Kapag ganitong preparation wala kaming klase tsaka advance naman kami sa lesson,kaya pwede naman na akong pumunta sa library para maglinis.

Naglalakad palang ako papuntang library nang makita ko ang lintik na lalaking yun sa cafeteria

Kaya pumunta ako dun para sana ipaalala ang paglilinis namin

"Ipinapa---"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang siyang humarap,kung kaya natapon ang juice at fries na nakalagay sa tray nya,dahil sa biglaan nyang pagharap...

Napatingin na lang ako sa damit ko na sobrang dumi na dahil sa ketchup ng fries at dahil sa orange juice

Tumatawa na lahat ng mga taong nasa paligid namin

Dahil sa inis ko nasampal ko siya nakita ko ang gulat na ekspresyon ng mga tao sa paligid kaya tumakbo nalang ako palayo at nagpunta ako sa locker ko at nagbabakasakaling nandun ang P.E Uniform ko.

Locker

Tama nga ako nandun yung pampalit ko nagpalit agad ako tsaka dumiretso sa library

Nakita ko agad dun si Mrs.Nelia

"Mabuti naman at dumating na ka-,bakit ikaw lang?"

"Maam maglilinis po ako kahit ako lang mag-isa"

"I would going to remind him that he need to clean the library"...inis na sambit nya

Tumalikod na ako at dumiretso sa kuhanan ng panglinis

Nagsimula na akong maglinis,sa sobrang gabok ng shelves pumapatak na rin hanggang sa sahig ang mga gabok kaya minabuti kong walisan at punasan na lang ito minsan kasi hindi na nalilinis yung library ng janitor kaya kung sino nalang yung mapapunish to clean this siya nalang yung maglilinis

Mahigit isang oras kong nilinis ang library tsaka lang ako nakontento ng dumating si Mrs.Nelia

"It'enough,pwede ka na magpahinga"

Ngumiti ako at bago ako umalis inayos ko muna yung mga ginamit kong panlinis

"Maam,mauna napo ako"

"Okay!"...sabi nya bago tipid na ngumiti

Lumabas na ako ng library at pumunta na sa room kapansin pansin na ang lahat ng mga estudyante ay nakatutok sa cellphone nila palibhasa wala kasing teachers dahil lahat busy sa pag-aayos ng Sports Festival.

Tsaka lang kasi nagkakaroon ng sports festival kapag 3months na lang ang natitirang ipapasok ng estudyante.

Konting panahon na lang at makakagraduate na ako ng high school.

Dumiretso na ako sa room tutal 4 days na walang klase pero may pasok para yun sa preparation ng Sport Festival.

Pagpasok ko sa room dinatnan ko si Kiana at Marga nakatutok sa cellphone nila...

Akala ko hindi nila mapapansin ang pagdating ko pero nagkamali ako

"Bakit naka P.E ka?"...tanong ni Marga

"Ka---"

"Kaya nga hindi naman Friday"...sabi ni Kiana

"Kas----"

"Sasali ka sa sport Fest?"...tanong agad ni Marga

"Wow!kapag sumali ka---"...dugtong ni Marga

"Patapusin nyo muna ako,please?"

"Okay sorry!"ani Kiana

"Sorry!"sabi ni Marga

Is This Love?Where stories live. Discover now