"O, ayaw mo nun? May magagawa kang kabutihan sa mundo kahit minsan sa buhay mo. Mababawasan ang mga lalaking salawahan oras na magpakasal ka na."

Tiningnan siya nito ng masama, halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Not because I'm single and available to any woman I like, doesn't mean I'm that kind of a jerk. I only want to enjoy my life the way I wanted it."

Bakit parang pakiramdam niya ay pinagagalitan siya nito? Wala tuloy siyang maisagot na matino. Sa unang pagkakataon kasi mula nang makita niya ito sa store niya, ngayon lang niya nasaksihan ang ganong reaksyon sa mukha nito. Tila ba...nagalit ito sa sinabi niya.

"Ahm..." Tumikhim siya at pinilit na maibalik ang saglit na nawalang composure. "Wala akong sinasabing ganyan. Masama ang magbintang."

Inaasahan na niyang magbibitaw na naman ito ng matinding salita. Sa tipo kasi nito ay parang ayaw nitong nagpapatalo. Kaya laking gulat niya nang bigla itong ngumiti.

"So, will you be my lover?" tanong nito.

Mas lalo lang tuloy siyang nawala sa kanyang sasabihin. Nalusaw ang lahat ng pagsisikap niyang maisaayos muli ang kanyang sistemang saglit na nagulo kanina dahil sa biglaan nitong pagsusungit. Pero ngayon, okay na ulit. Amoy playboy na ulit ito.

"Lover talaga?" Okay. Kung gusto nitong makipaglaro sa kanya, buong puso niya iyong tatanggapin. Lagot ka sa akin, bwahahaha! "Teka, hindi ba't pareho tayong lalaki? Ano na lang ang magiging tingin sa atin ng makakakita sa atin?"

"What do you think?" Hindi siya tanga para hindi malaman ang ibig nitong sabihin. "A gay guy is such a turnoff to women. At wala kang ibang gagawin kundi ang dumikit lang sa akin at ako na ang bahala sa lahat. Okay? Let's go."

"Go?"

"Claire's coming. humanda ka na."

"What—"

Nataranta siya nang ilapat nito ang isang braso sa kabilang panig niya kaya napasandal siya sa pader ng restaurant. She tried to push him away.

"What are you doing?"

"Pretending to be lovers."

Lalo siyang kinabahan nang unti-unti nitong ilapit sa kanya ang mukha nito. Habang sa mga mata nito ay nakikita niya ang kakaibang kislap na iyon. Na tila ba nang-aakit ang mokong na hindi niya maintindihan.

"Layuan mo ako!" Itinapal niya sa mukha nito ang kanyang kamay.

Na agad din naman nitong inalis. "You already agreed to help me, right? So just stay put ang let me do the moves."

"What?!"

"Kung magsalita ka, parang hindi ka lalaki, ah." Napakunot-noo ito at binigyan siya ng kakaibang tingin. "Lalaki ka ba talaga?"

Mangani-nganing isupalpal niya rito na hindi siya lalaki para magkaroon na siya ng mas malaking karapatan para bugbugin ito. But then, her resolve to teach him a lesson took over her once again.

"Lalaki ako." Pinitsarahan niya ito sa kuwelyo ng suot nitong polo at mas lalong inilapit sa kanya ang mukha. "Tandaan mo iyan. Lalaki ako, baliktarin mo man ang mundo. At huwag na huwag mong pagdududahan ang kasarian ko kung ayaw mong ikaw ang baliktarin ko. Hmm?" Pinandilatan pa niya ito. "Hmm!"

"Agreed." Pagakatapos ay basta na lang siya nitong hinapit sa kanyang bewang na ikinagulantang niya. "Relax. Im not gonna bite you. Tinandaan ko ng lalaki ka kaya siguro naman ngayon ay puwede na nating ituloy ang ating naunang plano?"

"Anong—"

"We're pretending to be lovers, right? So why don't we start pretending now...?" And then he gave her a slow and sexy smile that almost shook her knees. "Boy?"

Hindi niya akalaing sa buong buhay niya ng pagiging isang tao, ngayon lang niya mararamdaman ang pinaghalo-halong emosyon na iyon nang dahil lang sa isang simpleng ngiti ng isang lalaki. Siya na ipinagmamalaki ang pagiging isang matatag na babae na hindi agad nagpapadala sa mga pang-aakit ng mga lintik na lalaki sa mundo. Pero ngayon, heto siya. Ni hindi na halos alam kung humihinga pa ba siya o hindi na. She just continued staring at his handsome face and utterly gorgeous eyes that seemed to melt her very soul.

"Ian Jack?"

Wala sa loob siyang napalingon sa nagsalitang babae mula sa entrance ng restaurant. Magkasalubong ang mga kilay nito na tila ba hindi alam kung ano ang iisipin nang mga sandaling iyon sa nakikita nito. Ian Jack, though, slowly turned to the woman as if he never really wanted to take his eyes off her.

"Who is that..." Pinagmasdan siya ng babae mula ulo hanggang paa. "Boy?"

"Claire, this is...." He took her hand. "Vincent."

Pakiramdam niya ay bumagsak ang isang balikat niya. Vincent? Pero wala na sa ibininyag nitong pangalan sa kanya ang atensyon niya kundi sa magkasugpong nilang mga kamay. Pilit niyang binawi ang kamay niya rito ngunit hindi siya nito pinakawalan.

"Vincent?" ulit ng babae. Bumaba sa magkahawak nilang mga kamay ang atensyon nito. "I don't...understand. Magpinsan ba kayo?"

"No. I just met this..." Inakbayan pa talaga siya nito. "Cute boy here today. Nakita ko siyang nababasa ng ulan dito sa labas kaya niyaya ko na lang kumain na muna sa loob para makapagpainit na rin. Mukha na kasi siyang nilalamig."

Pumiksi siya upang alisin ang braso nitong nakadantay sa balikat niya. "I'm fine."

Pinakawalan naman siya nito. Ngunit para lang hubarin nito ang suot na coat at isaklob iyon sa kanya. Saka siya muling inakbayan ng mahigpit.

"Let's get inside, Vincent. Malamig dito."

"My name is Naville."

"Sorry. Namali lang ako ng pagkakarinig." Pilit na siya nitong iginiya patungong entrance ng restaurant. "Bakit ang liit mo, Naville? Hindi ka siguro binigyan ng sapat na vitamins ng mga magulang mo. Hindi na bale, akong bahala sa iyo. Aalagaan kita hanggang sa umabot ka sa height na nararapat sa edad mo bilang...nagbibinata." They walked past the very shocked Claire. "You shouldnt be out here in the rain. Masama iyon sa iyo. Baka magkasakit ka." Pinisil pa nito ang kanyang pisngi. "Hmm? You're really cute, Naville. Would you like to go out sometimes?"

Stallion #49: IAN JACK SALMENTAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon