Scroll~
Hmmm clear skin sya pero ang pangit naman ng shape ng mata nya di bagay sa muka niya
Scroll~
May bago nanaman syang phone? Iphone 12?! Tsk RK nga shunga naman sa klase. di nga to makasagot pag recitation.
Scroll~
Infairness ang ganda nya manamit. Clinick ko yung picture at zinoom in GUCCI ?! Gucci yung sapatos nya tsk baka green hills lang yon tsaka nabalitan ko pok pok daw yon papalit palit ng Jowa tas may nakakita pa na may kasamang Matanda.. hala shockzzzz baka sugar daddy nya yon?
"MARGARETH!!! Bumaba ka na diyan at kakain na tayo!"
Psh! Ano bayan si mama ang lakas ng boses akala mo taga Squater eh
"SANDALI LANG!" Sigaw ko pabalik hinahanap ko pa kasi yung charger ng cp ko para pagbalik ko mamaya pagkatapos kumain may battery na
"MARGARETH ANO BA!"
"ETO NA! Sabing sandali eh!" Bwiset naman oh sabing sandali eh hindi ko na hinanapat yung charger ko at padabog na lumabas sa pintuan ng kwarto
Pagdating ko sa kusina "oh ma asan na yung pagkain akala ko ba kakain na?"
"tinawag kita para maghanda ng mga kubyertos at pingan ,Aba Magareth Highschool kana hindi pupwede ang buhay seniorita anong gusto mo kakain ka nalang ?eh wla ka nangang natutulong tanghali ka pa gumigising"
"at saka bawas bwasan mo nga yang pag cecellphone mo at nang may magawa ka namang matino ikasisira payan ng mata mo, Pagnagkaton dag dag gastusin kapa"
Napairap ako habang kumukuha ng mga kubyertos
Tsk tumutulong naman ako ahh naghuhugas din ako at ngawaalis palibhasa di nila nakikita.
Haynako buti pa si Sheina siguro hindi na kailangan maghugas ng pingan at maglinis ng bahay tatawagin nalang pagkakain na.
Napatingin ako kay mama na naglilipat ng ulam sa mangkok
Ano kayang pakiramdam ng may Katulong sa bahay ano kayang pakiramdam ni sheina na buhay prinsesa?
Siguro hindi siya napapagalitan sa mga ganto ka simpleng bagay. At sigurado ako na mas nakakapag focus siya sa pagaaral kasi walang biglang maguutos sa kanya para bumili ng toyo sa tindahan.
Hayssst sana ako rin.
Hindi naman kami Mahirap na tipong sa squater area nakatira may maayos naman kaming bahay sa isang maliit na subdivision. OFW si papa kaya kahit papaano ay maayos naman ang pamumhay namin
May nakakatanda akong kapatid si Kuya Jeremy 20 years old at sa kasamaang palad ay tumigil na sya sa pagaaral at hangang ngayon ay wala paring trabaho
Si mama naman ayon nakapag tapos nga ng engineering pero hindi namana nakapgtrabaho maaga kasi syang nabuntis kay kuya
At ako 16 years old at grade 10 . itsura ko? Hmmm sakto lang hindi naman sobrang ganda pero hindi din naman napagiiwanan.
Gaya nga nang sinabi ko kanina hindi kami mayaman at hinid rin kami mahairap sakto lang yung tipong nakakain kami ng cake kahit walang may bday
Ako nalang ang nagaaral sa pamily kaya pinili nila mama na pagaralin ako sa private school kasi kaya panaman daw ng income ni papa
Ayoko man sa una pero maganda naman pala. Hindi na ako laging hagard dahil may aircon at maganda rin ang facilities
Kasabay ng mgandang facilities ng paaralan ay ang mga magaganda at alagang skincare kong mga kaklase na may baon na 500 hangang isang libo kada araw Sa mantalng ako 50?! pero may baon namang kanin tsaka biscuit
