Chapter 11 : Band Aid

120 14 4
                                    

Nagising si Jane kinabukasan dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Bumangon na siya at nagpuntang banyo. Bago siya nagbihis ay tinawagan muna niya ang kaniyang ina para kamustahin. At sinabi nitong makauwi na raw sila bukas.

Kinuha na niya ang backpack niya at isasarado na sana ang pinto ng kwarto, nang bigla niyang naalala na nasa uniform pala na sinuot niyang palda kahapon ang ballpen niya. Bumalik ulit siya sa loob at kinuha ang palda niya sa basket ng labahan.

Kinuha niya ang ballpen roon, nang may makapa siyang papel.

"Oo nga pala." aniya at kinuha narin ang papel.

Hindi na niya ito nagawang buksan dahil pagtingin niya sakaniyang relo ay 6:45 na, at 7:00 ang klase. Dali-dali na siyang bumaba at kumain ng kaunti saka patakbong lumabas ng bahay.

Nasa tapat na siya ng pinto, at sa mabuting palad ay wala pa ang adviser nila. Pumunta na siya sa upuan niya at linagay ang kaniyang bag. Naroon narin sina Nathalia ngunit may kaniya-kaniya itong ginawa. Kaya tanging ngiti lang ang nagawa ng mga ito pagkakita sakaniya. Tahimik nalang din siyang umupo.

Lumipas ang ilang minuto, ngunit hindi parin pumasok ang kanilang guro. Napatingin siya sa kaklase niyang kakapasok lang sa silid at nagsasalita sa harap.

Napakunot ang noo niya at tila lumaki ang kaniyang tenga sa narinig.

"Alam n'yo, ang gulo dun sa principal's office," panimula nito na siyang kumuha ng atensyon sa mga kaklase niya.

"Bakit naman?" tanong ng kaklase niya, na sa pagka-alala niya ay Rafaela ang pangalan.

"Ewan, kung tama narinig ko. Pero sabi dun patay na daw si Principal." bigla siyang nalaglag sa kinauupuan na nagdulot ng malakas na kalabog at napunta sakaniya ang atensyon ng lahat. Narinig pa niya ang mahina nitong tawanan.

"Okay ka lang?" tanong ni Laurynn at tinulungan siyang tumayo.

Umupo na siya ng maayor, nang bigla niyang naalala ang sinabi ng kaniyang kaklase.

"Labas muna ako ah? May pupuntahan lang." nagtatakang tumango si Laurynn.

Tumakbo na siya papunta sa principal's office, na ang kanan niyang kamay ay nakahawak sa papel na nasa loob ng kaniyang bulsa.

Pagkarating roon ay sakto namang kalalabas lang ng bangkay ni Principal Santiago. Napadaan ang bangkay sa hara niya dahil nasa may pintuan siya ng silid. Sinundan niya ito ng tingin.

May nakatakip ritong puting tela, ngunit ang paanan nito ay hindi naabutan ng takip. Hindi niya mapigilan ang pagkunot ng kaniyang noo nang may mapansin siya sa may binti ng principal.

Medyo nakataas ang suot nitong itim na slocks kaya kita ang ibabang binti nito. Nakita niyang may nakadikit roong band aid. Tinaas niya ang leeg niya at bahagyang napalakad para masundan ang bangkay, at hindi nga siya nagkakamali. Isa nga iyong band aid na may nakasulat na "2". Lalapit na sana siya rito, ngunit biglang nagbago ang isip niya.

Tumakbo na siya pabalik sa ikaapat na palapag, ngunit hindi siya dumeretso sa kanilang silid bagkus nagpunta siya sa bagong library at naghanap ng mauupuan.

Pagkaupo ay agad niyang kinuha ang papel na kanina pa niyang hinawakan sa loob ng bulsa. Binuksan niya iyon, at sobra ang paglaki ng kaniyang mata. Napasinghap siya.

"P-Paano?" tanging nasambit niya sa labis nag pagkagulat.

Sa loob ng nakatuping papel ay may nakadikit roong band aid na kulay itim at red dots ang design. At ang mas lalo niyang ikinagulat ay kapareho ito nung sa nakadikit sa binti ng yumaong principal.

Tinignan niya ang ibaba ng papel para masiguradong wala na bang nakasulat roon, pero wala na. Tinignan niya ang likuran nito, at napako ang kaniyang tingin sa corner sa ibaba, sa may kanan.

May nakaguhit roong vine na kulay itim. Para itong hindi pa tapos, para bang may kadugtong pa. Binilang niya ang parang sanga ng at vine, at nakitang dalawa lamang iyon.

"Parang, may kadugtong 'to sa principal..." mahina niyang sambit.

Dali-dali niyang tinago sa loob ng bulsa ang papel na hawak niya at napa-ayos ng upo.

"Miss Del Valle," napatingin siya sa taong nasa harapan niya.

"Yes ma'am?" aniya habang nasa bulsa parin ang kamay.

"Magsisimula na ang klase natin, bakit nandito ka pa?" mahina nitong tanong dahil nasa loob pa nga sila ng library.

Napalunok naman siya ng lawayat nag-iisip ng maaaring idahilan.

"Nag-aaral lang po ako dito ma'am. " Pagkatapos iyong sabihin ay parang gusto niyang sabunutan ang sarili.
"Nag-aaral tas walang notebook o libro? How stupid!" Bulyaw niya sa sarili.

Napansin niyang tumaas ang kilay ng guro niya , pero agad din itong ngumiti.

"I see. So, let's go?" anito. Tumango naman siya at sinundan ang guro palabas ng library.

Nasa harap si Teacher Rodriguez, dala-dala ang libro at iba pa niyang kagamitan. At si Jane naman ay nasa likuran, tahimik na naglalakad habang nakasunod sa guro.

Pagkarating sa tapat ng pinto sa sakanilang silid ay napahinto sila.

"Bakit po?" takang tanong niya.

"Pwede mo ba ako pagbuksan ng pinto, Jane?"

"Oo naman po." aniya at hinawakan ang knob para bumukas ang pinto.

"Salamat." anito.

Napatingin si Jane sa kamay ng guro na may band aid. Napaatras siya at kumurap ng ilang beses.

"Why?" nagtatakang tanong ng guro.

Umiling lang siya at pumasok narin. Habang naglalakad papunta sakaniyang upuan ay hindi mawala-wala ang kaba sa kaniyang puso.

"Papano?" mahina niyang sambit. Hindi tumigil ang kaniyang utak sa katatanong.

Ang suot kasing band aid ni Teacher Rodriguez ay pareho nung band aid na nakadikit sa binti ng principal at sa papel na natanggap niya.

Habang nakaupo ay narinig niyang nagsalita si Laurynn, pero hindi niya ito maintindihan dahil sa dami ng iniisip niya.

Natanong niya sakaniyang isipan kung posible bang si Teacher Rodriguez ang pumatay. Ngunit bakit niya iyon gagawin kung makakasira iyon sa imahe niya bilang guro?

ConnectedWhere stories live. Discover now