Chapter 5

236 5 0
                                    

Kara's pov

Papasok na ako nang room namin nang mapansin kong wala si Jackson sa upuan nya. Bakit kaya? Usually kasi nauuna sya lagi sa akin pag pumapasok eh. Baka na late lang nang gising yun. Agad na akong umupo sa upuan ko at nakipag kwentuhan kila Sheena. Dumaan pa ang ilang minuto pero wala pa din si Jackson. Nasaan na kaya yun?.

"Pst Richard" aniya ko at kinalabit si Richard na kasalukuyang may ginagawa.

"Ano yun?"

"Asaan si Jackson?"

"Ewan ko kay Jan, nauna kasi akong umalis eh"

"Ah ganun ba sige salamat, Jan?" aniya ko at tumalikod.

"Si Jackson?" tanong nito kaya napa tango ako.

"Andun sa dorm inaapoy nang lagnat"

"Ganun ba, ok lang ba sya?"

"Oo naman, kung gusto mo puntahan mo nalang sa dorm namin sya mamayang uwian para matingnan mo sya"

"Pwede ba?"

"Oo naman noh kaba, pwede ka naman pumunta dun anytime eh"

"Sige salamat" aniya ko at nakinig na sa teacher namin na kakarating lang.

~~~~~~~~~~

"Geh una na ako, bye sa inyo!" aniya ko at tumakbo na papunta sa dorm nila.

"206? Eto na ata yung dorm nila" sambit ko at agad na kumatok sa pinto. Ilang minuto ay binuksan na ito ni Jackson.

"Anong kailangan mo?" bungad nito. Naka suot sya na hoodie na blue at pajama na pants.

"Sabi kasi ni Jan nilalagnat ka daw...."

"Ok na ako, pwede ka nang umalis"

"Teka lang!" sigaw ko at pinigilan sya sa pag sara nang pinto.

Tumingin lang ito sa akin at itinaas yung kaliwang kilay nya.

"Papaalisin mo ko agad?"

"Yes! Ano pa bang gagawin mo?"

"Aalagaan ka kaya tumabi kana dyan. Mr. Sungit" sambit ko at pumasok na sa dorm nila tsaka pumunta sa kusina nila.

"Hoy! Anong ginagawa mo?"

"Ahm pag lulutuan ka" aniya ko at nag handa na.

"Di ako gutom"

"Hmm talaga ba?" sagot ko sa kanya at nag umpisa na mag luto.

Ilang minuto pa tinagal yung pag luluto ko. Nilingon ko si Jackson na kasalukuyang nasa sofa nila at nanonood sa tv. Infairness ang gwapo nya pag naka side view, mahahalata mo na matangos yung ilong nya at bumagay din sa kanya yung bed hair nya ngayon. Hayst ano ba tong iniisip ko? Ang alam ko, ang ipinunta ko dito ay para alagaan sya hindi ang ma fall sa kanya. Na aamoy ko na yung niluluto ko kaya naman inihanda ko na yung dalawang mangkok.

"Hoy, ganito ba talaga ayos nang bag mo? Parang basurahan eh" aniya nito kaya na palingon ako sa kanya.

"Anong hoy?! Ahm hello? May pangalan po ako Mr. Sungit, tsaka bakit mo pina pakealam gamit ko aber?" masungit kong tanong sa kanya dahil isa isa nyang tinitingnan yung gamit ko.

"Eh ang kalat eh, babae ka ba talaga?. Oh may ano pa dito, balat nang candy. Uso naman po diba mag tapon sa basurahan?"

"Tsk, wag mo na nga yang pake alaman. Kumain kana na nga dito" aniya ko sa kanya at inilapag na sa lamesa yung sopas na ginawa ko sa kanya.

"Akalain mo nga naman, ang cute mo pala nung bata ka" aniya nito sa akin at ipinakita yung picture ko noong elementary graduation namin.

"Hoy akin na yan! Nanahimik yan sa wallet ko eh"

"Ayoko nga"

"Sabing akin na yan eh"

"Kung mahahabol mo ako" asar nito at umikot sa gilid nang sofa nila.

"Yari ka saken pag na abutan kita dyan"

"Oh talaga?" patuloy nitong asar sa akin.

Patuloy lang yung habulan namin kahit medyo magulo yung kwarto. Tumigil sya sandali at itinaas yung picture ko.

"Akin nayan!" sigaw at pilit na inaabot yung picture

"Kung abot mo, di ka kasi nag che-cherifer eh hahahaha"

"Ang sama mo talaga saken porket matangkad ka eh" aniya ko at patuloy na inaabot yung picture.

Pag talon ko ay nawala ako sa balanse kaya naman natumba ako pero buti nalang sinalo nya ako. Ilang segundo pa ay nawalan din sya nang balanse kaya naman agad kaming natumba sa sofa. Mga 1 inch lang layo nang mukha namin sa isat isa, nakikita ko ang reflection nang sarili ko sa mga mata nya. Di pa sana kami gagalaw kung hindi lang may kumatok sa pinto kaya naman agad na tumayo si Jackson para buksan yung pinto.

"Oh bro, ok na pala yung lagay mo" bungad ni Jan sa kanya. Nasa sofa pa din ako at naka tulala.

"Huy Kara ok ka lang? Parang nakakita ka dyan nang multo ha" dagdag nya pa kaya bumalik ako sa katinuan ko. Agad kong inilagay yung mga gamit ko sa bag.

"A-alis na ako" aniya ko at lumabas agad nang kwarto at pumunta na sa dorm namin. Pag pasok ko ay agad akong nag tungo sa higaan ko at humiga.

Grabe ano ba yung nangyare kanina? Yung puso ko parang gustong kumawala kanina. 1 inch na lang eh, 1 inch nalang mahahalikan nya na ako, hayst ano ba tong nang yayare saken? Hindi toh pwede kasi......... Natigilan ako sa pag iisip dahil biglang nag ring ang phone ko. Si John ang boyfriend ko.

"Hello love, kamusta ba dyan sa university?" bungad nito sa akin.

Nakikilala ko sya sa social media lang actually hanggang ngayon ay di ko pa din sya nakikita pero faithful pa din sya at loyal sa akin. Lagi syang nag uupdate sakin kahit paulit ulit nalang yung nangyayare sa kanya. Mag o-one year na kami na ganito, gusto ko na nga sya ma meet kaso di naman sumasang ayon yung tadhana na pag tagpuin kami.

"Ok lang ito kakauwi lang ikaw?"

"Ok din naman actually nilagnat nga ako eh"

"Uminom ka na ba nang gamot?"

"Opo nagawa ko na"

"Siguro mag pahinga kana muna ngayon, bukas nalang tayo mag usap"

"Eh gusto pa kita maka usap love"

"Hay naku love, bukas nalang baka mabinat ka pa eh"

"Masyado kang concern ha? hahahaha"

"Malamang girlfriend mo ako, kaya dapat lang na maging concern ako sayo"

"Hahahahaha ikaw naman love di mabiro, oh sya pahinga na ako bukas nalang ulet. Good night Love and I love you"

"Good night din Love, I love you" huling sabi ko bago i end yung call.

Agad na akong nag palit nang pantulog ko. Napansin ko yung bag ko na parang puno kaya agad kong tiningnan ito. Andito pa din pala yung hoodie nya, pero bat di nya tinanggal? Baka nakalimutan nya lang, bukas ko nalang ibalik sa kanya.

Love AffairWhere stories live. Discover now