"Manong, pabukas naman po yung pinto"
Andito na kami sa bahay, At si Hannah eto tulog na. Bubuhatin ko nalang siya papuntang kwarto niya. Kaya nagpatulong ako kay Manong buksan yung pinto ng kotse.
"Salamat po". Pumasok na kami sa loob at dumeretso sa kwarto niya.
Pagbukas ko hiniga ko na siya sa higaan niya, tsaka ko siya kinumutan. Teka alarm ko tong orasan niya baka masarapan matulog to, may pasok pa naman bukas..
"Goodnight Hannah" hinalikan ko noo niya. Tsaka ako lumabas sa kwarto niya.
At ako sa kwarto ko naman para makapagpahinga na din ako.
Hannah's Pov
Kkkrrrriiinnnnggg....
"Ay ano ba yun?" bigla akong napatayo sa higaan ko, kasi naman sino ba nag alarm nito? Teka nasa kwarto na ako? Oo nga pala nakatulog ako kahapon sa byahe.
Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. Hay grabe kala ko di niya na ako mamahalin.
Knock...knock...
"Asawa ko, nag alarm na yan, kaya bumangon kana dyan. Wag muna ako pagnasaan maaga pa." sabi ni Liam sa labas ng kwarto ko.
"Excuse me di kita pinagnanasaan ha. Opo eto na mag preprepare na ako!" loko talaga yun, well slight lang naman di kasi ako makapaniwala e.
"Kunwari ka pa, sige hintayin na kita sa kitchen, sabay na tayo kumain." pahabol niya.
"Ok" maikling sagot ko.
Tumayo na ako at inayos yung kama, dumeretso na ako ng CR para makaligo na din. After 30mins. Tapos na ako mag-ayos. Lumabas na ako sa kwarto at bumaba dumeretso sa kitchen.
"Tagal mo talaga" . Sabi niya
"Sorry po"
"sanay ako, tara na kain na tayo." sabi niya sabay ngiti.
Kumain na kaming dalawa, baka mahuli din kami sa klase. Pagtapos namin kumain.
"Let's Go" sabi niya at hinawakan yung kamay ko.
Iba na talaga ngayon, nauna ako pumasok sumunod siya, ngayon sa backseat na kaming dalawa at magka holding hands pa.
"Ngayon gusto ko ipakita sa lahat na ikaw lang ang girlfriend at asawa ko. Alam natin maraming maninira saatin lalo si Eya. Promise me saakin ka lang maniniwala." nakatingin siya saakin.
"Oo sayo lang ako maniniwala" sagot ko at hinigpitan ko pa hawak ko sa kamay niya..
"Thank you Hannah" tsaka niya ako hinalikan sa noo.
Pagdating namin sa school, hinawakan niya ulit kamay ko. At naglakad sa harapan ng mga estudyante.
"Oh em gee may bagong girlfriend si Liam?"
"Totoo ba to? Cheerleader at Captain Ball ng Team may relasyon"
"Wala na sila ni Eya?"
"Baka naman, inagaw niya si Liam kay Eya".
Hinigpitan niya lang hawak sa mga kamay ko, dahil siguro sa mga naririnig namin. Tapos huminto kami sa may hallway.
"May I have your attention!" sabi niya bigla. "gusto ko malaman niyo na si Hannah lang ang girlfriend ko, At si Eya, di naging kami, lahat ng nakita niyong palabas di para sakanya yun siya lang naman ang nag assume na kanya yun. Para kay Hannah talaga yun. Maganda ng malinaw. Salamat sa mga nakinig!" sabi niya at ngumiti saakin.
"ang swerte naman ni Girl, bagay talaga sila."
"Ilusyanada naman pala si Eya. Tsss..."
Sabi nung dalawang babae, Pumunta na kami sa Room. Pagdating namin kinantsawan na kami.
"Wooohhh Liam ang tamis naman niyan!" sabi ng isang Classmate namin.
"Una palang may kutob na akong may tinatago kayong dalawa e, halos sunod na dumarating, kunwaring walang pansinan dito sa room, kayo din pala". Singit naman nung kaklase naming babae.
"Nice one!" sabi ni Julius.
Naghiwalay na kami, pumunta na ako sa upuan ko at si Nicole ayun mukang excited sa kwento ko.
"So ano ibig sabihin nito Hannah?" tanong niya na kinikilig.
"Ok kami, girlfriend niya ako. Yun lang!" sabi ko
"Girlfriend!?" gulat niyang sabi na pabulong.
"Yeah, dipa ito yung time na ipaalam sa lahat na kasal na kami, mabuti na yung ganito muna, ok naman diba? Ikaw kamusta?"
"Oo tama naman, kwento ko sayo mamaya."
"Ok" sagot ko nalang!
Tsaka dumating yung prof namin. Nag umpisa na din yung klase namin.
