PROLOGUE
Naglalakad lakad ako ngayon at di ko alam kung saan ako patungo, natigilan nalang ako ng makita kung nasaan ako.
Sa lugar kung saan ko siya unang nakita, nakasama, at naka tabi.
Bigla ay bumalik sa isipan ko ang lahat ng nakaraan, lahat ng memories namin dito. Nakakamiss sobra.
Hindi ko nanaman napigilang umiyak, sa tuwing maaalala ko ang lahat ay hindi ko maiwasang mapaluha. Miss na miss ko na lahat, lahat lahat.
Kung pwede lang ibalik ang lahat, mga araw na nakasama at masaya pa tayo. Kahit yun lang ang bumalik, at siyempre pati sana IKAW....
I can't deny, I miss her damn much. I want to see her right now, I want to hug her and kiss her. I want everything at her.
Umupo ako sa isang putol na sanga ng punong kahoy at tumingala sa ulap, nakangiti kong nilanghap ang maaliwalas na hangin. Pinanood ang sayaw ng mga puno at pinakinggan ang mga huni ng ibon.
"Sana nandito ka ngayon, tabihan ko mo 'ko please..." Hiling ko, pero alam kong malabong mangyari, napapikit nanaman ako at tumulo nanaman ang mga luha ko.
Pwede kayang kahit maalala ko siya ay 'di na ako maiyak? Pwede bang ngumiti nalang ako? Yung wala ng luhang papatak? Pagod na ako eh, pagod na pagod.
Gusto kong isigaw lahat ng hinanakit ko, tapos SANA agad ng mawala pagtapos ko ng ilabas lahat. Pero imposible iyon. Gano'n nalang siguro ako ka desperadong mawala lahat ng sakit at tuloy tuloy nalang na maging masaya. Pero sabi nga nila pag naging MASAYA ka sobra sobrang LUNGKOT ang kapalit, kaya nakakatakot ng maging MASAYA kasi ang bilis bumawi ng LUNGKOT... Nakakainis....
Hold on tears, don't drop please....
