Nagising ako..
Nagising ako sa aking pagtulog...
Nagising ako dahil sa isang malakas na hilik at malakas na hangin na binubuga mula sa ilong ng isang taong katabi kung natutulog. Binuka ko ng mabuti ang aking mga mata. Madilim at tahimik ang paligid. Oo nga pala, nasa kwarto ko pala ako kasama ang mga kaklase ko na natutulog din...
Ngunit sino itong.. Lalake.. Oo, lalake na katabi ko at naka harap ang mukha sa mukha ko?
Pilit kong inaaninag kung sino itong katabi ko subalit medyo inaantok pa ako kaya muli kung sinara ang aking mga mata...
Nang ako'y naka idlip, muli na naman bumuga ang hangin mula sa kanyang ilong kaya nagising na naman ako...
Ngunit sa pagkakataon na ito ay na gulat ako?! Totoo ba ito? Siya nga ba talaga ito? O nananaginip lang ako?
Inilapit ko ang aking mukha upang ma kumpirma kung siya nga ba talaga ang katabi ko! At mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng malaman na siya nga.. Siya nga ang katabi ko... Si Mathew nga...
Ang lalaking popular sa school dahil sa kagwapohan...
Shit!
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit kinakabahan ako? Naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ko?
Pinag masdan ko ang mukha nya upang di ako mag ka mali na siya nga ang taong katabi ko, subalit nabighani ako sa aking nakita.
Maliit na mukha, malalaking mata na may matataas na pilik, napaka tangus na ilong at ang kurteng cupid-bow lips nya. Napaka gwapo nga pala talaga niya... Ngayon ko lang siya nakita ng ganito ka lapit at di ako makapaniwala...
Inilagay ko ang kamay ko sa aking dib-dib malapit sa aking puso, pilit kung pinipigilan ang pag tibok ng aking puso, kailangan kung kumalma at pigilan ang aking nararamdaman. Sa lakas ng pagtibok ng aking puso ay naririnig ko sa sahig ang vibration ng aking heartbeat at ayaw ko siyang magising... Kaya muli kung pinikit ang aking mata at pinilit makatulog...
Subalit!
Mas lalong lumakas ang pintig ng aking puso at bigla kung idinilat ang aking mata!
Naramdaman ko ang mainit na braso ni Matthew na naka akap sa aking balikat!
At di lang iyon!
Shit! Napakalapit na ng mukha niya sa aking mukha! Amoy na amoy ko ang kanyang hininga at sa kanya ko palang na amoy ang ganong hininga, ang bango...
Gosh... Anong gagawin ko?
Hindi ko maalis ang kamay nya sa katawan ko, dahil pati ang binti nyay nakapulupot na 'rin sa mga binti ko... Shit! Ginawa nya akong unan...
Naguguluhan ang utak ko! Ano batong nararamdaman ko! Ano ba ang nangyari kanina at bakit katabi ko siyang natutulog? Anong gagawin ko? Bakit parang na aatract ako sa kanya? Para bang may gravity ang kanyang buong katawan na humihila sa akin upang di ko iwasan ang kanyang mukha at pakiramdam ko rin.. Parang.. Parang hinihila din ang mukha ko.. Gusto ko itong ilapit sa mukha nya..
Sandali.. Sandali lang... Baka.. Baka magising siya?
Baka malaman niya na naka yakap siya sa akin?! Ayaw kung kamuhian niya ako pag nalaman niyang magka yakap kami ngayon. Shit! Nalilito na ako..
Bigla siyang gumalaw!
Oo gumalaw siya! Subalit lalo niya akong niyakap ng mahigpit... 1 inch. Damn! 1 inch na lang ang pagitan ng lips niya sa lips ko! Oh shit! Ang lakas na talaga ng pintig ng puso ko! Sa tingin ko sa lakas ng tibok ng puso ko eh nag vi-vibrate na ito sa hinihigaan naming sahig! At takot ako na baka magising siya dahil sa vibration ng aking heart beat!
Bakit ba?! Bakit?! Bakit ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Ano ba ang ginawa ko? Ano ba ang nangyari sa nakaraang araw? Oo nga pala...
Naaalala ko ang nangyari...
Continue to next chapter...
VOCÊ ESTÁ LENDO
He fell in Love with a Campus Heartthrob
RomanceSasabihin ko ang totoo, hindi pa ako nag karoon ng Girlfriend ngunit nagkagusto ako noon sa isang babae, umabot pa sa punto na na in love ako sa kanya ang problema nga lang, turpe ako kaya walang nangyari. Pinagsisisihan ko noon kung bakit hindi ko...
