Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

sitri

2 0 0
                                        


Malamig ang simoy ng hangin dito malapit sa islang kinaroroonan ko. May matipunong bisig ang biglang yumakap sakin galing sa likod kaya naman bigla akong napaharap dito.

"I miss you" mahinang usal niya ng magtama ang ang aming mga mata.

"namiss rin kita"

Nakangiti siya ngunit batid kong hindi umabot ang ngiting iyon sa mga mata niya. May bahid na lungkot ito kahit pilit niyang hindi ipanapakita.

"samahan mo na kasi ako, lilibutin nating dalawa ang mundo ko" sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko.

Napatungo ako sa sinabi niya, ewan ko pero parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko't hindi maibuka ang bibig ko upang tugonan ang sinabi niya. Para bang may pumipigil sakin at--

"aray!"

Isang marahas na tapik ang tuloyang nagpagising ng diwa ko. Gulat akong napalingon dito.

"Natutulog ka na naman Claud e"  inis na sabi sakin ni Rhiz, best friend ko.

"nako bakla sorry, akin na. pasensya na talaga di ko namalayan e" Sabi ko nalang at kinuha ang kalahating illustration board at mga gamit pang pinta.

Project namin 'to and since kami lang naman ang mamimili ng ka-partner so we both choose each other as usual.  Sa totoo lang ay walang talent sa ganito ang kaibigan ko at hindi sa pagmamayabang biniyayaan naman ako ng husay sa pagpipinta. Rhiz provided the materials, the snacks  and everything lalo na't tungkol sa pera, at ako naman ang naatasang mag pinta.

"aabot pa kaya iyan bakla? e anong oras na o, kailangan na nating mag pasa" Nag aalalang saad niya.

Tinignan ko naman ang relos ko't nagmamadali ng kumilos ng makitang alas singko 'y medya na ng hapon, may kalahating minuto nalang kaming natitira dahil kailangan na namin itong maipasa ng punto alas sais.

"aabot 'to, ako pa" siguradong sagot ko sa kanya habang sinisimulan ko ng mag pinta.

At ng matapos ko na ay agad naman namin itong ipinasa. Hanggang alas sais lang ang klase namin ngayon dahil nga friday, dalawang subjects lang din ang meron kami.

Uwian na. Habang naglalakad ako sa eskenita papunta sa bahay na tinitirhan ko ngayon, I mean papunta sa bahay ng aking lola ay hindi ko maiwasang hindi isipin si Sitri. Nakilala ko siya for almost 2 months na simula ng lumipat ako sa lugar na ito at dito narin nag aral. Galing akong Cebu at pinapunta ako dito sa Laguna nina mama't papa upang dito na mag aral ng kolehiyo at dahil dito rin nag aaral ang bestfriend kong si Rhiz ay hindi na ako tumanggi pa sa gusto ng nila. At simula ng lumipat ako dito ang siya ring madalas na pakikipagkita rin sa'kin ni Sitri. Si Sitri, siya ang nobyo ko mahigit isang buwan na rin.

Nang makarating ako sa bahay naabutan kong nag didilig ng halaman si lola. Nagmano kaagad ako't umakyat na sa kwarto.

I sigh. Ba't ba pakiramdam ko sobrang pagod ko sa araw na 'to eh kung tutuusin ay hindi naman at half day lang din ang pasok namin kase nga friday. Nagkibit balikat nalang ako.

Hindi muna ako nagbihis at dumiretso na sa kama't tumihaya. Pinikit ko ang inaantok kong mga mata ngunit agad din akong napadilat ng maramdaman kong may humahaplos sa aking mga pisngi.

"Sitri"

"Claudia..." sambit niya habang umupo sa aking kama.

"You're here, paano ka nakapasok? Alam ba ni lola?" Tanong ko sapagkat nagtataka ako kung paano siya nakapasok sa kwarto.

Tumawa lang siya habang hinawakan ang kamay ko upang halikan ito.

"Silly, Of course your lola wouldn't know. You know i am good at this Claud. I am really good in hiding."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. No, this is impossible, how come? Oo boyfriend ko siya ngunit sa panaginip lang iyon at hindi pa kami kailan man nagkita sa personal. Don't get me wrong, hindi ako lucid dreamer at hindi rin ako sumusubok ng astral projection. It's just that sumusulpot lang siya palagi sa panaginip ko. And I know wala talagang totoong Sitri sa totoong mundo, only in dreamland. Pero ngayon nagtataka ako, paanong may Sitri? At paano siya nakapasok sa kwarto ko?

Bahagya akong umatras sa kanya subalit lapit din siya ng lapit sa'kin habang may pag tataka sa kanyang mga mata.

"H-hey, Claudi---"

"Aaaaaaa!" Daing ko ng mahulog ako sa kama.

SitriStories to obsess over. Discover now