#3

0 0 0
                                    

///HATE TURNS INTO LOVE (SERIES 3)///






"Hoy kausapin mo naman ako!"





(No comment ako)





"Hoy Sam! Parang kang tanga! Ako na naman pansinin mo! Hindi naman totoo yang mga binabasa mo eh!" Inis kong tinigil ang pag babasa at sinamaan siya ng tingin ngumising aso naman siya.






"Ikaw Lucas Lim! Tigil tigilan mo na nga ako kung wala ka namang magandang dulot sa akin pwede?!" Bulyaw ko. Wala kaming teacher ngayon kaya kinukulit na naman ako ng lalaking ito.






Bakit kasi sa kanilang tatlo eh ang napunta sa akin si Lucas? Inaasar ba kami ni mommy? Kung ano pa yung opposite sa amin yun pa yung pinapartner niya! Kung ako papipiliin si Jaycee na lang pipiliin ko atleast yun tahimik at katulad ko tipid lang magsalita depende sa mood.






"Eh bakit kasi ayaw mo akong kausapin? Kanina ka pa jan nag babasa eh! Hindi ka ba naboboring jan?" Turo niya pa sa bago kong bili na wattpad book.






"Alam mo mas may silbi pa tong libro na to kesa sayo! Wag mo na ako sundan ha? Lilipat ako ng upuan!" Sabi ko at lumipat ng upuan nakipag palit ako kay Cindy ng upuan natuwa naman siya dahil makakatabi niya si Lucas. Yan tama magsama sila!






Nang medyo sumakit na ang batok ko sa pag babasa ay napatingin ako sa gawi nila Cindy at Lucas may parte sa akin na parang hindi ko nagustuhan yun dahil nagtatawanan sila at may pa hampas hampas pa siya kay Lucas na akala mo ay sobrang close niya dito. Umirap ako at nagbasa na lang ulit kahit hindi ko na naiintindihan ang binabasa ko.






Uwian na ng biglang kunin ni Lucas ang bag ko. Hinayaan ko lang siya. Naaalala ko parin yung tawanan nila ni Cindy. "Talaga naman tong Sam ko oh! Ngumiti ka naman lagi kang bad mood!"








Tinarayan ko siya "Pwede bang tigilan mo ako? At ihatid mo na lang ako sa bahay namin dahil bida bida ka nag prisinta ka kay mommy na ikaw maghatid sa akin"






Ngumiti lang siya at inakbayan ako. Naamoy ko ang mabango niyang pabango hindi ako nagpahalatang nasarapan ako sa amoy na iyon. "Ang tampuhin talaga ng girlfriend ko hmm tara na nga"







Kinagabihan ay pumasok ako sa kwarto ni Ezra. "What are you doing here, Sam?"





"Dito muna ako Ezra hindi ko mapa gana yung aircon sa kwarto ko. So wag ka munang mataray jan nakapag half bath na ako kaya malinis na ako" Tumango lang siya at nag cellphone na ulit.






"Nga pala madalas ko ng hindi nakikita si Blythe ah? San pumupunta yun?" Tanong ko kay Ezra. Ngumi-ngiti ngiti ito at napapapikit pa. Anong nangyayari dito?






"Hmmm sa pag kakaalam She's with Reid official na sila na ata eh" Nanlaki ang mata ko shit seryoso?! Bumigay na yung tomboy naming kapatid kay Reid na bakla?!







"And don't worry Jaycee and I are official couple na rin how sweet diba kayo ni Lucas? Parang aso at pusa parin?" Nag iwas ako ng tingin.







"Nakakainis naman kayo! Nagpadala kayo sa mga bitag ng mga lalaking yun! Hmp" Sabi ko at nagbasa na lang ng libro, Bahala sila basta ako! Promise itaga pa sa abs ni Elijah Montefalco! Hinding hindi ako gagaya sa kanila!






"Hay nako sis kesa sa mag pantasya ka sa mga lalaki jan sa binabasa mo bakit hindi mo rin seryosohin si Lucas diba? He's good kaya and bagay kayo" Tumawa pa siya pero hindi ko na lang pinansin hmp bahala sila!







Kinabukasan ay syempre eto na naman ang bwisit na Lucas. "Yow! Goodmorning sa maganda kong girlfriend hm" At pinaglaruan pa ang buhok ko ew!






"Ano ba Lucas Lim? Ang aga aga iniinis mo ako! Tumabi ka nga sa dinadaanan ko at may oras pa ako para magbasa ng libro!" Sabi ko pero hindi siya nagpatinag! Sinundan niya parin ako!







"Lucas ano ba?! Will you please stop?! I hate you! tigilan mo na ako!" Sabi ko at tumakbo palayo sa kanya. Nagtago ako sa isang sulok. Ngayon ko lang na isip na nakakahiya pala yung ginawa ko. At biglang.........Naguilty ako. Pero kasi naman siya eh napaka kulit niya! Ayaw niya akong tigilan.






Nang saktong 7 am na ay pumasok na ako sa room. Tinignan ko si Lucas pero seryoso lang itong nagsusulat sa notebook niya at hindi ako pinansin. Napangiti ako hay buti naman mukhang payapa na.






At talagang hindi niya ako pinansin buong klase!!!! Nag antay ako na kulitin niya ako kahit isang beses pero ang pinapansin niya lang ay si Cindy! Nainis naman ako dahil dun pero ayokong umimik. Uwian na ngayon at nag expect na naman ako na kukunin niya ang bag ko pero nauna siyang lumabas at hindi manlang ako inantay.







Pagka uwi ko ng bahay ay sobrang nanlulumo ako. Parang ano may kulang sa akin na hindi ko ma explain basta parang kulang yung araw ko ngayon na may hinahanap ako na ewan bastaaa! Naguguluhan ako!







Inubos ko ang oras ko sa pag babasa ng libro kahit ni isang pangyayari wala akong naintindihan. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganto dati. Napaiyak na lang ako. Tama! Kailangan ko na siyang kausapin.







Nag chat ako sa kanya sa messenger na magkita kami sa park. Nag like zone lang siya kaya nanlumo na naman ako.







Akala ko ay ako ang mauuna pero nagulat ako ng nandito na pala siya. Nakatayo lang siya at nakatingin sa lupa. Nang maramdaman niya ang prensensya ko ay tumingin siya sa akin.









"Lucas Im sorry ka---"







"No need to say sorry. Na isip ko na grabe na talaga ako kung mangulit sayo kaya...." Huminga siya ng malalim "Titigilan na kita" Sabi niya at akmang aalis na siya pero niyakap ko siya sa likod. Napaiyak ako shit! Bakit ganto ang sakit?







"Sorry for being heartless, Lucas. Please wag mo akong sukuan hindi ko kakayanin......." Tinaggal niya ang mga kamay ko at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Napangiti ako at nakahinga na ng maluwag.







Laking dismaya ko naman na walang ni isang chat galing kay Lucas ngayon. Akala ko ba ok na kami? Pero bakit ganto? Dati naman eh kada umaga lagi siyang nag chachat sa akin na 'Goodmorning sam'   'Eat your breakfast'    'Ingat sa pag pasok'     Pero nakakalungkot na parang nag kaayos kami pero hindi na ata babalik sa dati.







Habang naglalakad ako sa hallway ay napapangiti ang mga studyanteng nadadaanan ko. Anong meron? Tsaka nasaan si Lucas? Nadismaya na talaga ako ng sobra ng hindi niya ako inantay sa gate.







Sobrang takang taka talaga ako dahil napapangiti silang lahat sa akin. May dumi ba sa mukha ko? LT ba mukha ko ngayon? Halaa kinakabahan na ako!







Pagkapasok ko ng classroom ay nakita ko ang upuan ko na puro flowers at chocolate. At nagulat ako ng biglang may kumanta sa likod ko. At kilala ko ang boses na iyon.







If ever you're in my arms again
This time I'll love you much better
If ever you're in my arms again
This time I'll hold you forever
This time we'll never end...






.

Parang maiiyak ako. Akala ko wala na talaga, akala ko hindi na babalik sa dati. Pero pinatunayan niya na mali lahat ng mga akala ko.








Ngumiti siya at niyakap ako. This time ay niyakap ko rin siya pabalik. Napaka sarap sa pakiramdam. Bumulong siya sa akin "Can you be my girlfriend for real? Yung hindi dahil lang sa mommy mo?" Humarap ako sa kanya at tumango muli niya akong niyakap. Sobrang saya ko na talaga wala na akong mahihiling pang iba. Akala ko sa libro lang ang mga gantong pangyayari yun pala ay nararanasan ko na!









"OMYGHAD PDA!!!!! ISUMBONG SA OFFICE YAN!!!!" Nanlaki ang mata namin ni Lucas. Hala shit!

Hate Turns Into Love #3Where stories live. Discover now