SIMULA

5 2 0
                                        

SIMULA

“ Rievo, tawag ka ni lady boss” , tawag sa akin ng bestfriend kong si Vensitous. Kilala ako sa pangalang 'Rievo' ito ang codename ko sa team namin.


Panigurado may panibagong misyon na naman ako neto. Matagal na rin akong walang misyon at pa chill chill lang ako sa opisina ko.


Pagkarating ko sa harapan ng opisina ni lady boss ay kumatok muna ako bago pumasok.


“ Anong atin lady boss? “, panimula ko.


“ I have a new mission for you. Dahil sa pagiging aktibo at tapat na miyembro sa aking kumpanya ay ito na ang tamang panahon para mai-assign na kita sa ibang kumpanya bilang Finance Manager. Balita ko rin itong kumpanya na ito ay nangangailangan ng bagong Finance Manager “ , pagpapaliwanag niya.


“ Saang kumpanya boss? “. Sana naman madali lang itong misyon ko gaya ng mga nakaraan.


“ Well ,this mission is easy for you, based on your skills. ‘Di lang iyon, naka leave ang President nila ngayon at kasalukuyang hina-handle ito ng kapatid niya. ‘Di naman sa pagiging judgemental but her brother was not that good when it comes in handling their company”. Nagegets ko na, bali ang gagawin ko lang siguro ay utuin ang kapatid nung President nila. Sabi naman ni boss ay hindi ito kagalingan, mukhang madali nga lang ito.


“And btw you need to finish it within a month. Isang buwan lamang kasi ang leave ng President nila at baka mahalata niya ang pagbaba ng sales kung babalik na siya at maagapan niya agad ito. So as much as possible ay dapat bilisan mo ang kilos mo, are we clear Rievo? “


“ Yes lady boss. Dating gawi lang naman po diba?” , pagtatanong ko.


“ Yes. At kung maaari ay mas malala pa ang dapat mong gawin”.


Binigay na ni lady boss ang folder na naglalaman ng files ko na ipapasa ko sa kumpanyang papasukan ko. Nandito na rin ang background ng kumpanyang papasukan ko. Irereview ko muna ang mga ito at bukas na lang ako bibisita sa kumpanya.


Bumalik na ako sa aking opisina para basahin ang nilalaman ng folder.


‘MDEZ Company’


The best and fastest rising company worldwide. Gaining the number 1 spot of the world’s aggressive and progressive company.


Binasa ko pa lamang ang intro nito ay nanghina na ako. Akala ko bang madali lang? Yung mga nakaraang misyon ko ay nasa top 20 lang ah.Kaya siguro matagal akong nagpahinga para sa bigating misyon na ito.


‘Di ko na tinuloy ang pagbabasa, baka ma stress lang ako kakaisip. Sa susunod ko na lang ipagpapatuloy ang pagbabasa tutal hindi pa naman ako nagtatrabaho doon. Sinarado ko na ang folder at inilagay ito sa aking lamesa.


Biglang bumukas ang aking pintuan at niluwa nito ang nakakabwisit kong kaibigan.


“Rievo, sabay na ako sa’yo sa pag uwi “ , ngiting saad ng aking kaibigan.


“ Baka ang ibig mong sabihin Vensitous ay ihatid na kita sa inyo “, iiling-iling na saad ko.


“ Alam mo namang tamad ako magdrive ng kotse ko at saka bawal malaman ng boss ko na mayaman ako. Remember personal bodyguard lang ako “, pagpapaliwanag niya. Oo nga pala na-assign kasi siya ni lady boss na maging personal bodyguard ng isang President din ng kumpanya. Mas madali nga iyong sa kaniya,  lalo na’t personal bodyguard naman siya.


“ Daming satsat , tara na nga”. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at nilisan na ang opisina ko. Tahimik lang naming binaybay ang daan patungo sa kanila. Buti na lamang at magkalapit lang kami ng bahay. Hindi na hassle sa pagda-drive.


‘Di naman ako gaanong pagod ngayong araw, sadyang tinatamad lamang siguro ang aking katawan kaya’t diretso higa na ako sa aking kama. Maya maya na lang ako mag shower, magpapahinga lang ako saglit.


Napadako ang aking paningin sa picture frame na nakalapag sa side table. Picture naming dalawa ni Chastina, ex ko. Oo, ex ko na niloko ko. Isa kasi sa mga nabigay na mission ni lady boss ay ang pagbagsak ng kumpanya nila, na si Vensitous ang may hawak. Matagal nang na drop down ang mission dahil hindi naman nila magawang mapabagsak ito.Si Chastina pala ang President doon. ‘Di ko alam ang kumpanya nila pero matunog ito sa publiko. Nakita kasi ni lady boss na mahirap siyang kalabanin, napa-tiyempo lang at nalaman niya ang relasyon namin. Labag man sa kalooban ko ay nakipagtalik ako sa iba habang kami pa na iniutos ni lady boss. Tinawagan ni lady boss si Chastina at ayun nahuli niya kami.


“ I’ll get you again, Chastina” ,bulong ko sa hangin bago ako bumangon para mag shower. Pagkatapos kong magshower ay dumiretso na ako sa aking higaan para matulog.


Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapaghanda pa. Ginawa kong presentable ang aking itsura bago magtungo sa MDEZ Company.


Pagkapark ko ng aking sasakyan ay napatigil pa ako para tingnan ang kotseng katabi nito. 2020 Chevrolet Corvette na kulay pula, kay Chastina ‘to ah. Umiling ako sa naisip, ‘di lang naman siguro siya ang mayroong ganitong klase ng kotse.


“ Good day sir and welcome to MDEZ Company. What’s your appointment sir?”, malugod na bati sa akin ng staff.


Inilahad ko na lamang ang folder na naglalaman ng files ko.


“ So you’re the new Finance Manager. This way sir “ , iginiya niya ako sa elevator at nagtungo sa 8th floor. Dito siguro ang office ng mga executives.


“ The President was out for an emergency meeting. While waiting, her brother will accompany you until Ms President come back. Enjoy your stay sir and make your self comfortable “, ngiting saad nito at umalis na .


‘Verrous Francis Descano’


Ito ang nakasulat sa table. Siya siguro ang kapatid ng President. Sa pagkakaalam niya kasi ay babae ang President ng kumpanyang ito.


“ So you’re must be the new Finance Manager “ , ngiting saad ni Verrous.


“ Ryx Vielle Orrievos, sir” , sabay lahad ko ng aking kamay para makipag shake hands.


“ Verrous Francis Descano. Mister Ver na lang “. Hindi naman mukhang baguhan ito sa pagha-handle ng kumpanya. I bet sinabi lamang ni lady boss na mahina ito para tanggapin ko ang mission.


“ Ate Chastina will be here also. Let’s wait for her”, tila nabingi ako sa pangalang narinig ko. Tama ba ang pagkakarinig ko? Ate Chastina? Wala namang nabanggit sa akin na may kapatid siya, oh well hindi nga pala namin pinag-uusapan ang mga pamilya namin.


“ Chastina ang pangalan ng kapatid mo?”, paninigurado ko.


“ Yes, Chastina Viloria Descano “, ngiting pagpapaliwanag nito. Ayaw magsink-in sa akin ng mga nangyayari parang panaginip lamang lahat ng ito.


“ Oh, ate you’re here na pala, meet Mr. Orrievos our new Finance Manager “ , pagsalubong niya sa kaniyang kapatid . Lumingon siya upang matitigan ang dalaga. Hindi pa rin talaga nagbabago ang itsura nito, napakaganda pa rin ng dilag.


“ Oh Ryx, ikaw pala “ , saad niya sa nanunudyong tono. Lumapit ako para pormal na magpakilala.


“ Magkakilala kayo? “ , takang tanong ng kapatid.


“ Oh yes my brother Verrous. He’s Ryx, ex ko. Ingat ka my bro,magaling pa naman siyang manloko “, ngiting saad nya bago umalis sa loob ng opisina.


You’re very wrong my honey. Soon I’ll get you back.

°xeartxy°

Robbed [on-going] Where stories live. Discover now