Chapter 8 (Night gown)

Începe de la început
                                    

"Ah, sorry Apollo. Mga kaibigan ko si Cheska at si Val" pagpapakilala niya sa dalawa.

Inilahad niya ang kamay niya, una kay Cheska. Inabot naman niya agad. Nang ilahad na niya ang kamay kay Val ay napangko ang titig dito. Hindi niya namalayan na na stuck na ang kamay ni Val sa pagkakahawak niya. Naiilang na binawi ni Val ang kamay at tyaka siya nag fake smile.

"Apollo ang aga niyan ah" paninita ni Milo

Nginisihan lang niya ang mga ito

Dumating ang wine na iniikot ng maids.

Dumulas ang isa at nag landing sa dress ni Cheska. Agad iting tumayo at pinagpagan iyon.

Takot na takot na nag sorry ang maid

"Bumalik ka na sa kusina" ani Hunter

"Halika sa loob" anyaya ni Arriette. "Bibigyan koblang siya ng damit babe" pagpapaalam niya.

Inalalayan siyang tumayo ni Lucas at hinalikan sa piangi

Naupo naman sa tabi ni Val si Apollo. Dahil yun lwng ang available seat. Napapaisip ito kung saan niya nakita ang katabi, parang Pamilyar ang mukha nito.

Umupo sa katabing couch ang dalawa at sumimsim ng wine

"mamili ka na lang diyan sa closet ng kakasya sayo. " ani Arriette. Pagka hubad ng dress ni Cheska ay inanlawan niya ito at tyaka nilagay sa dryer.

Nagkayayaan sina Apollo at Val na mag swimming kaso wala siyang gagamitin. Tamang tama ang pagdating ni Arriette at cheska.

Sinalubong niya ang mga ito at tyaka inilapit ang mukha "Pwede ba ako humiram ng two piece mo, niyayaya ako ni Apollo mag swimming eh" malanding na tumingin ito kay Arriette.

"Aaayst ikaw talaga" ani Arriette na kinurot siya sa tagiliran

Nag iwas ito kaya hindi ganoon kasakit ang kurot ni Arriette

"Oo siya sige pero ikaw na lang Cheska ang sumama sa kanya nakakapagod umakyat baba sa hagdan" ani Arriette

Nagmadali namang umalis ang dalawa.

"May ipapakita ako sayo tyak na magugustuhan mo!" excited na sabi ni Cheska kay Val habang paakyat sila ng hagdan

Pagbukas nila ng pinto ay agad na pumunta sa walk in closest. Kinuha yung paper bag at tyaka inilabas ang laman niyon.

"Oh my gosh!!!! may ganitong kasiksing night gown si Arriette?" nakangangang hindi makapaniwala si Val

"Ano sa tingin mo?" malanding ngumiti si Cheska

"teka nga, maisukat nga." mabilis na hinubad ni Val ang mga damit. Pagkasuot ay humarap siya sa salamin.

Nagkatilian sila ng makita ang ganda ng night gown at ang sikse niya tignan.

"Ito na lang ang hiramin ko baka sakaling masiksihan si Apollo sa akin?" malanding sabi niya.

Nasa malayo pa lang sila ay nadaanan ng tingin ni Lucas ang paparating na si Cheska at Val.

Halos lumuwa ang mata ng makita na suot suot ni Val ang night gown

Tumingin si Arriette sa tinitignan ni Lucas.

Malapad ang ngiting tumingin si Val ng makita niyang nakatingin sila sa kanya.

Napansin niyang parang iba ang tingin ni Lucas at Arriette sa suot niya.

Mabilis na bumaling ang tingin ni Lucas kay Arriette. Tumayo ito at tumabi kay Arriette " babe tara na sa loob, malamig na dito sa labas" ani Lucas na hinawakan na niya ito sa kamay.

Hindi ito pinapansin ni Arriette. Tumayo siya at inalis ang kamay ni Lucas at lumapit kay Val. Tinignan ng mabuti ang suot ni Val. Umikot pa si Val at nag pose.

"Wow, you look great!" ani Apollo

Nagpacute si Val at nagpasalamat kay Apollo

"Saan mo nakuha ito?" tanong ni Arriette habang hawak hawak ang laylayan ng night gown

"Maganda ba?" masayang tanong ni Val kay Arriette

"Ang tanong ko saan mo nakuha iyan!" pasigaw na niyang sabi ditto na kina bigla ni Val. Nagulat din si Cheska sa biglang pagsigaw ni Arriette.

Nabigla siya sa pagsigaw ni Arrie sa kanya..

"Arriette, tara na sa loob" ani Lucas na hindi maipaliwanag ang ekpresyon ng mukha. Hahawakan sana siya ni Lucas sa kamay ng nag iwas ito

"Sandali pwede!" galit na tinignan si Lucas. "Saan mo nakuha yan, sumagot ka Val!!"

"Sa walking closet mo. Doon sa paper bag" sagot ni Val na nahihiyang tumingin dito dahil nahihiya na siya sa sigaw ni Arrie

" huh? Hindi siya makapaniwala na humarap ito kay Lucas. " Kaninong damit iyan?" tinaasan niya ito ng kilay

"Arriette" ang tanging naibulalas niya

"tinatanong kita Lucas" nangingilid na mga luha sa kanyang mga mata

"Arriette, makinig ka muna"

"Lucas please sagutin mo ako" ani Arriette na basag na ang boses nito.

Nakatingin lang siya kay Arriette. Hindi ito nagsasalita

"Ikaw ba yung lalaki noong gabing yun?" hinawakan niya ang damit ni Lucas. Naghihintay ng sagot mula dito .

Tumango lang si Lucas sa kanya. Doon na bumuhos ang luha niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa damit ni Lucas at nakapikit. Pilit na ipinapasok sa utak ang mga katotohan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa pag amin nito sa kanya. Suminghap ito at muling nagmulat. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Lucas.

"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon" bumitaw siya sa pagkakahawak sa damit nito.

"Anong nangyayari?" ani Apollo. Pati sila Hunter at Milo ay nakatingin lang sa dalawa.

Pagkatapos magsalita si Arriette habang humahagolgol ay umalis ito

Hinabol pa siya ni Lucas at hinawakan sa kamay.

Isang malakas na sampal ang natikman niya ulit ng humarap si Arriette.

"Huwag mo akong hawakan, Huwag mo akong susundan!" galit na sabi nito sa kanya at tuluyan na siyang umalis

Naiwan silang walang alam sa nangyayari

Hindi makagalaw si Val sa nangyari, hindi lubos maunawaan ang nangtari pero siya ang dahilan kung bakit sila nag away ni Arrie at Lucas. Tumakbo ito sa loob at isinuot qng damit. Paglabas niya sa mansion ay may kamay na humawak sa braso niya. Ipinilig siya sa dibdib nito, doon na siya umiyak..

Nang mahimasmasan ay dumistansya siya sa lalaki. Nang mag angat siya ng tingin ay nakita niya si Apollo.

"wala kang kasalanan, hindi mo naman alam ang puno't dulo, pare pareho tayong lahat na walang nalalaman." ani Apollo

"Pero kasi dahil sa akin kaya sila nag away, I can't bear losing a friend, Arrie is like a sister to me." aniya na naluluja nanaman ito

"I know where you could release that guilt" binuksan niya ang pinto ng kotse. Hindi naman na nagtanong si Val at sumakay na ito.

Nagpunta sila sa Empire bar. Nagtaka ito paano miya alam ni Apollo ang lugar. Pagpasok sa loob ay agad niyang nakita si Wayne, kumaway ito sa kanya.

Nang makapalit ay tumingin siya sa kasama ni Val. "Na met mo na pala ang Mr. Savior mo, ang tagal mo rin siyang hinanap ha" ani Wayne

Kumunot- ang noo niya na tinignan si Apollo

Napatap ito sa bibig ng maalala na kung saan niya nakita ito. Kaya pala noong una palang ay parang pamilyar na ito dahil isa siya sa kilalang the Bachelor ng Mariano's brother.

"You mean to say, oh my gosh hindi kita agad namukhaan!" ani Val kay Apollo

"hinanap mo ako?" nagtatakang tanong ni Apollo

Nahijiyang tumango si Val sa kanyan "Oo hindi pa kasi ako nakapagpasalamat sa pagligtas mo sa akin sa mga goons na yun, nagdisappear ka kasi agad." paliwanag niya




The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum