KATOTOHANAN (PART 2)

16 3 0
                                    

Nagising ako nang marinig ko nagtatawanan sila Papa
Habang nagkwekwento ang dalawa kong ate...

Pupunain ko pa sana sila kaso parang ako ata pinagtatawanan nila

"Oh, eto na pala si Meryllie e" sabay turo sa akin ni Mama

At lalo silang nagtawanan..

"Hoy, Lie, alam mo bang nangyari sa'yo kagabi?" natatawang tanong sa akin ni Ate Tiffany

"H-huh??? Hindi po ate..." nagtatakang tugon ko dito

Bigla akong nahampas ni Ate Vayne sa sobrang tawa niya

"Grabe ka kasi kagabi, akala namin kung napapano ka, sumigaw ka
noong una tapos tinitignan ka namin ni Ate Tiffany tulog ka naman"

"Wow ka pa nga ng wow tapos maya-maya nagulat kami sa'yo bigla kang
bumangon at hinabol yung ipis sa kwarto..."

"Kawawa yung ipis sa'yo Lie pumipiglas na siya sa'yo pinupulot mo pa rin"

Tawang tawang ikiniwento sa akin nila ate ang nangyari..

Napatakip na lamang ako ng aking mukha sa sobrang kahihiyan.

"Baka gwapo naman kasi yung ipis na nasa panaginip ni bunso mga anak" pabirong sabi ni Mama

-

Napaisip ako at bigla kong naalaala yung panaginip ko kagabi

"Parang kasing....." naputol ang pagkwento ko nang may kumatok sa aming pintuan

"Lie, boyfriend mo..." sabi ni Papa

"H-huh? Boyfriend ko?" nagtatakang sagot ko kay Papa

"Teka lang si Dave to ha?"
"Anong ginagawa dito ng almost 3 years kong crush?"
"Teka nananaginip na naman ba ako?" mga tanong sa isipan ko

"Oh calm down! Namumula ka na eh. Nagulat ba kita babe? Sorry hindi ka na kasi nagreply kagabi sa mga text ko kaya nagdecide na akong dumeretso dito" sabay hawak sa aking pisngi ni Dave

At hindi pa rin ako makapagsalita
"Boyfriend ko ba talaga si Dave?" muling pagtatanong ko sa sarili ko

"Lie! Natulala ka na naman dyan" bulyaw sa akin ni Ate Tiffany.

"Nako Ate Tiffany hindi pa rin makapaniwala 'tong si Lie na boyfriend na niya ang dati niyang crush, diba babe?" sabi ni Dave sabay hawak sa kamay ko

"H-huh? Oo babe.. ay este hindi ah" tugon ko dito

Sa totoo lang, hindi talaga ako makapaniwalang boyfriend ko siya
Imposible talaga eh

-

At biglang naalala ni Dave na may dala pala siya

"Ay oo nga po pala Tita Alona, ito nga po pala, fresh strawberries po" sabay abot nito kay Mama

"Strawberries? Bakit saan ka galing?" Tanong ni Mama sa aking boyfriend

"Sa Baguio po Tita may binisita lang po doon" tugon niya

At biglang pumasok sa isipan ko yung napaginipan ko kagabi

"B-Baguio? Galing ka doon?" gulat kong tanong kay Dave

"Oh babe, bakit parang nagulat ka?
Diba po nagpaalam po ako sa'yo?" sagot niya sa akin at pinisil ang aking pisngi

"Nagpaalam daw..." bulong ko

"Ano yun babe?" pagtataka niya...

"Wala po babe" natatawa ko na lamang na sagot

Inaabot sa akin ni Dave ang isang platito na may laman na strawberry

"Ikaw babe? Ayaw mo bang kumain?"

At bigla kong naalala lahat ng mga nangyari kagabi
LALO NA YUNG PINUPULOT KONG IPIS....

KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon