Blue Sky (BFC Fanfic)

Start from the beginning
                                    

"Wala 'yun, busy ka siguro? Tama busy ka nga," kinagat niya ang labi niya

Nakatingin lang ako sa bughaw na kalangitin ang sarap sa pakiramdam ng ganito maaliwalas ang hangin pero nawala lahat ng 'yun sa sunod niyang sinabi. "Hanna I think we need to stop this relationship," napatingin ako sa kanya nakatingin nadin siya sa bughaw na kalangitan halos matulad na sa buhok niya ang kulay ng kalangitan kung blue parin ang buhok niya pero hindi na eh. Mapait akong ngumiti. Hindi ko akalain na sa ilalim ng sarap ng simoy ng hangin at napakagandang bughaw na kalangitan matatapos ang halos dalawang taon naming pinagsamahang relasyon. Matapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun tumayo siya at naglakad paalis. Ilang minuto ang lumipas na kinaya ko ng tumayo mula sa pagkakaupo ko sa damuhan.

"Ate... ate..." tinignan ko ang batang kanina pa hinihila ang damit ko. Hindi ko yo sla siya papansin pero sobrang kulit niya at hindi niya ako tinantanan kahit nagbalak ako maglakad. Umupo ako para makapantay siya, maputi siya at medyo singkit ang mga mata "Bakit ka po iniwan ni Kuya?" inosente pero may kuryosidad na tanong ng bata. Sa pagkakabigkas niya palang ng tanong niya mukhang matalinong bata 'to. "Ah— hindi ko 'din alam eh siguro may pupuntahan siya."

"Saan naman po? Dapat po hindi ka niya iniiwan ako nga po ayun po ang kasama ko si Ate ko," tinuro niya ang babaeng nakatingin sa amin mula sa malayo at mukhang nakangiti.

"'Di ko di alam, eh. Ano nga palang pangalan mo?" nagpout siya ang cute niya. "Hindi naman po sa lahat ng pagkakataon kaya niyo po" tumalikod siya at tumakbo. "Ako nga po pala si Haru. Ate Hanna mahal ka po niya." at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

TUMINGIN ako sa nilakaran ni Steven kanina kaya napatingin ako sa langit na bughaw na bughaw padin ang kulay. Mahal? Pero bakit tinapos na niya. Dumiretso ako sa kwarto ko pagkauwi, uminit ang mata ko pinigilan kong hindi umiyak pero may pumatak parin na luha.

Dalawang linggo makalipas nagpag-isipan ko na kahit ngayon ibababa ko muna ang pride ko gusto kong malaman ang dahilan niya. Nagtext ako sa kanya na magkita ulit kami kung saan niya ako huling iniwan.

Naghintay ako na hindi naman niya binigo dahil dumating siya. Tulad dati nabigla ulit ako ng ibinalik na niya ang kulay ng buhok niya. Blue head is back I think. "Steven I just want to know why?" hindi agad siya sumagot huminga siya ng malalim at tumingin sa langit na tulad noon at bughaw na bughaw ang kulay "I can't take this anymore baby,"

"What?" naguguluhan kong tanong. Narealize niya din siguro ang tinawag niya sakin kaya tumingin siya sakin at pumikit ng mariin. Dumilat siya at kinulong ako sa bisig niya. Yakap niya ako hindi ako makapalag dahil ayaw kong gawin. Sa yakap niya dama ko na safe ako panatag akong nandito lang. Dati naman kaya kong maging safe na walang ibang tao na nandyan para sa'kin. Pero ang daming nagbago ng makilala at maging kami ni Steven. Hindi ko inaasa ang lahat sa kanya pero kulang ako kapag wala siya. Katulad ng bughaw na kalangitan kulang 'to kapag walang ulap. "I'm sorry baby for what I've done. Sorry baby I'm very sorry."

"Steven." mahina kong sambit.

"I know na nasaktan kita. Ako din sobrang nasaktan sa ginawa ko. Nagawa ko ang bagay na 'yun dahil... dahil ayokong malaman mo na nakikipagdate ako ng tayo pa kaya ko 'yun ginawa." kumalas ako sa yakap niya batid niyang nagtataka ako sa sinasabi niya kaya dinagdagan niya ang sinabi niya.

"Noong umalis ka, dumating si Mommy at sinabi niya sa'kin na mayroon siyang sinet na date between me and her friend's daughter. Ayoko sanang puntahan pero pinilit niya ako kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumayag. Ayoko namang makipagdate kung kanino man na tayo kaya naisip ko na ma—makipaghiwalay muna sayo."

Blue SkyWhere stories live. Discover now