Alyx's pov
"Alyx! BUMABA KA NGA DITONG BATA KA AT MAG INTINDI KANA DITO!"
"Andyan na ho" sigaw ko pabalik
Hayss kakasawa na sa ganitong routine.
Bumaba na ako.naabutan ko yung pinsan kong mukhang sinubsob sa harina sa sobrang puti ng mukha tas dagdag pa yung kilay niya na fake naman.
"Oh,anong tinitingin-tingin mo diyan ha? Mommy oh! si alyx ayaw pang kumilos"
"Aba! Alyx ano hihintayin mo pa akong makalapit diyan at tsaka ka lang kikilos kapag nakurot na naman kita?!"
nagdire-diretso nalang ako papuntang kusina.hindi ko nalang sila pinansin parehong may sapak sa ulo.
Patay na si papa kaya dito nako nakikitira.si mama?ayon sumama sa kabit niya mayaman yung lalaki eh syempre dun siya sasama tsk.
Naghuhugas ako ng bigas para sa tanghalian namin ng biglang tumunog yung cellphone ko na isang bagsak nalang eh sira na pero okay pa naman.
"Uwahhhhh! Natanggap ako! Natanggap ako~ natanggap ako~"
"Hoy alyx ang-ingay mo ang pangit din ng boses mo kaya wag kang kumanta!"
Basag trip talaga to nakakabanas
"Manahimik ka nga diyan maka lait ka ikaw nga mukhang paa nilait ba kita?pesteng to" tsaka ko siya nilayasan.buwisit na to panira
Lumapit ako kay tiyang tsaka sinabi yung magandang balita parang ako maganda hihi
"Tiyang natanggap ako don sa inaplayan kong trabaho sa manila,pwede na daw ho akong mag umpisa sa susunod na linggo"
"Oh?talaga? Baka naman pati pamasahe mo eh ako pa ang mamomroblema naku magkaron ka naman ng utang na loob pinapalamon kana nga lahat lahat ako pa magpapamasa--"
"Tiyang! Ako ho yung mamamasahe sakin.nagsabi lang ho ako sa inyo para alam ninyo." Dame ng sinumbat jusko naman
"Aba dapat lang kala ko ako pa magpapamasahe sa iyo tse"Tsaka niya ako tinalikuran.tignan mo yung ugali non makataray ei kala mo hindi pa kulubot yung balat
------
Nagmumuni-muni ako dito sa kwarto ng maalala ko na bukas na pala yung alis ko pero hindi pa ako nakaka impake anak ng tokwa naman
Kinuha ko na yung malaki kong bag na lalagyan ko ng mga damit ko.nakita ko yung key chain na iniregalo sakin ni papa nung 16th birthday ko.lagi lang tong nakasabit sa kung anong bag yung gagamitin ko para kahit saan ako pumunta kasama ko siya.
Nakailang buntong hininga na ako dito habang nakahiga.maliit lang yung kwarto kasyang kasya lang ang isang tao.merong kama na maliit meron pa namang awa yung tiyahin ko haha.
Nag-apply ako bilang yaya sa maynila sinend na rin nila yung address ng bahay nila.
Ilang minuto lang ang nakalipas biglang tumunog yung cellphone ko
Sino ba naman ang matinong tao ang magtetext ng ganitong oras?
From: 0951*******
Ingat ka papuntang maynila bukas :> goodnight :))
Ehhh?sino to?
Gusto ko sana mag reply kaso wala pala akong load.bahala siya diyan matutulog nalang ako.
_______
Naiiyak ako shutanginers kahit naman masusungit sila tiya mahal ko yung mga yon.pati na rin itong kwarto ko huhuhu mamimiss kita huhuhu wag kang mag-alala babalik ako pangako"naiiyak talaga ko pesteng langgam kinagat ung mata ko huhu
