"Ah, oo, ikaw ba?" Tanong ko pabalik.

Hanggang ngayon ay iniisip ko padin ang sinabi sa akin ni Stacie. Na ako lang daw ang unang babaeng nai-story ni Kai bukod sa mga pinsan at kaibigan niya.

Maybe I should not think too much about it? Maybe it means nothing. Their is always a first time naman diba?

"Hindi pa," sagot niya ng maikli.

"Dapat kumain ka bago pumunta dito baka mamaya malipasan ka ng gutom." Pag-aalala ko.

What the hell? Saan nanggaling 'yang pag-aalala ko. Since when did I care about this guy?

"Hoy wag ka ngang pa-fall! Marupok pa naman ako." Maarteng sabi niya. Pinalo pa niya ang braso ko.

"Alam mo ang feeling mo. Ang hangin mo masyado."

"Umayos ka nga dyan Kai," biglang sabat naman ng pinsan niyang si Kyrie.

"Oo nga tol! Para kang bakla eh." Dagdag pa ni Kaiden.

"Parang di kita tinuruan kung pano duma-moves ah?" Tawa naman ni Uno sa likod.

Tama nga ang balitang narinig ko. Talagang puro kalokohan ang magpipinsang ito.

I think they have a strong bond with each other.

"Ulol! Mauna na nga kayo." Sagot ni Kai.

Hinawakan niya ang balikat ko upang tumigil sa paglalakad. Humarap kami sa mga pinsan niya at nagbigay daan.

"Ayan ang sinasabi ko!" Sigaw ni Dos. "Goodluck, kapatid!"

"Amara if ever na may gawin 'yang pinsan ko sayo just tell me okay?" Sabi ni Kiara.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"I'll make sure to beat him up if ever na may gawin siya sayo!" Dugtong ni Kendall.

"Kaya ko na to girls!" Sagot ko naman at tinignan ng masama si Kai.

Nauna na silang maglakad sa amin.

Tumunog ang cellphone kaya napatingin ako dito at binuksan na iyon.

From: Stacie

Ang boring dito :( !!

"Di ka pa kumakain diba?" Tanong ko dito.

Boring naman pala eh? I'm sure na nilista na ni Stacie ang pangalan ko sa attendance. Late nalang akong papasok sa loob ng gym.

"Oo bakit? Papa-kain ka?" Kumunot agad ang noo ko at hinampas siya. "Este papa-kainin mo ko?" Ulit niya at tumawa.

His mouth!

"Wag na lang." Sagot ko dito at naglakad na ulit.

"Joke lang eh! Tara na!" Sabi niya at hinila na ako.

Pumunta kami sa mga food stalls na nakatayo sa loob ng University. Bumili siya ng pagkain niya. Bibilan sana niya ako ngunit tumanggi ako dahil nakakain na ako ng breakfast. Sa halip ay bumili ako ng kwek-kwek at fishball.

Umupo kami sa isang kiosk upang kumain na.

"Date ba to?" Tanong niya sa akin.

"'Wag kang mag-isip ng kung ano-ano dyan. Boring daw sa loob sabi sa akin ni Stacie kaya ayoko munang pumasok." Ismid ko sa kanya.

Sinubo ko ang kwek-kwek na binili ko. Nakita ko siyang nakatingin doon kaya kumunot ang noo ko.

Hindi pa ba siya nakakatikim nito?

"What's that neon ball you are eating?" Takang tanong niya at itinuro pa ang kwek-kwek na kinakain ko gamit ang kanyang kutsara.

Hindi ko napigilan ang tawa ko. Muntik pa akong maiyak dahil sa tanong niya.

Loving the BadWhere stories live. Discover now