-TWO-

4 4 0
                                    

BANGUNGOT

Sa buong buhay ko
ilang beses na nangyari ang ganito
hindi ko maipaliwanag kung bakit at paano
na yung lahat ng nangyari
ay mga bangungot na hindi ko mawari
bakit nangyari ang lahat?
bakit kailangan kong pagdaanan na ang ibang tao ang nagbuhat?
paulit-ulit ang naging senaryo
na sa tuwing magkikita tayo ay doon parin humihinto
hindi ko inaasahan na may taong tulad mo
na sa lahat ng ginawa mo ay hindi manlang tumaas ang iyong balahibo
natuwa ka ba? ginusto mo din ba?
hindi ba't ang iyong emosyon noon ika'y tuwang-tuwa?
bakit parang ngayon ay hindi mo na ako kilala?
dinadaana-daanan na lamang ako ng iyong mga mata
kaya't ako ay saludo sa iyo
sa lahat ng ginawa mo na tila naging bangungot sa sarili ko
ayan ka sa harapan ko
nakangiti at taas noo
gustuhin ko man isumbat sa iyo ang lahat-lahat
hindi na maari dahil sabi mo nga "kilala ka ng lahat"
nawa ay makonsensya ka
at maalala mo lahat ng ginawa hindi lang sa akin pati na din sa iba
mag-iingat ka ha
baka sa susunod yung bangungot na iniwan mo sakin
ay bumalik sa iyo at lubusan na itong yakapin.

POETRY IS MY STORYWhere stories live. Discover now