"I mean si Julian" sagot ni Samara "ok, you call him Yan-yan sounds girlie" pang-aasar ni Jerome nanahimik lang si Julian ayaw talaga ni Jerome na isama si Julian dahil alam niyang makakaramdam siya ng selos pagkasama ito ni Samara. "Ate Mara, ahmmm usual po padala sa quarters then padagdagan na rin ng good for three. " tumango lang ang babae na isa sa mga staff sa cafeteria. Nagtungo na ang apat sa quarters ito ang naging tambayan nila Jerome since sila naman ang may-ari ng school pagdating nila sa tinutukoy na quarters ni Jerome nandoon sina Rogen at Chris barkada ni Jerome at mga player din na ngayon ay naglalaro ng bilyar samantalang si Matthew nagbabasa naman ng book. "Andito na pala ang prinsipe at ang kanyang Sweetie Pie" nagtawanan ang tatlo sa biro ni Chris ang kenkoy ng barkada nila Jerome "Stupid, Tantanan niyo ko!!! or else alam niyo na" galit na sigaw ni Jerome "Ok,ok! Relax lang di naman kayo mabiro Wait, di niyo ba kami papakilala to that beautiful and very beautiful lady behind you at sino naman tong lalakeng may apat na mata" si Rogen na nagpapacute mabilis talaga 'to pagdating sa babae at ang may apat na mata na tinutukoy niya ay si Julian dahil sa suot nitong salamin "ahmmm, oo nga pala Guys si Miles classmate ko at kaibigan and si Julian bestfriend ko" "BEST FRIEND niya"pag singit ni Jerome na mahahalata mo sa kanya na nagseselos. "Miles and Julian ahm si Rogen" sabay turo sa lalaking moreno na kasingtangkad ni Jerome at malakas ang dating at maporma "si Chris" turo ni Samara sa lalake na mas matangkad ng konti kila Jerome medyo maputi at chinito gwapo rin ito "at si Matthew" turo naman ni Samara sa lalaking nagbabasa ng libro maputi at di gaanong matangkad at may hikaw sa kaliwang tenga at may konting pagka blue ang mata at blonde na buhok manang mana sa ama niyang amerikano. Nakipag shake hands ang apat maliban kay Matthew na hindi maabala sa pagbabasa. Hindi rin ito masyadong nagsasalita, 'pipi ba siya' sa isip-isip ni Miles at Julian. Hinayaan na lang nila nagkwentuhan sila at patuloy ang pagbibiro ni Chris samantalang si Rogen ay kinukulit si Miles at paulit-ulit na binabanggit kung gaano siya kagwapo hangang sa naging kasundo na nila sina Julian na madalas biruin ni Chris gumaan na rin ang loob ni Jerome kahit papano kay Julian sa isip-isip niya best friend lang talaga ito ni Samara. Dumating na ang pagkain nila na may pizza, pasta, softdrinks, rice, adobo at chocolate cake. Sa dami ng pagkain at gutom ni Samara tila takam na takam siya at nilantakan niya kaagad ang mga pagkain na sana'y na si Julian dahil sa pagkain nito na parang bata lalo na pagdating sa chocolates. Dahil may ilang buwan ng kakilala ni Jerome si Samara ay alam niya na rin ito nasa kabila ng pagiging elegante niya ay di siya nahihiya ipakita kung ano siya na dahilan kung bakit na humaling si Jerome at Julian sa dalaga. "Ang dami mong inorder Jerome ano 'to fiesta?" habang may laman ang bibig na sambit Samara
"Just for you, I will make everyday fiesta just to make your day special at happy" panlalambing ni Jerome
"Ang baduy mo pare, mamaya langgamin tayo dito araw-araw na lang ganyan kayo" biro ni Chris
"Ganyan talaga ang pag-ibig palibhasa kasi ikaw di ka pa umiibig" pasaring ni Rogen "Di naman ako nagmamadali aral muna bago babae" pahayag ni Chris "kung nag-aaral ka nga kaso Hindi eh, masarap kayang magmahal di ba Miles?" si Rogen na halatang nagpaparinig. "Ewan ko, ang alam ko lang ayoko sa lalakeng mahangin at piling gwapo"makahulugang sagot ni Miles.
"Owtch!! Busted na agad di pa nanliligaw" pang-aasar ni Chris "riiiing!!!!!riiiiing!!!!" pagtunog ng phone ni Miles "Excuse lang I have to take this call" pagpaaalam ni Miles na tumango lang sila at lumabas si Miles sa room siya namang upo ni Matthew sa tabi ni Julian. "Are you done reading?" tango lang ang sagot nito at kumuha ng rice at kumain.
"Ahmm, Yan-yan eto adobo favorite mo" pag-alok ni Samara "Gusto ko yung luto mo lang o kaya ni Tita Minerva" sagot ni Julian "masarap ding naman yan promise" sabi ni Samara, kumuha na rin si Julian ng konti. "
"Wait, Do you cook, You have cooked for him, Tita Minerva is your mom right she also cook for him and why does he call your mom 'tita'?" sunod-sunod na tanong ni Jerome "Ok, relax Honey Bunch." sabi ni Samara
VOCÊ ESTÁ LENDO
UNFADED: The Promise of Forever
RomancePromise must have a DEADLINE. Hmmm... If that's the case I still stand and fight for that promise whether it's too late.
U:TPOF 1.3 Unreasonable
Começar do início
