Naging espesyal sa akin si Yuji, nakikita ko naman ang mga effort niya sa tuwing lumalabas kaming dalawa. Hindi ko lang magawang seryosohin ang aking nararamdaman noon dahil sa pag aakalang pinag ttripan lang niya ako, papahulugin at hindi sasaluhin sa bandang huli. Ayoko namang maranasan ang mag kagusto sa isang taong nakikipag laro lang pala sa aking nararamdaman. Noong mga oras na dinakip ako ni Nixon at ng kanyang mga kasama ay nakita ko kung gaano ako kahalaga kay Yuji, noong mga oras isinubsob siya sa sahig, lumuhod at nag paka baba para huwag akong saktan. Iyon ang oras na naramdaman kong maaaring seryoso siya sa akin. Hanggang eto na nga, mayroon na kaming espesyal na samahang mas malalim at mas matibay.

Sabay kaming pumasok ni Yuji sa campus. Gulat gulat ang lahat noong bumaba ito at pinag buksan pa ako ng pintuan ng kanyang sasakyan parang isang babae. Hindi tuloy maiwasang mapataas ang kilay ng mga beki sa paligid ang iba ay gigil na gigil noong makita ako. "Hala? Bakit si Blas nanaman? Hindi iyan maganda? Hindi pa long hairada like us! Nakaka insulto na isang lalakihang barbie ang pinag bubuksan niya ng pinto."

"Shuta ka Blas! Huwag kitang makikitang nag iisa dahil itutumba talaga kita!!" ang pag ngawa ng isa.

Haharap sana ako sa kanila pero pinigil ako ni Yuji. "Huwag mo silang pansin, hindi sila worth ng time natin. Okay?" ang naka ngiting wika ni Yuji at laking gulat ko noong bigla niya akong hinalikan sa labi sa harap ng lahat. Dahilan para mashock sila.

"Sshutaaaa kaaa Blaasssss!!!!" ang umiiyak na sigaw ng isang beki..

Hinimatay ang iba at ang iba naman ay nag tatakbo palayo dahil hindi nagustuhan ang kanilang nakita. "Walang hiya ka Blas, hindi ka naman maganda! Hindi ka rin lalambutin para maging jowa ni Yuji. Hindi namin kaya tooo! Hindeeeeee!!!!" galit na sigaw nila.

"Huwag mo na nga silang pansinin, isipin mo nakantot na kita kagabi at naputukan na kita kaya wala kanang magagawa. Alam mo ba na 4 days na load yun? Dami no?" tanong bulong niya.

"Sira!" ang sagot ko sabay siko sa kanya

"Arekup, huwag mo nga akong sikuhin, baka mapilayan ako hindi kita mapaligaya mamayang gabi." hirit niya.

Habang nasa ganoong pag lalakad kami ay siya namang pag dating ng dalawang lalaking participant ni Yuji. "Master, ayan na pala si Blas, gusto mo ba upakan na namin siya ngayon?" tanong ng mga ito.

"Eh kung kayo kaya ang upakan ko? Inaalis ko ng bisa ng kahit na anong card kay Blas. Teka ano bang kailangan niyo?" tanong niya.

"Maste Yuji, may nambastos sa inyo sa online. Ginawa ka ng memes at inilagyan kang mahabang buhok, ginawa kang magandang barbie ng isang estudyante. Pero nadetect na namin kung sino siya. Ano bibigyan na ba namin siya ng card at papahirapan?" tanong ng mga ito.

Tiningnan ko ang larawan at natawa ako. "Maganda ka rin pala pag naging babae ka Yuji." ang hirit ko. "Napasaya ka ba ng larawan na iyan?" tanong niya

"Oo naman, bihira kang gawan ng memes ng isang student at hindi naman bastos ang kapwa nag try lang naman na gawin kang babae dahil tiyak na maganda ka daw." ang sagot habang natatawa.

"Ano master? Lalagyan na ba namin ng redcard ang locker niya?"

Napatingin sa akin si Yuji na noon ay natatawa pa rin. "Huwag na. Hayaan niyo na." ang sagot nito na aming kinagulat. Pati ako ay nagulat rin sa kanyang sinabi. "Hala, bakit naman Master? Pambabastos ang ginawa niya."

"Kung titingnan mo ang positive side, maraming nag react ng heart at wow sa larawan ko. Ang ibig sabihin ay pag hanga sila. Saka isa pa ay pinasaya nito ang taong mahal ko, hindi mapapantayan ng kahit na anong bagay ang makita ko siyang naka ngiti. Kahit gawan ako ng katakot takot na memes basta naka ngiti siya ay okay na rin ako. Hanapin niyo ang mag aaral na iyon at ibigay niyo itong cheke." ang wika niya sabay abot ng malaki pera na pirma niya. "Pasasalamat ko iyan dahil napangiti ko si Blas." ang wika niya kaya naman natulala ako at napatingin sa kanyang mga mata.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon