"Pwede sir umalis kana sa harap ng sasakyan ko para makaalis na ako"
Ani ko at nagpatiuna ng bumalik sa pinto ng sasakyan ko ng biglang hinawakan niya ang kamay ko

Doon ay hindi na ako nagdalawang isip na lumaban at sumigaw

"AAAAAAHHHHH TULONGGGGG"
malakas kong sigaw at tinulak ang lasing na lalaki na kaniyang kinahiga

Mas lumala ang kaba ko ng hindi ito gumagalaw sa pagkakahiga niya.

Wait hindi naman siguro ko siya napatay diba?

OA ka naman selp patay agad hindi naman siguro dahil tinulak ko lang siya at wala namang tumama sa ulo niya

Nilapitan ko siya ng dahan dahan at chineck kung humihinga pa

Naupo ako sa tabi niya at marahang nilapit ko ang tenga ko malapit sa bibig niya para icheck ang paghinga niya

"okay pa naman siya nawalan lang ata ng malay"
mahina kong usal

Kaagad ko namang kinuha ang cellphone niya na nabitawhan niya ata kanina ng tumunog ito

"Samuel"

siguro ay kaibigan niya ito at kanina pa siyang hinahanap

walang pag dadalawang isip na sinagot ito para na rin makauwi na ang lasenggong ito

ON CALL.

"Hello"
kaagad kong sagot

"S-ino to"
gulat pa nitong sagot

"Ahhh kasi kaibigan mo ba ang may ari nito"

"Hindi,pinsan niya ako at teka bakit hawak mo ang cellphone ng pinsan ko ha nasan siya ano nangyari"
natataranta pa nitong sabi

OA naman din parang kung anong meron sa lalaking ito at kung mag aalala daig pa ang may malubhang sakit ang isang ito

"Wait Samuel relax okay,nandito kami sa parking lot at nakahiga siya sa daan nagkataon na nasa harap siya ng sasakyan ko at hindi ako makaalis dahil sa kaniya mabuti at tumawag ka kaya sinagot ko na para makuha siya dito"
Pagpapaliwanag ko pa

Sa lahat naman ng bagay pagpapaliwanag ang pinaka ayaw ko maliban nalang kung kelangan.

"Pasensya kana miss sige mapunta na ako diyan to get him"

"Its okay mabuti pa nga para makaalis na din ako"
Ani ko at pinatay ang tawag

Nabalik naman ang paningin ko sa lalaking ito na igi pa rin ang pag higa sa daan na parang walang naaabalang ibang tao

Nilapitan ko ulit ito at napatitigan

"Alam mo mabuti gwapo ka dahil kung hindi naku baka nabugbog na kita"
Bulong ko pa sa kaniya

"mabuti nalang pala kung ganun"
seryoso pa niyang sabi habang nakapikit pa din

Nanlaki naman ang mata ko ng marinig siyang magsalita akmang tatayo ako ng pigilan niya ako at hapitin ang kamay ko papalapit sa kaniya

"Kung hindi baka naranasan ko na ang pagiging brutal mo miss"
nakangiti niya pang sabi

Syet ang bilis ng tibok ng puso ko parang teka bakit ngayon ko lang ito naramdaman

At yung mata ko na ayaw umalis sa kaniyang mapang akit na ngiti

"H-indi ganun ang sa..."

Naputol ang sasabihin ko ng kabigin niya ako para halikan

Selp ano talagang may papikit ka pa ha aba naman BELINDA TAN!

UNDYING YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon