Panandalian

9 0 0
                                    

Nung una ako'y naiinis sa iyong mga pakulo,
Subalit kalaunan ay natutuwa at kinikilig na sa mga banat mo.
Nagkaroon ng damdamin para sayo.
Ngunit itoy pinagsawalang bahala ko,
Ito ay itinago ko mula sa iyo.

Sa dahilang natatakot ako,
Natatakot na baka masaktan mo,
Natatakot na baka laro lang ang gusto mo.
Laro na kinatatakutan ko.

At nagtuloy tuloy ito,
Nagpatuloy ang kasiyahan ko.
Ngunit may humadalang,
Biglang may humarang.

Nagkaroon ng problema,
Kailangan kong umalis na lang bigla.
Hindi ko pa nasabi sayo pero nalaman mo na,
At wala akong nagawa kundi ang sang ayunan ka.

Masakit man pero kailangan kong tanggapin,
Mahirap pero kailangan kong harapin.
Na aalis na ako sa piling mo,
At kasabay nito ang kasiyahan ko.

Inner Chaos.Where stories live. Discover now