6:30 na ng umaga at dali-dali akong bumangon dahil excited na ako sa first day of school at di lang basta-basta first day dahil ito daw ang pinaka masayang stage ng pagiging estudyante mo sa buong buhay o yung tinatawag nilang college life and by the way ako nga pala si Ariana Xyzone 17 years old.
Isang mabangong almusal ang gumising saakin ngayong umaga at tama nga ako ang naamoy ko ay ang niluto ni manang na sinangag na kanin at chicken curry. Pag katapos kong kumain agad akong naligo at nagpalit na para pumasok sa school agad namn akong nag paalam kay manang para makaalis na "Sige anak mag iingat ka" tinuring ko na ring ina si manang Teresa dahil ang mga magulang ko ay nasa ibang bansa inaasikaso ang kumpanya ngumiti nalang ako bilang sagot.
Pag labas ko ng bahay agad namn akong sumakay sa kotse ko upang tumungo na sa school habang binabaybay ko ang daanan patungong school naisipan kong mag pa music upang mas lalong ma-relax dahil excited na excited na ako.
Pag bungad ko sa school makikita ang malaking gate ng school at sa taas nito ay may nakasulat na ATLAS LIBERTY ACADEMY (ALA). Pag pasok ko ng gate agad akong sinalubong ng guard at ibinigay ang kopya ng mapa ng buong campus at ng maiabot niya ito ngumiti namn siya "ma'am sa susunod po don't forget to fasten your seat belt" agad namn akong nagulat at ng tignan ko nga ang seat belt ay hindi naka kabit agad namn akong nag sorry at sinabi ko na sa susunod ay ikakabit ko na ang seatbelt at agad namn ngumiti si manong guard. Pag kaalis ko kay manong guard agad ko namang naalala yung binigay niya na mapa ng campus dali-dali ko itong kinuha at hinanap kung saan ang parking lot at hindi namn akong nahirapan na hanapin yon.
Pagkababa ko sa kotse ko ay agad kong hinanap ang main office ng campus upang hingiin ang section ko kung saang room. At ng maibigay na nila ang pangalan ng room ko agad ko itong hinanap at ng makita ko na ito tumingin ako sa taas ng pintuan at nakita ko ang nakasulat ay RAVEN CLAW I agad namn akong pumasok sa room at dahil bago lang namn ako dito wala akong kakilala kaya naisipan kong umupo sa likod dahil wala pa namn gaanong studyante ay naisipan ko munang mag pa music agad kong kinuha ang air pods ko at inilagay sa dalawang tenga ko at nag patugtog ako napansin kong pinag titinginan ako ng mga students sa loob ng room at tila kinikilig ang mga ito at ngumiti na lang ako bilang ganti.
At ng dumating ang isang lalake na maputi,matangkad,malaki ang mga braso,matangos ang ilong, at gwapo..... Arghhh king ina ang pogi niya crush ko na siya. Umupo yung gwapo sa left part sa likod, habang ako namn ay panay ang lingon sa kanya.
Wala akong nagawa buong mag hapon kase nga first day pa lang nag introduce lang kami, tas ako namn panay ang titig kay kuya pogi by the way ang pangalan pala niya ay Kyle Rivero. Pagkatapos ng 2nd period namin ay breaktime kaya namn maraming tao sa food court kaya napag isipan namin ni Gab na mamaya na lang bumili pag 3rd period kasi bakante namn namin kaya napag isipan namin munang mag basa ng wattpad habang nag babasa kami ng biglang tumunog ang buzzer na ay hudyat na para sa 3rd period na kung saan ay bakante namin. Akmang tatayo na sana kami ni Gab para bumili ng makakain ng makasalubong namin ang babaeng may dalang chocolates "wow para kanino yan" tanong ni Gab na siya namang binatukan ko dahil baka hindi saamin ibibigay.
"Ah miss ano pong maitutulong namin?" tanong ko at agad namn itong sumagot "ako nga pala si Abby Verzosa uhhmmm diba kaklase niyo si Kyle Rivero? pakibigay namn to sa kanya. Narinig ko namn ang bulong ni Gab "malandi ka ghorl kalma mo yang p*pe mo" sinamaan ko namn si Gab ng tingin dahil baka marinig siya nung babae.
Agad ko namang kinuha at nilibot ng aking mata ang buong paligid nag babaka sakaling may Kyle na makikita ngunit nabigo akong makita siya kaya sinabi ko na lamang kay Abby na ibibigay ko na lang pag nakita ko siya agad namn itong nag pasalamat at saka umalis dahil may klaselhg pa daw sila. Agad naman kami nag tungo ni Gab sa food court dahil gutom na gutom na kami at sakto namn nakita namin si Kyle na bumibili ng pagkain kaya agad ko itong nilapitan at ibinigay sa kanya ang nakapaper bag na pinabibigay ni Abby di ko alam kung bad trip ba sya o ano, naka poker face niyang kinuha ang paper bag sa akin "Thank you" sambit niya agad niyang binasa ang naka silid na papel sa gilid "From:Abby Verzosa
To:Kyle Rivero" napamura namn ako sa inasal niya dahil tinapon niya lang sa basurahan ang paper bag, ni hindi niya man lang ito binuksan at tinignan kung ano ang laman "Hoy!!! baket mo tinapon!!!? di mo ba alam na nag pakahirap yung tao para maibigay lang yan sayo tas itatapon mo lang!?" nakangisi lang itong naka titig saakin. "Tsaka hindi porket Gwapo ka ehh pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo!! "Ahh miss baka di niyo po kilala yang kausap niyo" bulong ng isang estudyante. "Wala akong pake kung sino man yan! tsaka apakayabang kala mo namn kung sino!" natahimik ako bigla ng mag salita ang gago "First of all di ako tumatanggap ng kahit na ano kung kani kanino lang unless galing sayo" sabi nito sabay ngiti na siyang kinaiinisan ko.
YOU ARE READING
Dear Future
Teen FictionThey told that past is the memories which gives you happiness, sadness, and the most is loving someone who doesn't deserve. But for me past is the way to learn the things that you will use in the future.
