Nabaling ang kanyang mukha pa kanan dahil sa lakas ng aking sampal. At pag harap niya sa akin ay inambaan niya ako at halos maidikit na niya ang kanyang kamao sa aking mukha. Pero nahinto siya at napatingin sa aking hawak na sobreng may pera.

Hinablot niya ito sa aking kamay. Kinuha niya ang pera sobre. "Binaboy mo ang sarili mo sa kaunting barya?" tanong niya. Sa kanyang galit ay pinunit niya ang pera at itinapon sa mini pond.

"Bakit mo tinapon? Pang matrikula ko iyon!" ang sigaw ko sabay lusong sa tubig at kinuha ko ang sobre pero di na rin mapakikinabangan dahil punit na ang pera dito.

Napaluha nalang ako at napaiyak sa matinding sama ng loob habang nakalusong sa maduming pond.

End of Flashback

"Ikaw Blas? Wala ka bang balak mag bakasyon?" tanong ni Boss.

"Wala po, mataas ang tuition next sem. Kailangan kong mag ipon." ang sagot sabay tingin sa orasan. Esakto alas 6 na ng gabi. "Naku, mag oout na ako. Late na ako sa isa ka pang trabaho." ang wika ko.

Napakamot ng ulo si Boss. "Pinatos mo rin ba yung pagiging waiter doon sa bagong bukas na bar? Aba, papatayin mo ba ang sarili mo?" tanong nito.

"Masyado lang po talagang masipag si Blas." sagot ni Darrio.

"Multi Billionaire ang kasintahan niya bakit hindi nalang iyon ang mag bayad ng tuition niya?"

"Boss, hindi ganoon si Blas. Hindi siya nang hihingi ng limos at wala sa mga tao. Lalaban siya hangga't kaya niya." ang depensa ni Darrio.

Dalawang trabaho ang pinasukan ko ngayong bakasyon. Ang una ay sa cake shop na alas 9 hanggang alas 6 ng hapon at sa bagong tayong bar sa kabilang kanto na may oras na alas 7 hanggang alas 3 ng umaga. Ngayon ay isang linggo na akong nag ttrabaho dito at halos nakasanayan ko na rin ang puyat at pagod.

Tumatawag at nag ttext sa akin si Yuji, pero naging abala ito sa kanyang OJT sa kompanya kaya hindi na rin niya ako masyadong kinukulit. Balita ko ay darating ang parents niya sa mga susunod na buwan at susubukan ang kanyang mga natutunan kaya naka subsob rin ito sa pag aaral. Pero ngayon ay alam ko sabay sabay silang umalis nina Erjun para mag bakasyon sa iba't ibang destination. Ako lang yata ang estudyante doon na nag tatrabaho ng mahigit sa 15 oras ngayong bakasyon.

Maingay sa loob ng Bar, hindi ka aantukin dahil may live band dito. Ang mahirap na parte may marami lang customer lalo na ang mga estudyante na nag hahappy happy. Tiyak na mabugbog ang iyong katawan sa kaliwa't kanang utos nila. Mabuti na lamang ay naalis na ako sa pag lilinis ng palikuran dahil talagang sumasakit ang ilong at dibdib ko sa mabahong amoy nito mula sa ihi ng mga lasing na bisita.

"Blas table 18! Bilisan mo! Marami pang parating!",

"Yes mam!"

"Blas table 23 doon sa likod sa gawing mga kubo! Dali!" ang utos pa ng isa.

"Blas bilangin mong mabuti yung mga bayad at sukli, pag may kulang ay makakaltas iyan sa sweldo natin!" ang wika pa ng isa..

Nakakatoxic..

Alas 3:30 ng umaga noong ako ay maka uwi sa bahay. Para akong zombie na nag bukas ng gate. Pagod na pagod ang aking katawan at halos lubog na rin ang aking mata sa puyat. Hawak ko ang isang plastic na nag lalaman ng dalawang pirasong tinapay at styro na pancit na miryenda ko kanina kaso ay hindi ko nakain dahil pagiging busy.

Pag pasok ko sa loob ay nag alis lang ako ng sapatos at uniporme, umupo ako sa kusina at kinain ang aking uwi. Uhaw na uhaw rin ako kaya tinungga ko nalang yung bote, kain ulit at halos mamuwalan ang aking bibig.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon