First Love

86 7 12
                                        

↭∞↭

2008

"Anong pangalan ng katabi mo?", a guy asked my seat mate Lani.

Siniko ako ni Lani, "Uy ano daw pangalan mo?".

He smiled at me waiting for the answer. Lumayo naman ng bahagya si Lani na mukhang mapupunit na ang bunganga sa sobrang lawak ng ngiti. What's wrong with her?

"I'm Jane", sagot ko sa lalaki.

"Jared", pagpapakilala niya sabay lahad ng kanang kamay. I took it at nakipagkamay. He smiled again before he walk towards our classroom door.

Oh..kay? What was that?

That was the first time that a guy asked for my name. Whatever his reason is. I can't get it out of my head. I'm not pretty. I know I'm ugly kasi lagi na akong nabu-bully dahil sa skin problem ko. I have no confidence with my physical appearance, nothing at all. I can only say that I'm good with academics. Not on top but I'm on the list. Baka naman balak niyang mangopya ng sagot sa exam kaya nilapitan niya ko. Is he planning to do so? Ang sama ko naman para isiping ganoon. Maybe he just wants to know his classmate's name.

Or not?

↭∞↭

"Nililigawan mo ba si Jane?", nakangising tanong ni Gabe kay Jared. Ikinagulat ko ito pero sinong bang hindi mapapatanong noon. Halos araw-araw na nasa school kami, palagi na lang nasa tabi ko si Jared. Kulang na nga lang makipagpalitan na siya ng upuan kay Lani para magkatabi na kami sa klase.

Kagaya ngayon, nakaupo siya sa harapan ko na para bang painting ako sa isang museum na kinikilatis ng mga mata niya. Ngitian niya lang si Gabe.

"Tara sa labas!", yaya na lang ni Gabe sa kanya. Jared just waved his hands, probably to say goodbye to me. Hindi ko alam kung anong hitsura ko pero alam kong nakatulala lang ako dahil sa tanong ni Gabe sa kanya.

Is that what he wants to do kaya dumidikit siya sakin for the past weeks? May gusto ba siya sakin? Hindi ako naga-assume at ayokong mag-assume. Kahit 14 years old pa lang ako, may standards na ko sa mga nagiging crush ko. At hindi pasok doon si Jared.

Hindi siya gwapo. Sabihin ng masama ugali ko pero he's really a guy with no looks to show. Payatot siya, pango, maitim at hindi matalino. He can be bullied kung hindi lang niya tropa yung mga bully sa school namin at kasama pa niya sa fraternity. He's 4 years older than me pero hindi ko siya makita as someone na magugustuhan ko. Kahit nga yata maging kaibigan ay ayoko.

If his answer to Gabe's question is YES. Kailangan ko na siyang iwasan ngayon pa lang. In the first place, nasa school ako para mag-aral. I don't need friends here. Gusto ko lang mag-aral. Hindi kasama sa pag-enroll ko dito ang magkaron ng boyfriend. Sa panahon ngayon na puro teenage pregnancy ang nababalita, nakakatakot. Marami pa kong pangarap sa buhay---- oops ang OA ko na do'n. But that's the plan. Get Jared out of the way.

↭∞↭

I've been avoiding Jared for days now. Ilang beses niya kong sinubukang kausapin about sa school and random stuff pero hindi niya ko makausap ng maayos. Papalapit pa lang siya ay lumalayo na ko. Kapag nasa room naman ay tinatalikuran ko siya. I'm not good with simple avoidance kaya alam kong nakakahalata na siya dahil sa harap-harapan kong pagiwas.

First LoveWhere stories live. Discover now