Chapter 18 ( Failed )

Start from the beginning
                                    

"Walang magpapaputok!" sigaw ni kulot na pinagpapawisan sa kaba at takot

"Ilabas mo ang tapang mo ngayon, kulot!" ani Apollo. Bumaling siya sa kanyang kanang kamay at tumango

"ibaba ang mga baril ninyo at dumapa kayo rito sa harapan!" sigaw ni Ronaldo

Noong una ay ayaw sumunod ng mga tauhan ni kulot. Nagkatingin ang mga ito na nagdadalawang isip

"Diniinan ni Apollo ang pagtutok ng kutsilyo sa tagiliran ni kulot, pinaikot niya iyon sa loob, napasigaw sa sakit ang amo nila.

"Isa! Dalawa!" bilang ni Ronaldo.

Isa isa silang nagtungo sa harap at binitawan ang mga baril nila.

"Suyurin niyo ang buong paligid, nariyan pa ang iba, nagtatago na bahag buntot. Kung hindi kayo lalabas ay papatayin namin ang sinasamba ninyong unggoy na ito" sigaw ni Ronaldo ma itinutok ang baril sa ulo ni kulot.

Gumalaw ang mga tauhan ni Apollo at sinuyod ang kasuloksulukan ng lugar. May mga nahuli silang naka camouflage pa na nagtatago sa mga damihan.

"Ito na ba lahat tanda!" ani Ronaldo na galit na galit ang itshura nito, lahat sila ay gigil na makamit ang hustisya para sa mga kasamahan.

"Labas na kayo lahat!" sigaw ni kulot na hindi na maipinta ang itshura sa takot.

Nang bumalik ang mga tauhan ni Apollo sa lugar ay kompirmadong wala na ngang nagtatago sa kanila.

Nakadama ang mga tauhan ni kulot.

Pinalibutan nila ang mga ito at itinutok ang mga baril. Itinilak ni Apolo si kulot sa mga kasahaman, tumango ito na isang hudyat. Pagtalikod niya ay nag umpisa na silang magpaputok.

Wala silang tinirang buhay. Nang makitang wala nang buhay ang mga ito ay tumigil na sila sa pagpapaputok.

Napansin ni Apollo ang isang pulang ilaw na nakatutok sa kanyang dibdib. Bago siya lumingon ay nabaril na siya doon.

"may mga parak!!!!" nakasigaw pa siya bqgo mag slowmo qng lahat sa kanyang paligid.

Nagmadaling sumakay sa mga sasakyan nila at linaharorot ang sasakyan. Nakikipagpalitan sila ng putok ng baril sa mga awtoridad. Habang si apollo ay nakahilata sa malamig na sahig.

"Huwag mo nang tangkain pa, ibaba mo ang baril mo!" utos Hunter sa kanang kamay ni Apollo, nakatutok ang baril ni Hunter dito habang dahan dahang nilapitan ang nakahigang naka maskara.

Nang tanggalin niya ang maskara ay tila binuhusan siya ng bloke blokeng yelo sa nakita.

"Apollo?" hindi makapaniwalang tanong niya. May dugong lumalabas sa kanyang bibig. Pagbaba niya ng mata ay marami ng dugong lumalabas sa kanyang dibdib. Hindi siya pwedeng magtagal, nakaisip agad ito ng  paraan, hindi niya pwedeng ipahamak ang kapatid, kahit isa siyang alagad ng batas ay babaliin niya iyon para sa kapatid.

Mabigat ang magiging desisyon na gahawin niya. "Barilin mo ako" utos niya sa kanang kamay ni Apollo

Nagtatakang tumingin ito dito.

"Barilin mo ako!" sigaw nita

Tumango ito at binaril siya sa balikat.

"aaaaaaa" daing niya "Umalis na kayo, siguraduhin mong mabubuhay siya!" ani Hunter

Pagkaalis nila ay napa sapo ang kamay sa ulo nito. Galit na galit dahil sa ginawa, sumumpa siya sa tungkulin pero dahil kay Apollo ay babaliin niya ang sinumpaan. Para siyang nagtraydor sa kanyang uniporme, pero kung hindi naman niya iyon gagawin ay makukulong si Apollo at baka hindi kayanin ng Pamilya niya. Alam niyang may paraan pa, hindi ito ang paraan.

Dumating ang mga kasamahan nito. Nakita siyang may tama. Agad na nilapatan ng gamot iyon. Wala ni isa sa mga tauhan ni Apollo ang nahuli nila.

"I expected you for this mission, ni isa wala kayong nahuli?" ani ng superior nila

Hindi ito nagsalita, tanging siya si Apollo at ang isang tauhan niya ang nakakaalam ng tunay na nangyari.

Nagmadali silang pumahik sa Penthouse. Ang mahimbing na tulog ni Val ay nabulabog ng makarinig siya ng ingay sa labas. Manilis na nagsuot ng  coat at bumaba. Nakita niya ang gma ito na may mga hawak hawak na mga baril. Natakot ito na baka kung saan siya sila galing. Sinilip niya ang nakahiga sa couch.

Napahawak siya sa bibig ng makitang duguan si Apollo.

Itinulak niya ang isang tauhan at nilapitan niya ito. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang dibdib nito. Maraming dugo ang lumalabas dito.

"ikaw ang mag alis ng bala" ani Ronaldo

"huh, ako, bakit ako?" gulat niyang tanong dito

"Kung ayaw mo siyang mamatay, alisin mo ang bala sa dibdib niya" ani Ronaldo

"Teka hindi ako nurse o doktor, hindi ko alam" aniga

"aaaah kumuha kayo ng alak dali" ani Apollo na tumitirik ma ang mata

Manilis na kumuja ang isa at ibinigay iyon kay Apollo

Hinawakan ni Apollo ang kamay ni Val at ibinigay ang alak.

Meron silang sinindihang kandila at planggana na may lamang maligamgam na tubig at kutsara.

"Teka sandali" ani Val

"Aaaahhh " nanginginig na si Apollo

Pumikit si Val humugot nang linaka malalim na hininga. Tinuruan siya ni Ronaldo sa gagawin.

Exposed na ang dibdib ni Apollo,Itinapat niya ang kutsara sa apoy doon sa kandila, ibinuhos ni Val ang alak sa tapat ng sugat at inilapat ang mainit na kutsara. "aaaaaaaaaaa!" sigaw ni Apollo sa sakit. Naaawa ito sa nakikita niya, naiiyak ito pero pinipigilan niyang may pumatak. Ang sunod ay may binasa siyang tela sa planggana at nilinisan ang dibdib niya.

"Dukutin mo ang bala sa ilalim" ani Ronaldo

"Huh, ano dukutin?" tanong niya na hindi alam ang ibig sabihin nito

"gamitin mo yang mga daliri mo" ani Ronaldo

"Ano?" teka hindi ko kaya" aniya na natataranta na kinakabahan sa gusto nitong gawin niya

"Mamamatay na siya mag iinarte ka pa ba?" pananakot ni Ronaldo

"Huh ano hindi siya pwedeng mamatay, teka bakit kasi ako at hindi ikaw?" aniya

"Maliit ang mga daliri, kung ako yan baka wasak ang dibdib niya" ani Ronaldo

"Tak ayaw mo lang natatakot ka eh" nginisihan niya ito. Nanginginig nanan si Apollo, sa taranta ay biglang ipinasok nito ang dalawang daliri sa loob at hinahanap ang bala. Nag may mapansin na matigas na bagay ay hinugotnniya iyon. "aaaaaaaaaaaaaa, shit!" napasigaw sa sakit ulit si Apollo. Inilagay niya ang bala sa planggana. Pinunasan niya iyon at nilqgyan ng gaza, may bendahe na ito. Nakatulog si Apollo habang siya ay hindi makapaniwalang nagawa niya iyon. Nakatulala ito at nanginginig pa hanggang ngayon.


The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3Where stories live. Discover now