"No need, I'm satisfied with MINE" Yabang talaga neto e! As if naman papahiramin ko talaga siya ng camera ko. NO WAY!
Nung nagpipicture na si Travis....
Ewan pero parang audition lang na pila-pila kami, Ako yung nasa pinakadulo ng pila.
Di naman pala eto yung picture-an na inaakala ko. Akala ko kasi yung tipong pang 1x1 kaso hinde. DITO, kailangan pumose ka na parang model. YUCK! Whole body pa. At may background pang plane color blue na tela.
Todo pose naman yung mga girls kong classmate at pacute na rin kay Travis.
Si Travis naman? Serious na serious lang na nagpipicture.
Natapos na ring picture-an yung nasa unahan kong girl....at....at....alam niyo na kung sinong kasunod.
AKO NA....
OMG bat ba ako kinakabahan? Nahihiya naman akong pumose ng mukhang tanga dito sa harap niya. PESTENG buhay naman oh. NAKAKAILANG. SWEAR! Ayokong tumingin sa kanya.
"Pwede na ba?" Tanong ko kasi antagal niyang magsimula. Kalikot ng kalikot ng camera niya.
"Pano naman ako magsisimula kung di ka pa naka-pose?"
Ayy? O-okay sige
*GULP* ayan na.... eto na.... pu-POSE na ako. KAHIHIYAN to ever!
Nung nakapose na ako(Wag niyo ng itanong kung anong klaseng pose basta muntanga), bigla niyang binaba yung camera niya.
Napaayos naman ako bigla. TAKTE! Ano bang problema neto? Nakapose na nga e!
"B-Bakit?" Natanong ko
"MEMORY FULL"
Narinig kong nagtawanan bigla yung mga classmates ko.
SHET! Bakit sila lang natatawa? Bakit ako naiinis? MEMORY FULL?? DAMN HIM!!!! Kung kelan ako na? Pagkatapos niyang kunan ng tiglilimang pictures yung classmates ko, pagdating sa akin, MEMORY FULL??
"Ah, Mr. Madrigal, baka naman pwede kang magdelete ng ibang pictures....Dun sa ibang Human Interest na nakunan mo, sobra twenty ba?" singit ni teacher na pilit pinapakalma ang sitwasyon
"YES Ma'am, but I don't treat those as excess. At kung ipapadelete niyo lang din yung mga yun to be replaced by NONSENSE, NEVERMIND"
OUCH >.< ANG SAKIT. Ang SAKIT talaga. Naiinis ako. Gusto ko ng tumakbo kaya lang di ako makagalaw.
Sa inis ko napasigaw ako....
"KUNG NONSENSE AKO, E ANO KA PA???? MAY GALIT KA BA SA AKIN AT NAGING PAST TIME MO NG INISIN AKO HA? WELL, CONGRATS NGA PALA, NAIINIS AKO, AT HINDI LANG NAIINIS, GALIT NA GALIT AKO WITH INSTANT HURT FEELINGS." I really can't help it,.Tumingin na lang ako kay ma'am sabay kuha ng memory card ko sa camera ko at inabot ko kay Ma'am "Here, ma'am, baka di na po ako makaattend sa presentation bukas. Magbibgay na lang po ako ng picture ko para sa bulletin board"
Lumabas na ako agad nun sa Journalism Room.
I HATE YOU TRAVIS MADRIGAL!!!!
********************
Pupunta ba ako o hindi? Pupunta....hindi....pupunta....hindi....pupunta....
HINDI?
Teka ulet nga
"Oy! Jelle, pagkatapos kong alagaan yang halaman, pipitas-pitasin mo lang? Kung pupunta ka sa PRESENTATION na yan, pumunta ka na! Di yung pagsira ng mga halaman ko ang pinagkakaabalahan mo!" Ano ba yan? Napansin na tuloy ako ni Mama.
YOU ARE READING
Processing....% MEMORY FULL? (ONE SHORT STORY)
Short StoryYung time na pipicture-an mo na SIYA, tsaka pa nag-'MEMORY FULL'? Kalokohan...
Processing....% MEMORY FULL? (ONE SHORT STORY)
Start from the beginning
