(Paki basa nalang po nang description ko para maintindihan nyo po. Thank you!)
(Pa vote po thanks!)
Chapter 1
Xhain Keir Austria P.O.V
Basag ulo, walang takot mamatay, Walang takot, Pasaway, Sakit sa ulo, Walang patutunguhan ang buhay, Walang kwenta,Walangya. Basta marami pang iba. Ako lahat yan at lahat nang badwords maikukumpara sa akin. Pero sa tingin ko magbabago na ang buhay ko ngayon.
"ANO?!" Sigaw ko. "Bakit di nyo manlang ako sinabihan?! Kahiya naman ako yung mag aaral hindi kayo!" Pag mamaktol ko.
"Wag mo nga kaming sigawan." Saway sakin ni Tita Pat.
Aba! kainis talaga!
"Ililipat ka lang naman namin nang skwelahan dun sa Mama mo. Baka kasi mag bago yang ugali mo." Komento ni Lola.
Kainis talaga! Sa tingin ba nila mababago ko buhay ko dun? Eh sya nga dahilan kung bakit ako miserable eh.
Tumayo ako sa pag kakaupo ko at nag lakad lakad. Halos paikot ikot lang ako dito sa maliit na sala namin.
"Lola naman." Simula ko. "Di ba alam nyo naman na sya dahilan kung bakit ako ganto?" Tanong ko at huminto ako sa harap nila.
Nandito yung dalawa kong tita na si Tita Pat at Jus. Yung tatlo kong tito nasi Tito Han,Mige,Dan. At si lola. Yung mga pinsan ko? Wala akong pake.
"Oo nga sya nga dahilan kung bakit ka ganyan at baka sya rin ang maging dahilan para umayos ka" singit ni Tito Dan.
"Tito Dan! Kala ko ba kakampi kita?!" Inis na tanong ko.
"Walang kampi kampi dito sa pinag uusapan natin. Wala kanang magagawa tapos ang usapan." Komento ni Tito Mige.
Lahat kami na tigilan kasi aaminin ko na lahat kami takot sa kanya. Isa syang Halimaw na kayang kumain nang tao. Katakot diba?
Umalis na silang lahat at si Tito Dan naman hinawakan ang balikat ko para palakasin ang loob ko.
"Kaya mo yan." Bulong pa sakin ni Tito.
Naiwan kami dun ni Lola at lumapit ako sa kanya para lambingin sya.
"Wala nang magagawa ang pag lalambing mo anak. Wala akong magagawa nanay mo yon." Sabi ni lola at hinawakan ang ulo ko.
"Ano pa nga po ba magagawa ko? Eh ayaw nyo naman sakin eh." Sabi ko ag tuluyan nang bumagsak ang luha sa mata ko.
"Anak." Tawag sakin ni Lola. Tiningnan ko sya at lumapit ako sa kanya para yakapin sya. Hinawakan nya yung baba ko para iharap sa kanya.
"Kala ko ba manhid ka?" Tanong ni Lola sakin.
"Lola Manhid ang pangangatawan ko kaya di ako nasasaktan pag pinapalo nyo ko. pero iba yung loob ko eh. Ayaw mo na sakin." Sabi ko at patuloy parin sa pag bagsak ang mga luha ko na parang nag kakarera.
"Di naman sa ayaw ko sayo." Sabi ni lola at pinunasan ang mukha ko. "Di mo ba nakikita? Matanda na si Lola di na kita kayang pag aralin yung Tito Dan mo na man mag kakapamilya na kaya di kana nya maaasikaso. Diba? Di naman sa wala ka nang maaasahan sa iba mong Tito at tita pero parang ganon na nga." Mahabang komento ni Lola.
Tama sya. Matanda na sya kaya pabigat lang ako sakanya kung pag aaralin nya ko. Si Tito Dan naman kakakasal lang Last year at buntis na nang pangalawang beses si tita Lea kaya paniguradong busy sya. At yung iba kong tito at tita wala naman paki elam sakin na kalo mo ay di ako kapamilya. Si tita Lea close ko sya yung asawa ni tito Dan pero baka maging pa bigat ako sakanya.
YOU ARE READING
Whispers of the Heart
Short StoryNi minsan ba pinakinggan natin ang puso natin? o mas inuuna pa natin ang pride natin? alam ba natin na nakakasakit na tayo? o manhid lang talaga tayo? Isang babaeng nag ngangalang Xhain Keir Austria. Simple , Mabait sa taong mabait sakanya at masama...
