edited.
- - -
Few weeks passed
Zhea's Point of View.
Yahooo!! Hello sembreak na!!
Andito ako sa bahay. Iniisip kung saan maganda mag sembreak.
Sa tagaytay kaya? Eh kung sa Baguio?—
Sa gitna ng pagiisip ko biglang nagring ang phone ko.
Paui dre calling...
{Oh?Problema mo?} pambungad ko
[Alam mo?Ang gandang hello nun!] sarcastic naman na sabi niya
{Tss, may sarili kasi akong problemang kinakaharap dito eh!}
[Oh?May problema ka din?]
[Sabay kaya natin sabihin?Game?]
{Sige ba!}
Sabay kaming nagbilang..
{[One, Two, Three..
HINDI KO ALAM KUNG SAAN AKO MAG SESEMBREAK!!]}
Napatawa kaming dalawa.
Bestfriend ko nga ang isang 'to, pareho ba naman kami ng pino-promblema?
{Trip ko sana sa Tagaytay, kaso maganda din naman sa Baguio} suggest ko
[Ako mas trip ko yung Baguio, pero gusto kong makita yung Taal Volcano eh.] sabi naman niya
{Oo nga noh?Maganda din dun..hayy ang hirap nammaaaan!} nahiga ako sa kama habang nasa tenga ko padin yung phone
[Oo nga. Pero any impossible naman na mapuntahan natin lahat ng yan sa loob ng three weeks diba?] natawa naman siya sa kabilang linya
{Wait! May idea ako! Paano kung mag bunutan tayo? Bukas game ka ba? Punta ka dito sa bahay.. ng magkaalaman na!}
[Sige ba!
"Ma'am Paui, nakahanda na po ang dinner."] narinig ko yung boses ng isa siguro sa mga maids nila Paui, mukhang kakain na sila..
[ "Sige po. Saglit lang.Bababa narin po ako" ]rinig kong sagot ni Paui
[Dre, kakain na kami..baba ko na yung call ah?Punta ako dyan bukas.]
{Sige dre,eat well.Bye}
[Bye.]
end call..
~~~~~
Kinabukasan.
Nagising ako ng biglang may kumuha ng stufftoy ko.
Oo, alam kong masyado na akong matanda para sa mga stufftoys, pero paki niyo ba? And cute kasi ni hello kitty eh!
"Ano ba? Ma naman eh! Antok pa ako! Kahit ngayong sembreak lang please! Patulugin mo naman po ako ng matagal-tagal." medyo wala sa sarili kong sambit, hindi nga ako sure kung si mama nga 'to o si papa
"Dre! Rise and shine! Tanghali na po! Hindi kaparin gising!" hinampas niya ako ng mahina gamit ang stufftoy ko
Napakamot naman ako sa ulo ko, "Tsk. Dre naman eh! Antok pa ako! Maya na tayo magbunutan, kain ka muna sa baba" sabi ko't tinakpan ang mata ko gamit ng stufftoy
Hindi padin kasi nakaka-adjust yung mata ko sa liwanag
"Tss gumising ka na kasi! Excited na akong mag outing tayo!!" lumndag naman siya sa kama ko
"Ano ba Paui! Antok pa nga kasi ako!" sabi ko at pilit siyang pinapababa ng kama ko
"Zhea!! Gumising ka na. Nakakahiya kay Paui." bigla kong nakita si mama sa pinto ng kwarto ko
Argh!Antok pa yung tao eh!
Umalis si Paui sa kama ko at nakita kong niyakap niya si mama KO.
Selos ako!
"Tita oh!Si Zhea, ayaw pa gumising..kita nang andito na po ako."
Sige maghanap ka pa ng kakampi!
"Mama naman eh!Ang aga-aga dinidistub ako ni Paui!" sumbong ko naman
"Hay naku kayo talagang mga bata kayo." napailing si mama at tinignan ako "Zhea, bumangon ka na dyan at nakakahiya sa bisita mong pinaghihintay mo siya."
Binelatan ako ni Paui.
Ginantihan ko din nga, ano? Magpapatalo ba ako?
"Tita oh!Binelatan ka!" ningitian niya ako, ngiting nakakaloko
Tinignan niya si Paui, "Paui,ikaw namang bata ka, alam kong ikaw yung binebelatan nung anak ko.Wag mo nga siyang baliktarin." kalmadong sambit ni mama.
"Xia misis ko, wag ka na masyadong highblood dyan sa dalawa, hindi ka pa nasanay. Halika't ipagluto nalang natin sila." hinawakan ni papa yung kamay ni mama at ayun..HHWW (holding hands while walking) sila papuntang kusina.
"Ma,Pa!Nilalanggam kami ni Paui dito oh!" sigaw ko sakanila
Tumawa naman sila pareho..
Kainis, alam kong walang poreber pero,
Exception ang parents ko dyan!
May forever silang dalawa!
Sana ako meron din.
~~~~~
"Oh?Ano na?Game?"
"Game!!" excited na ako..
Saan kaya? Kahit saan pa yang mabunot ni Paui, lahat naman maganda eh!
It's more fun in the Philippines kaya!!
May nakuha na siyang papel..
Wahh!
Excited na ako..
Binuksan ni Paui yung papel at pinakita saming lahat..
Nagkatinginan kami ni mama't papa..
Palawan...
PALAWAN?!
Nagkatinginan kaming lahat at..
"PALAWAN HERE WE COME!!"
