Isla laya 1974
Mariing napapikit si Selena habang naglalakad ng nakayapak sa dalampasigan. Bahagya pa syang tumingala upang salubungin ang sinag ng papasibol na araw.
Huminto sya sa paglalakad at marahang iminulat ang mga mata nang maramdaman ang init na humahaplos sa kanyang mukha, kasabay nang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang mapupulang labi.
Muli syang pumikit upang namnamin ang payapang paligid. Ang tunog ng mabining alon na humahalik sa kanyang mga paa. Ang mga huni ng ibon at hampas ng mga dahon ng niyog na tila nakikipagsayaw sa hangin.
Ang lahat ng iyon ay nagpapaalala sa kanya ng buhay. Buhay na labis nyang kinamumuhian. Hindi dahil wala syang pagpapahalaga dito kundi dahil sa mas malalim pang dahilan.
Muli syang nagmulat at unti unting nagkalambong ang kanyang mga mata habang walang kurap na pinagmasdan ang pagsabog ng liwanag ng araw sa dagat. Isang napakagandang tanawin iyon marahil sa ilan ngunit hindi para sa kanya.
Nagdudulot lamang iyon ng paulit ulit na sakit at pangungulila. Ngunit tila tukso sa kanya na palagi na'y bumalik roon. Isang bagay na habang buhay nyang tataglayin hanggang sa dumating ang tamang oras para sa kanya.
"Hasta la proxima vez, my love" tila mahinang bulong ng hangin sa kanya. Naghatid iyon ng munting init sa kanyang dibdib at kagaya ng dati'y muling sumibol ang kapiranggot na pagasa sa kanya. Niyakap nya ang sarili pagkatapos ay inilibot ang paningin sa paligid na tila may hinahanap.
"Maghihintay ako kagaya ng iyong paghihintay. Maging iyon man ay umabot pa ng ilang daang taon. At kung dumating man ang sandaling iyon, hanapin mo ang amoy ang aking dugo. At tayo'y muling magtatagpo."
Marahang sambit ni Selena sa hangin.
At kagaya rin ng mga araw na lumipas ay wala syang narinig na tugon. Tanging mabining haplos lamang ng hangin.
YOU ARE READING
Cursed Blood ( Tighaw ng Dugo )
VampireGothic/ matured content/ love/ Romance /pain/sacrifice
