin kaya niyakap na lamang ako nito at naupo muna ako sa isang bleacher na malapit lamang doon habang hinihintay ko siya na matapos sa ginagawa nya,kasama ko rin doon si Marga at su Kiana

"Dapat matuto kang magdamot!"

"What do you mean Marga?"

"Tingnan mo nahahati atensyon ni Pyan na dapat sayo"

"Marga una palang alam kong may kahati na ako sa kanya,kaya kahit papano ginagawa kong maging sapat para makontento siya"pagkasabi ko nun hindi na nagsalita si Marga at maya maya dumating na rin si Pyan na pawis na pawis kaya pinunasannko ang pawis nito

"Ano saan tayo kakain?"tanong ni Pyan

"Magbihis ka muna ang init init kaya,tsaka baka matuyuan ka nang pawis!"sabi ko sa kanya habang pinupunasan pa ang pawis nya

"Bago yun picture muna tayo!"sabi nya sa akin

"P-p-picture?"

"Oo"sabi niya bago ako yakapin at iniabot kay Marga ang cellphone nya at kinuhanan kami ni Marga ng picture

Habang papunta kami sa kakainan namin nagcellphone muna ako,at nakita ko ang facebook profile nya,bagong palit lamang yun dahil wala pang isang oras,pero ang dami nang likes and shares,kami yun ni Pyan habang yakap yakap nya ako at hawak nya ang medal sa kabila nitong kamay.

Like my facebook page:QUEEN Felicity page

Is This Love?Where stories live. Discover now