"Kung ganoon ay dapat mag handa ka para magustuhan ka niya. Mayroon kana bang regalo kay Yuji?"

"Wala pa nga e. Hindi ko alam kung ano pang kailangan niya. Lahat ay mayroon na siya, kaya sa tingin ko ay mahihirapan akong mag isip."

"Dapat ay espesyal. Gawan mo siya ng cup cake, yung best seller natin dito. Tutulungan kita, akong bahala." ang wika ni Darrio habang naka ngiti.

"Sa tingin mo ay magugustuhan niya iyon?"

"Oo naman, hindi mahalaga kung maliit o malaki ang regalo. Mahal o mura man ang mahalaga ay galing ito sa puso." ang sagot niya.

"Tama ka doon Darrio." ang naka ngiti ko ring sagot..

Matapos ang time namin sa duty ay nag pasya kaming mag hanap ni Darrio ng cute at magandang design ng cup cake. Hindi naman problema sa amin ang gamit at mga sangkap dahil libre ito sa cakeshop na aming pinag tatrabahuhan. Wala naman akong maibibigay na iba kay Yuji, wala namana akong pera para pag kalooban siya ng mamahaling gamit. Siguro ay okay na ito, isang masarap at matamis na cupcake galing sa puso ko.

"Teka mali, masusunog iyan. Masyadong mataas ang temperature Blas." ang pag pigil ni Darrio pero huli na ang lahat, nasunog na nasira ang aking ginawa.

"Pang apat na to, kung hindi nasisira ay nasusunog." reklamo ko.

"Ayos lang iyan, tutulungan kita hanggang sa maperfect natin ito." ang positibo niyang sagot sabay bukas sa smoke exhaust ventilator.

Kapwa kami naubo..

Lumipas ang tatlong araw at dumating ang kaarawan ni Yuji. Hapon palang ay nag handa ako. Inayos kong mabuti ang aking sarili at halos nag tagal ako sa salamin. Pinapractice ko ang aking gestures kung sakaling makaharap ko ang parents ni Yuji.

Nag abang ako ng taxi sa harap ng aming tarangkahan, hawak ko ang box ng cup cake na inilagay ko sa magandang paper bag.

Habang nasa ganoong pag aabang ako ay huminto ang sasakyan ni Kiro sa aking harapan at dito ay bumaba siya kasama sina Erjun at Gavin. Lahat sila ay naka suot ng tuxedo, mga hapit sa katawan, magaganda ang desenyo at talaga namang napaka ggwapo nilang tatlo. "Bakit ganyang ang itsura niyo?" tanong ko.

"Ikaw ang bakit ganyan ang itsura mo? Ano ba iyang suot mo?" tanong Erjun

"Long sleeves na itinupi, nang hiram lang ako kay Darrio ng damit." ang sagot ko.

"Mabuti pala at nag punta tayo dito at sinundo natin siya. Kundi ay lagot tayo. Teka mayroon ba kayong suit doon na kasya kay Blas?" tanong ni Erjun.

"Mas matangkad ako kay Blas at mas malaki rin ang kaha ng katawan ko sa kanya." ang wika ni Kiro

"Teka, diba mayroon tayong stock room kung saan natin itinatambak yung mga suit na nasuot na natin? Tara, baka mayroong kaysa kay Blas doon." ang wika ni Gavin at dito ay hinila nila ako papasok sa sasakyan.

"Bakit ba kasi? Okay naman yung suot ko."

"Hindi pwede iyan Blas. Hindi ka maaaring humarap sa mga magulang ni Yuji ng ganyan ang itsura mo." sagot ni Erjun sabay start sa kanyang sasakyan.

Nag tungo kami sa isang malaking bahay na kulay puti na parang isang lumang mansion noong panahon ng kastila ang itsura. Napaka luwang bakuran at halos nakakaluwa ng mata ang laki ng mga pader. Dito ay agad nila akong pinapasok at pinaupo. Lumapit sa akin ang dalawang taga ayos ng mukha at buhok at iniutos ni Kiro na gawing MAS presintable at maayos ang aking anyo.

"Baka ito ay kasya kay Blas? Eto ay suit ko noong nakaraang taon noong nag guest ako sa Canadian Fashion Week." tanong ni Gavin sabay pakita ng kulay pulang suit.

"Hindi maaari ang pula, tiyak na di magugustuhan nila Auntie iyon." sagot ni Kiro

"Etong sa akin? Kasya ito kay Blas." wika ni Erjun sabay pakita ng asul na tuxedo.

"Mag mumukhang pandak si Blas sa asul." ang sagot ni Kiro

"Bakit ba kailangan niyo ba itong gawin? Saka bakit parang natetense kayong tatlo?" tanong ko.

"Dahil walang dahilan para mag relax." ang sagot ni Erjun sabay kuha ng isang pinag halong itim at gray na tuxedong maganda ng burda. "Eto! Kasya ito kay Blas."

"Hindi ba iyan ang tuxedong ginamit ni Kiro noong siya ay umanttend ng opening ng isang chinese corporation last two years ago? Baka mukha na itong luma." ang wika ni Gavin.

Kinuha ni Kiro ang suit at pinag masdan itong mabuti. "Okay na ito sa kanya. Parang bago pa naman ito dahil isang beses ko lang ito naisuot. Wala ring amoy ang mga damit dito sa taguan dahil inaalagaan ito ng mga katiwala." ang paliwanag ni Kiro sabay sabit ng suit sa aming harapan

Lumapit sa akin si Erjun at sinuri ang aking mukha. "Kaunting pula pa sa labi ni Blas, putla ito masyado." ang wika nito.

"Teka bakit ba ginagawa niyo ito? Saka bakit ba kailangan kong mag bihis ng maganda? Makahulugan ba ngayon ang birthday party niya?" tanong ko.

"Oo, dahil ngayon lang may ipapakilalang tao si Yuji. Alam mo ba na ang kanyang pamilya ay mitikuloso pag dating sa mga tao sa paligid ng kanilang anak? Hindi pwedeng ordinaryong tao lang dahil si Yuji ay ang nag iisang taga pag mana ng Guarin Corporation. Tiyak na ipapakilala ni Yuji bilang kanyang kapareha at ayaw ng kanyang parents na isang ordinaryo lang ang makaka sama ng kanilang anak." ang wika ni Erjun

"Alam mo Blas, nandito na tayo sa era at panahon na hindi mahalaga ang sexualidad ng taong nais mong makasama. Tanggap na ng lahat ang mga ganoong bagay at hindi na ito malaking issue ngayon. Tiyak na ilalaban ni Yuji na ikaw ang nais niya makasama at ikagigimbal iyon ng kanyang pamilya. Hindi dahil sa pareho kayong lalaki dahil wala itong kaso, kundi dahil sa inyong pag kakaiba ng katayuan sa buhay." ang wika ni Gavin.

"Si Yuji, si Kiro, Gavin at ako ay pare parehong anak ng mga four major corporations. Kaya kami pinag aral sa Empire University ay para maging taga pag mana nila at para hindi maka kilala ng kung sino lang. Katulad ng pamilya ko kapag nalaman nilang nakikipag relasyon ako kung kanino lang ay tiyak na mag rerebolusyon ang buong pamilya. Ang kasalan ay mas kilala sa tawag na political marriage. Ganoon rin Yuji dahil siya ang tagapag mana ng Guarin Corporation." ang paliwanag ni Erjun

"Political Marriage?" pag tataka ko.

"Isang uri ito ng arrangement kung saan sapilitan kaming ipapakasal ng pamilya sa isang tao. At kung sasaway kami ay tiyak naalisan kami ng karapatan sa lahat. Mangyayari iyan sa akin, o kay Erjun o kay Gavin pa." ang wika ni Kiro.

"Kaya nga gumagawa na kami ng kalokohan ngayon. Dahil hindi namin alam na baka ipakasal kami sa taong hindi namin mahal. Kaya nag papakasaya na kami ngayon." ang wika ni Gavin.

Tumingin sila ang tuwid sa akin..

Napatingin rin ako sa kanila..

"Bakit ganyan ang tingin niyo?" pag tataka ko

"Blas, kaya alang-alang kay Yuji ay mag panggap kang mayaman. Alam mo namang mahalaga ka sa kanya." ang paki usap ni Erjun

"Kahit wala kayong kinabukasan at medyo malabo ito ay gawin ang best mo. Pag butihan mo nalang mamaya." ang wika ni Gavin sabay tapik sa aking balikat.

Itutuloy.

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now