2

20 2 0
                                    

Isang araw, may nagbabagabag kay Laura, hindi niya maresolba o maintindihan. Isang nararamdaman sa dibdib na nadarama niya lamang kapag kasama niya si Amelia. Napabuntong hininga siya at napahiga sa kama. "Anong aking gagawin? Isa na naman ba itong dahilan kung bakit ako masasawi?" tanong sa sarili, ngunit si Laura ay hindi tipong tao na mabilis magpakatalo. Sasabihin niya ang kanyang nadarama kahit maliit ang tyansang siya'y manalo. Sa gabing 'yon, siya'y nakatulog.

"Mahal? Mahal? Langga?!" narinig ni Laura na may sumisigaw at biglang namulat ang kaniyang mga matang nagsisigla, bibig nakabukas ng bahagya, mga labi'y tila namumutla sa kaniyang nakita. Ang binibining kanyang pangarap, di man makapaniwala, ngunit ito'y nasa harap. "H-Ha? Amelia?" gulat niyang sinabi, para bang hindi pa sapat ang namumulang pisngi ng chinita, ito'y hinalikan pa ng dalaga. Nagising siyang mabilis ang tibok ng puso. Ngayo'y tinatanggap niya na ganoon talaga. 'Gusto ko si Amelia.'

Kaya siya'y nagplano ng kaniyang sasabihin. Sinasabi niya muna ito sa harap ng salamin habang kinakausap ang sarili. "G-Gusto kita!" Mali, mali. "Araw araw, ang ganda mo sa paningin ko." Pangit. "Paumanhin pero.. hay, bahala na! Kailangan ko lang sabihin ang aking nadarama. G-Gusto kaya niya ang bulaklak na ito?" Tinignan niya ang hawak; isang rosas, isang mirasol, at tsokolate. Hindi niya mapigilang pawisan, siya'y masasabing napakanerbyosang chinita.

At 'yun nga, nagkita na naman muli ang dalawang dalaga. Nagulat si Amelia sa kaniyang nakikita. Dalawang bulaklak na kaniyang paborito at tsokolateng gusting gusto niya ang lasa. Nagtaka ito at medyo napangiti dahil naalala ni Laura ang dati niyang kinuwento. "Puwede pa tayong kumain? G-Gutom ka na ata" nerbyosong sinabi ni Laura. "Bakit parang pinapawisan ka? Namumula na naman ang iyong pisngi. May problema ba? May sakit ka ba?" agad na pagaalala ni Amelia. "H-Hindi, kaba lamang ang dulot nito" sagot naman ni Laura habang sila'y patungo sa isang kainan sa kanto. Inabrisyete naman ni Amelia ang kanilang mga braso at parang mahihimatay si Laura sa kilig o sa kaba, di niya alam kung ilan sa dalawa.

Hawak hawak parin ni Laura ang marisol at rosas, habang ang tsokolate naman ay nakay Amelia, kinakain niya na ito dahil paborito niya talaga. "Uy salamat ha?" sabi nito habang nakain ng tsokolate. "Bakit mo pala ako nabigyan?" dagdag pa nito habang nakangiti. Napatitig si Laura, tuluyang nabibighani sa binibining nasa harap niya. Napansin ni Amelia na nakatitig sa kanya ang chinita kaya siya'y kumuway sa harap nito. "O-Oh paumanhin hehe" nahihiyang sinabi ni Laura. "Ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa ganyan" pagaalala muli ni Amelia. "Wala lang 'yon, binibini" sagot naman ng isa, ngunit parang nagsasawa na si Amelia sa pagsisinungaling ni Laura. "Kanina pa kita tinatanong kung ayos ka lang ba o hindi-Parang ayaw mo na ko kausapin! Parang hindi tayo magkaibigan-" pagtatampo ng dalaga nang sumagot naman ang isa, "Oo, magkaibigan, kaso ayon lang." napatigil naman ang dalawa at tumahimik sa nasabi ng chinita. "A-Ano?" nagtaka si Amelia sa narinig niya.

Huminga ng malalim si Laura at hinanda ang sarili, mga mata'y nagmamakaawa kay Amelia na siya'y hindi lumayo,

"Amelia, ligaya ko, Ika'y minamahal ko ng totoo.

Humihingi ako ng tawad sayo,

dahil damdamin na ito, pinairal pa at lalo kang ginusto"

umamin na ang mahiyaing dalaga sa kanyang nililiyag.

May luhang nagbabantang tumulo sa mga mata ni Laura, alam niya naman imposible ang kanyang minimithi. "Sige. Alam ko rin naman ang sagot mo. Hatid na kita sa inyo, tapos uuwi na rin ako" malungkot na sabi ng chinita. Umuwi silang dalawa nang walang imik.

"Hayy Celso! Anong nagawa ko? Bakit ko pa sinabi? Siguro ayaw niya na makipagkaibigan sa akin."

"Ikaw kasi," sabi naman ni Celso, "Hayai na, Laura. Hindi mo na mababawi ang nasabi. Tsaka karapat dapat rin niyang malaman na siya'y iyong pinupusuan, maiintindihan niya rin 'yon pagkat siya'y ubod ng kagandahan."

"Tama siya" dagdag ni Karlo.

Kinabukasa'y naghintay muli si Laura sa parke, ngunit hindi dumating ang binibining kaniyang hinihintay. 'Dalawang oras na ang nakalipas, bakit wala parin siya?' inisip ng dalaga.

"Ano ba, Isabel? Ano gagawin ko? Siguro naghihintay parin 'yun doon sa parke tapos ako hiyang hiya!" kinakabahang sinabi ni Amelia dahil alam niya ang ugali ng chinita.

"Problema mo na 'yan" biro naman ng kaniyang kaibigan.

Dinilatan niya ang kaniyang kaibigan, "Hindi ka nakakatulong"

"Alam mo kung ako sa'yo, pupunta na ko doon. Baka akalain niyang di mo na siya pinapansin."

Si Laura nama'y pumupunta na sa bahay ng kaniyang ligaya. "Amelia?" katok nito sa pinto nila ngunit walang nasagot. Sumimangot ang dalaga kaya napaupo na lamang siya sa ilalim ng kanilang balkonahe. Nagdala siya ng gitara para hindi siya mainip habang naghihintay. Tumugtog siya ng kung ano-ano at narinig ito ni Amelia. Tila umilaw ang mukha nito at dali daliang tumingin sa baba na kaniyang kinaroroonan. Kumakanta na si Laura, "Para sa'yo toh, Amelia" binulong ni Laura sa sarili. Nakapirmi naman ang atensyon ng dalagang pinupusuan niya. May nararamdaman ngunit di niya rin alam, basta ito'y walang kapantay o kagaya, ibang iba sa lahat.

"At doon, Francisco, ay ang istorya naming dalawa ng iyong ina."

"Kaya matulog na ha?" dagdag ni Amelia. Pumunta na ang dalawa sa sala at nagusap. "Salamat kasi sinabi mo sa akin noon, kung hindi, ano pa kaya tayo ngayon diba?"

"Wala na 'yon, langga. Ang ginawa ko lamang ay hinarap ang aking damdamin para sa aking reyna."

"Harana. Harana, para mas maikli."

Oh Binibini (Alamat ng Harana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon