This happened one-weekend bandang last year 2019 ata.
So me and my 2 friends finished eating that cheese fondue sa Kko Kko and onting libot libot sa mall bago sakay pauwi. (jeep moments na naman ulit. aha. please refer reading part 2 of this book para magets niyo.)
While nasa biyahe, may tatlo o apat atang mga koreans (girls) na kasabay namin. Di naman sa ayaw namin sa kanila, maiingay sila ahaha. To the point na maririnig ng nakasakay sa kabila yung boses nila. Samahan mo pa ng always badtrip na driver na kapag binusinahan mo eh bababa ka na lang di pa rin tapos ang rant. Madadagdagan pa yun kapag binusinahan ulit siya o kapag siya ang bumusina pero diretso pa rin yung isa.
Nung malapit na kaming bumaba, si korean girl 1, tinanong yung isang pasahero kung saan daw yung Robinsons na mall. Tas sabi sa kanila na lumagpas na sila(panay kasi SNS at daldal >:D) No choice kami kasi, kami yung huling bababa. At dahil hindi kami nagkakaintindihan sa english at walang marunong magkorean sa amin, sabi namin samahan namin silang makasakay ulit ng jeep pabalik sa Robinsons.
So, the funny part is nung nakasakay na sila, si korean girl 2 may inabot na 3 20 peso bill sa amin. They're paying us for our assistance to them, binalik namin sa kanila yung 60 since okay lang kahit thank you. they're insisting pa rin, ginawa nung isa kong kasama, kinuha niya yung 40, pinambayad dun sa driver at sinabi na ibaba sila sa Robinsons tas binalik yung 20 kila eonni. Well, mission accomplished!
Along the way ng maghiwa hiwalay na kami pauwi, na observe namin yung isang girl, masungit haha. parang sinusungitan pa kami kahit tinutulungan na namin sila kahit looking weird na kami. yung isang nag-abot sa amin ng sixty pesos ay mabait. Thank you ng thank you sa amin kahit habang naglalakad kami. In the end, we did something voluntarily. bahala na sila kung nakababa ba sila Robinsons or not.
--End
A/N: I told this to my other friend (yung di ko kasama) and sabi nila na nakasabay din nila dati yun. Ganun din daw nangyari nalagpasan nila Robinsons pero nakababa naman agad sila bago tumawid ng tulay yung jeep (so after Robinsons, there's a long bridge), at di katulad ng nangyari sa amin :D
KAMU SEDANG MEMBACA
Random story for the Random me
HumorDoing something out of boredom is also a boredom thing to do. inspired by my boredomness at work... sorry haha
