"Bakit?" tanong niya.

"Ah e, wala. Hindi lang ako sanay na mabait ka." ang sagot ko.

"Hindi ako mabait. Nag kataon lang masaya ako at ayokong sirain ito." ang sagot niya.

"Aba, first time na hindi nag bigay ng red card si Yuji Guarin. Mukhang hanggang ngayon ay lumulutang ka pa rin sa alapaap ah." puna ni Gavin.

"Bakit ba kayo nandito? Wala ba kayong klase? Final exam ngayon. Nag aral ba kayo?" tanong ni Yuji.

"Sayo nga namin itatanong kung nag aral ka. Baka bumayo ka lang kagabi e." biro ni Erjun sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

"Mag gago kayo." natatawang sagot ni Yuji

Maya maya ay dumating si Bam sa amin, malungkot ito habang hawak ang kanyang palaka. "Blas, tingnan mo may sakit si Yuji frog, ayaw niyang lumangoy kanina."

"Seryoso ka ba? Bakit sa akin mo pinangalan ang palakang iyan? Gusto mo bang buhatin kita at ihagis sa fish pond?" asar na tanong ni Yuji.

"Blas, totoo ba ang balita na boyfriend mo na si Yuji? Ano bang mayroon sa kanya na wala ako? Pareho naman kami ng looks at hindi nag kakalayo. Pareho rin kaming popular sa social media at pareho kaming anak ng mayaman. Saka isa pa ay member rin naman ako ng F4." tanong ni Bam

"Hindi kana member ng F4, matagal na kitang inalis. Saka hindi tayo mag ka lebel. Huwag mo nga akong ikumpara sa iyo. Butiki ka." ang sagot ni Yuji.

"Why o why? Ang sabi sa social media ay malaki ang potential kong maging susunod na Yuji Guarin. At malamang ay maging leader ako ng F4." sagot ni Bam

"Yuck! Anong bang sinasabi mo? At naniwala ka naman sa kanila? Pinag ttripan ka lang nila. Yuck na to." sagot rin ni Yuji.

"Tingnan mo Blas, ang sama sama ng boyfriend mo. Niya-yuck ka niya at dalawang beses pa. Kung ako sa iyo ay hiwalayan mo na siya. Ang sabi ni papa ay isama kitang mag bakasyon sa Taiwan sa susunod na linggo. Doon tayo bubuo ng mga pangarap natin. Kasama siya." ang wika ni Bam sabay pakita ng palaka sa kanyang kamay.

"Ikaw yung niya-yuck ko gago. Ilayo mo nga kay Blas yang palaka. Baka mapag lihan niya iyan at makasama iyan sa anak namin." ang hirit ni Yuji kaya naman siniko siya "Tumigil kana nga rin, huwag mo na patulan si Bam."

"Wow, mukhang nag celebrate kayo ng new year kagabi. Mukhang nag kaputukan na ah." ang biro ni Gavin.

Inakbayan ni Erjun si Yuji. "Hanga na talaga kami sa kayo pare. Akala namin mahina ka pero nagawa mo pa rin. Kwentuhan mo kami kung paano naganap." ang sagot ni Erjun.

"Tumigil na nga kayong lahat. Papasok na ako, final exam ngayon kaya doon tayo mag focus. Aalis na ko." ang salita ko sabay alis sa kanilang harapan.

Nag lakad ako palayo ng bigla akong tawagin ni Yuji.

"Hoy Blas!"

"Ano?" tanong ko noong lumingon ako.

"I love you." ang sagot niya dahilan para mapalingon ang lahat.

"Ayieee! Tang ina mo Yuji, corny mo!" ang wika ni Gavin na napatakip nalang ng mukha sa pag kahiya.

Itunulak siya ni Erjun "Tang ina, di kita kilala."

Tawanan sila..

Ako naman ay napa kamot ng ulo at namula dahil nag tingnan lahat sa akin ang mga estudyante. Ang iba ay kinilig pero karamihan ay naasar at gusto akong saksakin ng harapan. Kung naka namatay ang masamang tingin malamang ay double dead na baboy na ako ngayon.

Ang araw na ito ay ang isang pahirap sa buhay ng mga estudyante sa Empire University. Dahil ngayon ang final examination o ang kabuuang 40% ng total grades. Tambak ang exam, tambak rin ang mahihirap tanong. Halos nahilo na yung iba kong kaklase sa sunod sunod na mahahabang pag susulit.

Sabi nga nila ay hirap muna bago sarap. Kailangan munang dumaan sa mahirap na exam bago matikman ang sarap ng bakasyon. At ang araw na ito ang pinaka malaking challenge para sa lahat.

Nag simula ang exam ng alas 9 ng umaga at natapos ito eksakto alas 3 ng hapon. Ang lahat ay lupaypay pagod. Ni hindi na ako nagawang ibully at pag tripan nila Lippi at Evan dahil pareho silang lantang gulay na parang mga zombie na lumalakad sa hallway.

Alas 4 ng hapon ay inilabas ang top honor sa buong campus. Ito ay listahan ng top 20 na students na naka kuha ng mataas na marka ngayon semester at ang lahat sa listahan ay galing sa Mid Class sa pangunguna ni Jay na top 1.

"Top 9, congrats Blas." ang wika ni Bam. "Tingnan mo Yuji, pang siyam si Blas!" ang hirit nito noong makita si Yuji na nag lalakad suot ang kanyang kompletong uniporme.

"Matalino ka pala talaga." ang bungad ni Yuji sabay akbay sa akin. "Congrats, proud boyfriend here."

"Sana all proud!" ang hirit ng mga beki sa paligid habang nakataas ng kilay. Pero hindi namin sila pinansin. "Sabay tayong umuwi? O mag date muna tayo sa labas?" tanong niya.

"Doon na ako sa amin uuwi. Okay naman na ako. Saka hinahanap na ako ni mama." sagot ko naman.

"Ayaw mo ba akong kasama?" tanong niya.

"Syempre ay gusto. Tiyak na nag woworry na sila mama dahil ilang araw na akong di umuuwi."

"Master Yuji, naka set na ang location, hinahanap kana ni Direk." ang wika ng isang student

"Direk? Anong mayroon?" tanong ko.

"Gumagawa ng bagong commercial ang Empire University at si Master Yuji ang endorser nito. Ipapalabas ang commercial nationwide para makapag encourage ng student na dito mag aral." sagot ng studyanteng lumapit sa amin.

"Pumunta kana doon. Uuwi na ako." ang tugon ko.

"Tatapusin ko lang ang taping. Mag text ka o tumawag ka kapag naka dating kana sa bahay. Maliwanag ba?" tanong niya.

"Oo naman. Mag ingat ka." ang naka ngiti kong sagot sabay para sa taxi. Pumasok ito sa gate sa pinuntahan ako.

"Saan tayo sir?" tanong niya.

"Sa Southville Subdivision." ang tugon ko. Sabay sakay sa taxi.

"Sandali. Kakausapin ko lang itong driver." ang wika nito sabay katok dito. "Anong bang gagawin mo." tanong ko

"Hoy, mamang driver, ingatan mo tong sakay mo. Mahalagang tao to." ang hirit niya.

"Yes sir, anak po ba siya ng isang politiko o businessman na may malaking negosyo?" tanong ng driver.

"Hindi.. ingatan mo siya dahil kasintahan ko ang sakay mo. Kapag may nangyaring masama sa kanya ay ipapasara ko ang buong company niyo." ang wika niya sabay pakita sa kanyang ID.

"Ah kayo po pala si Mister Yuji Guarin, ang may ari ng company namin. Masusunod po, iingatan ko po siya." ang natatakot na wika nito.

"Doon kana nga, kung ano anong pinag gagagawa mo e." ang nahihiya kong puna. Kumindat ito sa akin at ngumiti ng matamis. Hinintay pa niyang lumabas sa gate ng campus ang taxi bago siya lumakad at bumalik sa kaniyang ginagawa.

Itutuloy..

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now