Processing....% MEMORY FULL? (ONE SHORT STORY)

Start from the beginning
                                        

Pitas ako ng pitas ng bulaklak kanina pa, yung tipong 'He loves me, he loves me not' pinalitan ko nga lang ng 'Pupunta? Hindi pupunta?' kaso laging 'HINDI PUPUNTA' yung result.

Dapat nga masaya ako diba? Di ko na makikita yung Travis na yun, iwas kahihiyan pa.

Ngayon na kasi yung araw ng presentation namin at ngayon ko lang din narealize na PURO NGA PALA PICTURES ni TRAVIS yung nasa memory card ko at BINIGAY ko pa kay MA'AM.

Oo, tama kayo ng basa, nung binigay ko yun kay ma'am nakalimutan ko yun.

OH WELL, STUPID NA KUNG STUPID.

"K. FINE. I've decided, Pupunta ako" Di na ako nagpatumpik-tumpik pa at dali-daling nagbihis sabay labas ng bahay.

Hindi ako pupunta para magpakita at sumalo ng kahihiyan. Magtatago ako, DON'T WORRY.

My plan is.... Pupunta ako dun sa technical directors at papakiusapan ko kung pwede wag ng isali sa presentation yung akin.

Oo, Technical directors! NAKAPROJECTOR at high tech ang aming presentasyon kaya wag kayong magtaka kung bakit puro 'KAHIHIYAN' ang laman ng utak ko ngayon.

Invited ba naman ang iba't ibang officials ng school e! GREAT! Lalo ko lang pinapakaba ang sarili ko.

Kasalanan mo to TRAVIS!!!! grrr!

 Nakita ko si Len na nakaupo sa isa sa mga chairs for members.

"E-Eyy.... L-Len How's the presentation?"

"Ayun, Malapit na matapos...." sagot niya ng di man lang tumitingin. Bigla naman siyang napalingon sa akin. "HEY! JELLE! AKALA KO TALAGA DI KA NA PUPUN----"

Talagang sumigaw pa e.

"Ssshhh.... I don't want them to see me" nagtakip takip naman ako ng kung anu-ano sa mukha ko at parang paranoid na tumingin-tingin sa paligid. "Look Len I have a plan----"

Ipapaliwanag ko pa lang sana kay Len yung plan ko kaso biglang namatay yung ilaw at nagpalakpakan yung mga tao.

"Si Travis na magpepresent! WOAHH!" Rinig kong sigaw ni Len.

Nakita ko si Travis na umakyat ng stage. Pero wala sa plano kong panuorin yung presentation niya.

Mukha naman di ako matutulungan ni Len kaya I'll do this by my own. Iniwan ko siya dun at hinanap yung technical crews.

Ang dilim dilim. Wala akong makita. Nagsisimula na akong kabahan. Kung di ko mapipigilan yung paglabas ng presentation ko, Makikita to ng SUPER daming tao dito. O.O

Mukha namang di pa naipepresent yung akin, e kasi wala namang masyadong reaction si Len nung nakita niya ako, so may HOPE pa :D

Nasaan ba yung Technical crews? Argggh >.<

"....Actually this presentation is dedicated to the very special person to me that was mistaken to be NONSENSE to me...."

Ewan pero bigla akong nacurious dun sa sinabi ni Travis na special sa kanya. Pumantig lang naman yung tenga ko nung narinig ko yung word na NONSENSE.

"Malakas yung loob kong sabihin 'to kasi wala naman siya dito....Pero ipagpalagay na lang po natin na nandito siya.....SORRY , di ko naging pastime na asarin at saktan ka, It just came out like that e kase naman yun lang yung way ko para magkausap tayo kahit sa hindi matinong paraan...." Tumawa pa siya."Di ko naman ineexpect na magagalit ka sa akin ng ganun....SORRY TALAGA....O Siya, I'm Travis Madrigal and this is my presentation...."

Processing....% MEMORY FULL? (ONE SHORT STORY)Where stories live. Discover now