Chapter 3 - Royal Blood

1.3K 30 1
                                    

ROYAL BLOOD

Name: Miguel "Mike" Olivar Laroza

Father: General Reynaldo Jocson Laroza

Mother: Mrs. Carmen Olivar Laroza

Sister: Angelica, "Gelay"

Brother: Gabriel, "Gab"

Binabasa ko iyon sa isang one-fourth sheet of pad paper na bigay ni Dada sa akin. Assignment niya iyon for me at kung graded iyon, perfect siya. Maliban kasi doon, she also gave me copies of pictures ng family ni Mike. Photographer daw kasi ang uncle niya at nagtatago ng pictures ng mga sikat na tao sa town namin.

And of course, pinakasikat na yata ang Laroza family sa mga families sa Santo Nino.

Nakadapa ako noon sa bed ko. I was in my own room sa bahay ni Lola Dalen, the house which I was trying to accept as my new home. Sabi kasi ni Mommy, better forget ko na raw yung apartment namin sa Malate. Never na raw niya akong pababalikin doon.

May pagka-rich din naman si Lola kaya malaki yung house niya. Mga successful naman kasi ang mga uncles and aunts ko, although they had their own houses in some other parts of Bulacan. Kami lang naman ni Mommy ang walang maiko-consider na family sa clan namin. And of course, yung youngest tita ko rin na malapit nang maging old maid at nakatira pa rin sa house ni Lola.

Well, talk about families...

Tiningnan ko ang mga pictures ng Laroza family na bigay ni Dada. Most of them, mga shots during recognition days, contests, and occasions. May obvious similaties sa looks ng magkakapatid. Lahat sila, combination ng looks ng parents nila. Pero si Mike ang may pinaka-close na similarities sa father nila--shape of the face, cheek bones, eyebrows, skin color, except the eyes. Mukhang yung mother niya ang pinagkunan niya ng kanyang eyes. Yung dalawang siblings niya, obvious na sa father nila kumuha ng eyes. As a result, matataray ang mga eyes nina Gelay at Gab, while napakaamo naman ng eyes ni Mike.

Sa loob-loob ko, that did make him more attractive.

Kelan niya kaya ifi-fix ang beautiful eyes niya sa akin?

Maybe soon...

Biglang bumukas ang door ng room ko. Napalingon ako doon.

Si Lola pala.

"Gising ka pa pala, Iha," sabi niya.

Tumango ako at nag-smile. "Yes, Grandma. Di pa kasi ako sleepy."

"Bakit naman hindi ka makatulog?"

I shrugged my shoulders. "Di ko alam e."

"Gusto mo ng gatas? Ipagtitimpla kita."

Napa-smile ulit ako. Ang sweet kasi ni Lola. "Wag na, Grandma. I don't want to sleep na may laman ang stomach ko."

Tumango na lang siya at nag-smile din.

Napansin niya siguro yung mga pictures on my bed kaya pumasok siya sa loob and she looked at them. "Kanino bang mga pictures yan?" tanong niya.

"Pictures ng family ng schoolmate ko," sagot ko. Naisip ko kasi, pictures lang naman. Wala namang masama.

Kumuha siya ng isa. Medyo na-deform ang forehead niya. "Arlene, bakit meron ka nito?" Medyo nag-change din ang tone of her voice. Naging apprehensive.

"Bigay sa kin ni Dada, Grandma. Yun bang friend and classmate ko na niece ni Mang Totoy na photographer."

Tinitigan niya ako nang seryoso and she was speechless for about five seconds. "Ano namang dahilan at binigyan ka niya ng litrato ng mga Laroza? Arlene ha, huwag mong sabihing interesado ka kay Mike."

Catching a PrinceWhere stories live. Discover now