CHAP 1

40 6 3
                                    

Hi! Pls bear with my typos aayusin ko lahat if i finish this story! :)





Present Day//2020

"I would like to thank everyone who made this event perfect and to all the people because without you guys, this fiesta won't be a success."

Nasipalakpakan ang mga tao nang matapos ni daddy ang speech niya. Kami naman ay nasa likod lang niya. Kasama ko sina Walter, Clar, Eshie, Krissa, James, Ralf, and Missy. Walo kaming magbabarkada galing sa iba't ibang prominenteng pamilya na siya ring bumubuo ng konseho dito sa Syudad ng Divilican. Bata pa lang kami magkakasama na kami. Our parents weren't really close, they just lead together and we just happen to find friendship with each other.

Hindi naman kasi kami pinapalabas.

Hindi ko rin alam kung bakit o nagkataon lang ba na magkakaedad kaming lahat. Nag speech rin ang ibang council bago pormal na sinimulan ang celebrasyon ng piyesta.

We all stood up as they finished up their speeches. Pagkatapos ay dali dali ring nasialisan ang mga tao, excited ata sa kainan eh.

"Mom! Kila Eshie lang ako sasama ha" rinig kong sabi ni Krissa. Kanya kanya ring nagpaalam yung iba. I just waited for them to finish kasi alam ko namang saamin lang din tatambay yang mga yan. Dun lang naman sila pinapayagan ehh.

"Mag ingat kayo ha!" Sabi nila tita.

"Ako na pong bahala sakanila" i replied bago sila umalis. Kinukuyog na nga sila ng mga tao, nagpapaunahang mangimbita.

"Anong ikaw na bahala saamin. Huy Teresa ikaw pinaka bata sa atin" tukso ni James.

"Tumahimik ka dyan James. Siya lang naman talaga pinaka mature dito eh" sabi ni Ralf.

"Huy ano ba kayo! I'm here kaya" dagdag pa ni Krissa.

"Hoy! San ka naman mature? Sa lalaki?" Dagdag pa ni Eshie.

Patuloy naman silang nagbabangayan habang naglalakad kami papunta sa bahay namin. Clar is just silent beside me. Kaya kami nagkakasundo eh pareho kaming tahimik.

"Huy Walter! Antahimik mo ata?" Tawag ni Missy kay Walter.

"Ano yan bro? Antok ka pa ba? May chicks kang nahakot kagabi sa disco no?" Tukso nila Ralf kay Walter.

"Gago hindi ako pumunta dun. Nananahimik na nga ginugulo niyo pa ako. Sumbong ko kayo sa Teri ko eh" sagot niya. I looked at him tsaka ko siya inirapan.

"I'm not yours" i said while opening the gate.

"Yeah right. Not yet"

"Ba't di mo pa kasi yan sinasagot?" Tanong ni Clar habang papasok na kami sa bahay.

"Hindi naman kasi nanliligaw." Bulong ko sakanya.

Nang makapasok na kami ay tumahimik na sila. Pano ba naman marami rami pala ang tao dito. I faced them at natawa naman ako sa itsura nila. Ayaw kasi nila ng maraming tao eh, maliban nalang dito kay Krissa at Ralf na parang anytime ready silang manghablot ng gwapo at magaganda.

Lumapit muna ako kila mommy.

"Mom sa kwarto lang kami. Padala nalang po ng pagkain."

"Sige anak! By the way, Gov this is my daughter, Teresa Magnayon" pagpapakilala ni mama sakin dun sa kausap niya. I just shooked hands with him tsaka ako umalis.

"Tara" bago ko pa sila inaya nauna na pala yung mga yun. Nag unahan pa talaga sila ha.

"Tara na" sabi ni Walter bago niya hinablot ang braso ko para sumunod sakanila.

Diversis MundiWhere stories live. Discover now