"Ayy! Jusko!!!" ang tili ni Evan.

"Blas! May tama ka!" ang wika ni Bam sabay takbo patungo sa akin.

"My God bakit nag patama ka Blas? Ang tanga tanga mo naman! Shushunga shunga!" ang naasar na wika ni Lippi sabay takbo sa kanyang nakaparadang pink na sasakyan at saka inalalayan nila ako at dinala sa pinaka malapit na ospital.

Tinahi ng doktor ang aking sugat sa noo, hindi naman ito malalim, pumutok lamang at walang grabeng pinsala..

Alas 7 ng gabi, palabas na ako sa ospital noong huminto ang sasakyan ni Yuji at mabilis ito nag tatakbo patungo sa emergency room kung saan ako nakaupo. Bakas na bakas sa kanyang mukha ng ibayong pag aalala. "Blas, tinawagan lang ako ni Bam, anong nangyari? Ganyan ka na ba kabasag ulo? Nakipag riot ka daw sa campus?" tanong nito.

"Hindi ako nag basag ulo, napag tripan lang ako." ang sagot ko.

"Sino? Sabihin mo sa akin at bukas na bukas rin ay may red card ang gagong iyon sa akin. Alam mo ba na pati sa langaw ay hindi kita pinapadapuan? Tapos ngayon ay makikita kong may tahi ang ulo mo? Nag alala ko sa iyo ah. Lika nga dito.." ang galit niyang tugon sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Hindi mo naman sila kailangan bigyan ng red card, mga taga hanga mo lang iyon na nag selos dahil hindi mo sila pinapansin. Alam mo may mga nag eexist na tao sa paligid natin na labis tayong hinahangaan pero hindi natin sila nakikita. Kaya pakiramdam nila ay bale wala lang sila, isang imbisibol at hindi nag eexist." ang sagot ko.

"Itatanong ko kina Evan at Lippi kung sino ang gumawa niyan sa iyo. Bukas ay aalis na siya sa campus." ang sagot ni Yuji.

"Ano ka ba, huwag mo na siyang paki alaman." sagot ko.

"Tanga ka ba? Sinaktan ka pero di ka gaganti? Anong klaseng pag iisip ba iyan? Paano kung napurohan ka? Kailangan niyang mag tanda."

"Ang gumawa nito ay numero uno mong taga hanga, hindi mo sila napapansin at nasaktan sila noong malaman nila ang estado ng ating samahan. Kasalanan ko rin dahil nakipag relasyon ako sa isang sikat at maraming taga hanga."

"Tama ka doon, sikat ako at maraming taga hanga, totoo iyan. Pero ang salarin ay salarin. Mananagot siya bukas na bukas rin. Yung tipong mas siga ka pa sa akin. Napaka war freak mo at napaka pala away."

"Nakaganti naman ako, sapat na iyon. Ang gusto ko lang ngayon ay matuto kang ngumiti at iappreciate yung mga taga hanga mo. Dahil simpleng kaway mo lang o pag ngiti sa kanila ay mabubuo mo na ang kanilang araw. Huwag mong ipagdamot ang kaligayahan nila." ang wika ko sabay tayo at lumakad palabas sa emergency room.

"Alam mo minsan ang pigiging sobrang bait ay nag reresulta ng pagiging tanga at sintu-sinto. At dahil dyan ay aabusuhin ka ng mga tao sa paligid mo. Pero sige, pag bibigyan kita, pero sa susunod na saktan ka nila ay ako mismo ang bubugbog sa kanilang lahat." ang sagot niya sabay lakad sa harapan ko "pasan ka na."

"Loko mabigat ako. Mag lalakad nalang ako."

"Mabigat? Binubuhat nga kita kapag kinakantot kita. Ngayon pa ba ako mag rereklamo? Pasan na dami mong arte."

Pumasan ako sa kanya. "Bakit kailangan ko pang pumasan?"

"Bakit ang dami mong reklamo? O sige ako nalang ang pasanin mo? Gusto mo?"

"Hindi na, okay na ako sa ganito."

Nasa ganoong pag lalakad kami noong dumating ang mga participant sa Yuji sa red card para mag report. "Master, ang pangalan ng salarin ay si Tiffany Sparks, isang mayamang beki mula sa Upper Class. Yayariin na ba namin?" tanong ng mga ito.

"Hindi na muna.. saka sa palagay ko ay hindi na rin papasok iyan dahil sa kahihiyan."

"Sa palagay ko ng master. Ikinalat nina Evan at Lippi ang larawan niya na naka bulagta sa damuhan habang may nakapasak na gomang titi sa bibig. At isa pa ay nag post ang doktor niya, nag karoon daw ito impeksyon sa baga dahil sa kakaibang amoy na nalanghap niya. Parang isang toxic daw at 10x na mas delikado sa tear gas. Nasa ospital pa ang may sala."

"Sino naman ang gagawa non? May nag dala ba ng lason sa riot?" pag tataka ni Yuji

"Wala, iyon ang mahiwagang sandata ni Lippi." ang sagot ko.

"Sandata ni Lippi? Bakit nag dadala siya ng naka lalasong gas sa campus? Hayaan niyo na nga. Nasa ospital pala siya edi wala tayong bibigyan ng Red card." sagot ni Yuji sabay bukas sa pinto ng kanyang sasakyan at inalalayan akong pumasok dito. "Ihahatid ko lang itong asawa ko na basag ulo." ang dagdag pa niya.

"Hindi basag ulo, ipinag tanggol ko lang ang sarili ko."

"Huwag kana nga sumagot. Isubo mo nalang ito." ang wika niya sabay tingin sa gitna ng hita niya.

"Bastos!"

"Ano ka ba? Bakit nakatingin kana naman sa titi ko? Hindi naman iyon ang tinutukoy ko. Bumili ako ng pag kain, alam kong wala pang laman ang tiyan mo. Ang hirap sa iyo ay ang libog libog mo." ang sagot niya sabay abot ng tinapay sa akin.

"Salamat." sagot ko.

"Mag pahinga ka ng maaga. Babalik pa ako sa bar, nag hihintay sila Kiro sa akin. Mag kita tayo bukas." wika niya sabay halik sa aking pisngi. Ginusot pa niya ang aking buhok at saka ako inakbayan, habang ang isang kamay busy sa pag ddrive sa tahimik at mayapang kalsada pauwi sa aming bahay.

Itutuloy..

The Handsome Flower BXB 2020जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें