"Of course. I'm a princess. So, I have a good manners." Anitong kinataas ng kilay ni Christine. "Really. Wow." Napapalakpak pa dito si Christine. "Ang kapal niya 'te, suntok sa buwan. May good manners daw siya, desperada naman sa jowa ko. So, ano tawag sa kanya?" Aniya sa isip.

"Hoy! Babaeng, mais ang buhok. Makinig ka at isaksak mo dyan sa tuktuk ng ulo mong walang laman ha." Aniya sabay pinasandalan ito ng tingin at tumaas ang isa niyang kilay ng dumako ang mga mata niya sa dibdib nito. "Kaya naman pala 'te." Anang isip niya.

"What did you say? And please have respect. I'm a princess and royal----

---paki ko naman sayo kahit isa kang prinsesa. Kahit meron ka pang title bilang isang prinsesa," aniya sabay lapit niya dito ng mukha at bumulong. "Dahil magkaiba tayo. Pinalaki ako ng magulang ko ng meron moralidad. Hindi kagaya mong galing nga sa royal family pero kung makaasta, astang prostitute. Ugali ba ng isang prinsesa ang halos maghubad sa harapan ng isang lalaki. Tsk! Don't me. Hindi bibinta yang ugali mo sa akin. You can act a bitch in front of me and I know how to act a queen of bitch too. So, back off in my way." Pagkasabi niya dito ay saka siya tumayo ng tuwid sabay ngiting nagwagi.

"Oh! By the way, I forgot to tell you. Mayaman ang pamilya ko mas mayaman pa kesa sa inyo, hindi nga lang royal family. But we are rich." Hindi nakaimik ang kausap niya hanggang sa tinalikuran niya ito.

"She is rich. A daughter of a billionaire business man." Rinig ni Christine na tinuran ng isang babae sa mga itong kinailing niya.

Maya't maya ay kinuha niya ang tawagan at may tinawagan siya. "Yow. Napatawag ka Ten?" Sagot ng tinawagan niya. "Hey. Pwede mo ba ako turuan kung paano gumawa ng vlog?" Kagat labi niyang tanong.

"Oh! Bakit?" Takang tanong nito sa kanya. "Kasi. Ano?"

"Ten-Ten. May problema ba?" Mukhang nag-aalala agad ito sa klase ng tanong nito.

"No. Wala naman. Gusto ko lang gumawa ng vlog. Para makita ng mga malalantod na babae dito na sa akin lang ang pinsan mo. Nakakainis kasi. Nakasagutan ko yung isa kuno ditong prinsesa dahil pupunta daw ng Pilipinas ang parents niya para mameet sina tito Axel para daw sa kanya." Sumbong nito sa kausap na natawa.

"Don't worry. Kahit na anong gawin ng mga yan ay hinding hindi ka ipagpapalit ng pinsan ko. Patay na patay yan sayo e. At isa pa kapag tumingin yan sa ibang babae ay isumbong mo agad sa amin at babalik kami dyan para mapitik ang itlog niya. Subukan niya lang." Anitong kinatawa ni Christine.

"Baliw ka talaga Kai." Aniya. "Pero napatawa naman kita." Ang nanatawang si Kai.

"Anong nangyari?" Rinig ni Christine sa kabilang linya. "Si Ten-Ten. Meron gustong umagaw sa bakulaw niya." Sagot ni Kai sa kasama nito.

"Hey! Wala naman tayong pasok. Tara punta tayo ng UK." Napanganga si Christine sa narinig. "Sama niyo kami."

"Bakit wala kayong pasok?" Tanong niya sa kausap. "Nasira yung isang building sa campus. I mean nasira namin ng mag-experiment kami. Kaya inaayos pa nila. Hindi kami pweding pumasok baka daw meron kaming patapakang matutulis na bagay. Kaya wala muna kaming pasok in one week." Sagot ng kausap niya sa kanya. Napailing naman si Christine. Pang ilan na ba nilang nasira yun? Mukhang every year ay napapalitan ang CRAIG building dahil sa kanila.

"Ten. Hintayin niyo na lang kami dyan. Dahil darating kami." Ani Kai bago nawala sa linya. Napamaang naman ang dalaga matapus makausap si Kai.

Matapus ang klase ni Christine ay hinintay muna nito ang nobyo bago uuwi. Hindi rin naman nagtagal at dumating ito.

"Darating ulit sila." Aniya agad sa nobyo na nagtaka kung ano ang ibig niyang sabihin. "Nakausap ko kasi si Kai. Wala daw silang pasok. Nasira na naman kasi nila ang CRAIG." Paliwanag niyang kinatawa ni Asher Jade.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now