"Anla Lola sayawan po yun,kailangan nang gown tsaka kailangang magbayad para sa pagkain"

"Magkano ba yun Apo?"

"Lola wala naman po akong balak na sumali doon"

"Bakit naman,apo masaya siguro yun at kahit papano dapat mo yun maranasan,magkano ba ang bayad doon?"

"Lola hindi ko na po kailangang sumali doon,gastos lang yun"

"Apo gusto ko naman kahit papano mabigyan kita nang masasayang alaala kapag napagtapos na kita,gusto ko na kapag doktor kana maalala mo na nakaranas kang magsayawan"biro ni Lola

"Lola pede ko pa rin namang maranasan yan eh"

"Apo matagal na proseso ang pagdodoktor kaya dapat hanggang di mo pa yun napapasok dapat magpakasaya ka na"

"Lola naman!kain na nga lang tayo"

"Basta sumali ka na dun apo"

Hindi na lang ako umimik pa bagkus ako ay kumain na lamang dahil alam kong kapag nagmatigas pa ako eh hahaba at hahaba pa ang usapan

Mabilis na natapos ang maghapon at pasukan na bukas,pero wala pa rin akong balak na matulog dahil gusto ko na aliwin muna ang sarili ko sa ibang bagay.Kaya binuksan ko ang cellphone ko at nagpunta sa messages unang una ang pangalan ni Pyan

Pyan

How are you?

Miss me?

Of course not
nangangamusta
lang baka kung
napano ka kagabi

Don't worry i'm safe.
pero be honest namimiss
mo na ba ako?

Lakas nang apog!
Di kita namimiss uy

Pero bakit parang
guilty ka?di naman
ako magagalit eh
if you miss me.

Ewan ko sa kanya di ko na nga lang ulit siya guguluhin

Lexine i'm just
kidding tampuhin
ka talagang babae

Hey,okay fine!
tampuhin ka,ikaw
pala yung isip bata
sa'tin eh.

Hoy di ako isip
bata may ginagawa
ako kaya wag akong
abalahin...   

Ikaw nga tong
nangaabala,dapat
pala diko na binigay
number ko sayo ang
kulit mo eh.

Heh!ewan ko sayo!

Pikon!Pikon!

Nakakainis talaga siya grabe,yan yung nakakahulog eh.

Hah?nakakahulog?no,hindi ako nahuhulog sa kanya,kahit konti lamang dapat hindi ako mafall,binalaan na nya ako.

Umupo ako sa kama at tuluyang isinandal ang likod ko sa pader bago nagpatugtug.Habang nakatingin sa labas.Nang makaramdam ako nang antok ay inihiga ko na lamang ang aking katawan.Maaga akong nagising.

Is This Love?Where stories live. Discover now