May

10 0 0
                                    




"Hi! My name is May Callo, I am just a simple girl, who loves my family, thank you!"

First day ng English Training namin dito sa bago kong call center. Sabi ng trainor introduce yourself daw to your fellow trainees. Maiksi lang ang introduction ko kasi 5 days training to Bes, konti lang ang english ko baka maubusan ako.

Paano ako nakapasa sa interview kung konti lang ang english ko? Well, hindi ito ang first call center ko noh. Sa singkwentang call center na inapplyan ko, singkwentang initial screening, trentang initial interview, benteng behavioral exams, at sampung final interviews, pare parehas lang naman halos lahat ng itinatanong, kanya kanya lang ng version, kaya ako, may naka ready na akong sagot, kinabisado ko nang bongga para smart na smart ang datingan, odiba?

Sa initial screening, wala naman masyadong tinatanong dyan, tinitignan lang yung resume mo kung pasok kaba sa qualifications nila, madalas tinititigan ka lang mula ulo hanggang paa, tapos may mga ika clarify lang sa resume mo (kung saan ka nag aral, saan yung last job mo etc..) Sa initial interview naman, ang pinaka famous na pasung pasong 1st question:

"Tell me about yourself"

Ang gustong marinig ng interviewer mo ay kahit ano na related sa inaaplyan mong trabaho. Nag apply ka sa call center syempre hindi nila gustong marinig kung anong favorite color mo, hobbies mo, favorite movie mo o pangalan ng aso mo. Umpisahan mo ang introduction mo sa job background na related sa callcenter, (kung may call center experience kana or wala) kung may previous jobs ka pero hindi call center related pwede mo ring banggitin pero wag mo nang isa isahin pa lahat yung pag sideline mo sa computer shop nila Tong, pagbantay mo sa apat na anak ni Ka Sione at paggawa mo ng yelo at ice candy para sa tindahan ni Aling Iska. Pangalawa, banggitin mo ang kolehiyo mo at ang kursong tinapos mo. Kolehiyo lang ah, hindi na nila kailangang marinig na naging president ka sa MAPEH noong elementary at naging Miss United Nations ka noong high school. At pangatlo, (ito epektib ito ha) magbanggit ka ng isang "principle" or "motto" mo sa buhay, tapos dapat talagang napaka sincere ng pagkakasabi mo nyan na parang yan ang relihiyon mo. Sample?

"I am May Callo, I worked as a customer service associate for 1 year at Teletech Philippines in Cavite, I was also a technical support representative for 2 years at  Teleperformance in Quezon City. I am a graduate of Bachelor of Science in Information and Technology at the ACLC College Cebu and my principle in life is "Your attitude is more important than your outlook, because it influences how you show up in life", thank you.

Galing noh? Ginoogle ko lang yung last part. Siguradong impressed ang interviewer mo nyan.

May iba pang variations yang "Tell be about yourself" kagaya ng " Tell me something about yourself that is not in your resume"

Sa tanong na yan, ibig sabihin na impress mo na sila sa nakasulat sa resume mo at ang gusto lang nilang mangyari ay magsalita ka, marinig nila kung okay ka mag english, kung tama ang pronounciation mo, ang verb tense mo, kung conversational kang tao. So kahit anong tungkol sa sarili mo pwedeng mong sabihin dito (kahit imbento) basta ang mahalaga, maayos ang pagkaka deliver mo. Sample?

"I am valedictorian in elementary and high school, and also the editor in chief of our school paper. I am a constant Dean's lister in college as well as a working student until I graduated. I also help my mom and my dad with our small business during the weekends. I play the guitar and sing with my friends when I have the time" (Ang perfect ko noh, kaya mo rin yan!)

May, June, July, AugustWo Geschichten leben. Entdecke jetzt