Ang sirena sa batis

2.7K 17 5
                                    

          Bata pa ako noon ng malaman ko ang kwento ng sirena sa batis na pinanggalingan ng tiyahin kong si Emma. Napangasawa kasi siya ng Uncle William ko at nanirahan sa baranggay namin sa Bikol. Mabait ang Tita Emma ko at likas na mahilig sa aming mga bata, kung kaya ng sila ay nabiyayaan ng anak, ay marami kaming nag-aalaga sa naging anak nila. Sa simula ay normal at  maganda naman ang pamumuhay ng tita Emma ko, hanggang sa isang araw ay ginugulo ito ng isang panaginip. Naikwento nya sa amin ang sirena sa batis na nakatira sa lugar nila sa Sorsogon, ang muling gumugulo sa panaginip niya. Aniya bata pa lamang siya ay nagpapakita na sa kanya ang sirena, noong una ay nagpapaanod ito ng gintong hibla ng buhok at kaliskis, ngunit kalaunan ay nagpakita na sa kanya. Naging magkaibigan sila at madalas ay natutulungan nito si Emma sa pang araw-araw na pagkain nila. Nagtataka man ang mga magulang niya kung bakit siya laging may dalang maraming isda ay ipinagpapasalamat nila ito dahil mayroon silang naibebenta. Ngunit ang gusto pala ng sirena ay isama si Emma sa kanilang kaharian, matatagpuan ito sa malalim na bahagi ng batis kung saan may kweba sa ilalim. Nangangahulugan ito na kailangang mamatay ni Emma,  upang maisama ng sirena ang kanyang kaluluwa. Hindi pumayag si Emma at dahil sa takot ay umalis ito ng Sorsogon at pumuntang Maynila, doon ay nakilala niya ang Tito William ko at nagdisesyong manirahan sa amin pagkatapos nilang maikasal.

               Isang umaga, nagising ang Tita Emma ko na may 3 hibla ng gintong buhok at 3 gintong kaliskis sa higaan nilang mag asawa...Eksaktong eksakto sa kanyang panaginip na binigyan siya ng sirena ng buhok at kaliskis. Nasundan pa eto ng maraming beses kung kaya ipinagbili ng mag-asawa ang mga hibla at kaliskis at naipagawa ang bahay nila. Pagkalipas ng ilang buwan, naging masagana ang buhay ni tita Emma ko, ngunit sa di inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malubhang karamdaman ang anak nilang si Ella. Hindi malaman ng mga doktor ang gamot sa sakit ng bata kung kaya ilang albularyo din ang sumubok na pagalingin ito, ngunit lahat sila ay walang nagawa, hanggang sa tuluyang namatay ang bata.

                 Sobrang pagdadalamhati ang naramdaman ng pamilya, ngunit wala na silang magagawa, inisip nila na marahil ay niloob ng Diyos na kunin na ang kanilang munting anghel. Hanggang sa isang araw, ay muling nagpakita ang sirena sa panaginip ni tita Emma,...kasama nito si Ella, kinuha pala nito ang kaluluwa ni Ella kapalit ng mga gintong hibla ng buhok at kaliskis na tinatanggal nito sa katawan niya...at ng tanggapin ni tita  Emma ang mga buhok at kaliskis ay nagsilbing kasunduan sa pagkuha sa anak niya..   NALPAS

Ang sirena sa batisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon