Chapter 2

3.3K 130 9
                                    


HABANG nakaupo si Pearl sa harap ng piano at dumadampi ang mga daliri sa mga tiklado niyon ay iniisip niya si Jedric. Nakatakda silang magkita sa music room na iyon ngunit mukhang hindi na siya sisiputin nito dahil halos isang oras na siyang naghihintay roon. He had been avoiding her these past few days and it hurt her. Gayunpaman ay determinado pa rin siya sa kanyang planong paibigin ito. Kailangan lamang nitong pumayag sa kanyang proposisyon.

Lindsey said she was out of her mind. That proposition was crazy. Ngunit iyon lamang ang tanging paraan para makasama niya si Jedric at para maiparamdam niya rito ang pagmamahal niya. Sa tingin niya ay wala namang masama sa gusto niyang mangyari. She was just a woman in love who was ready to do everything just to be with the man she loved.

Napatingin siya sa orasan sa dingding. Isang oras na ang nakakalipas. Parang wala nang kahihinatnan ang paghihintay niya. Mukhang wala talaga siyang pag-asang mahalin ni Jedric. Malungkot siyang bumuntunghininga. Inalis niya ang mga daliri sa mga tiklado ng piano at kinuha ang kanyang bag. Nagtangka siyang tumayo ngunit natigilan siya nang sa gilid ng kanyang mga mata ay may mapansin siyang imahe sa entrada ng music room. Ganoon na lamang ang relief at saya niya nang sa pagbaling niya ay makita roon si Jedric na nakatayo.

"Jedric..." She smiled and stood up.

He did not return her smile. Lumapit ito sa kinaroroonan niya. "You shouldn't have waited for an hour."

"It's okay. Wala na naman akong pasok, eh."

"You don't understand, Pearl. I want you to stay away from me from now on."

Naglaho ang ngiti niya. Parang hiniwa ang puso niya sa sinabi nito. Hindi niya nagawang itago ang pagdaramdam rito. Bahagyang lumambot ang mukha nito. He held her by the shoulders.

"Listen, Pearl, you are a very attractive woman. Hindi mo dapat sinasayang ang oras mo sa akin. Maraming nanliligaw sa 'yo. Maraming---"

"Pero ikaw lang ang gusto ko," sansala niya sa sinasabi nito. "Ikaw lang ang gusto kong makasama."

"Pearl... I'm not the guy for you. Hindi ako kasing tino ng mga lalaking nanliligaw sa 'yo. Sasaktan lang kita. Iiwan lang kita kapag nagsawa na ako sa 'yo. Gusto mo ba 'yon?"

Umiling siya. "Hindi mo gagawin iyon. I told you I'll make you fall in love with me. Kaya hindi mo ako sasaktan. Hindi mo ako iiwan tulad ng ibang babaeng nagdaan sa buhay mo."

Binitiwan nito ang mga balikat niya. "Bata ka pa nga. You still live in a world of fairy tales. Well, baby, I'm not your Prince Charming. You won't be able to live happily ever after with me."

She cupped his face with her both palms. "I know you like me, too. Pinipigilan mo lang ang sarili mo. If you don't care about me, hindi ka pupunta rito at hahayaan mo na lang akong maghintay sa wala. 'Wag mong pigilan ang sarili mo, Jedric."

"You're wrong. You're becoming a nuisance to me. Kaya once and for all, I want to talk to you about this for the last time. I don't like you, Pearl. I don't want to be with you. And please leave me a---"

Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil kumilos siya upang putulin ang pagsasalita nito. She snatched his head down and pressed her lips to his. That must be the boldest stunt she had ever done in her life. Kung nabigla siya sa ginawa ay mukhang nabigla rin ito sa ginawa niya. Nang hindi ito kumilos upang ilayo siya ay iginalaw niya ang mga labi gaya ng nakikita niya sa mga romantic movies. She softly nipped his lower lip. That was her first kiss. It was heaven. Paano pa kaya kung tugunin nito ang halik niya? She mutely wished that he kissed her back. Ngunit hindi ito gumalaw hanggang sa bahagya niyang ilayo ang mga labi rito upang tingnan ito sa mga mata.

PEARL, The Sweetheart (St. Catherine University Series Book 8) [COMPLETED]Where stories live. Discover now