𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 1

Beginne am Anfang
                                    

Napa-ayos na ko saking sarili at tatayo na sana ng biglang gumuhit saking tagiliran ang tila sakit-napatoon ang aking tingin don at hindi nakaligta saking mga mata ang tila dugong bumakat saking puting damit.

Napa-alalay ako saking sarili bago dahan-dahang tumayo't lumapit sa isang malaking salamin na nakabalandra saking kwarto.

Tinitigan ko ng husto ang aking sarili bago tumoon ng hustong tingin saking kanang bahagi ng tagiliran kung saan may mantsya ng dugo.

Dahan-dahan kung iniangat ang puti kung damit at ngayo'y lantaran na ngang bumungad sakin ang sugat kung ilang araw palang na tinahi.

Ito ang dahilan kung bakit kami lumipat ng lugar at matitirahan dahil sa trahedyang ngyare sakin noon sa unang school kung pinapasukan- ang detalye tungkol dito ay hindi ko lubos na matandaan kung hindi lang nilahad sakin ng aking ina.

Isa kung tahimik na bata lang daw noon, ang hangad ko lamang sa aking buhay ay mag-aral at makapagtapos ngunit napagtripan ng mga studyanteng bulakbol na walang inisip kundi ang trip lamang nila sa kanilang buhay.

Normal lang naman magkaroon ng away sa loob ng paaralan, pero yung hahantong sa kapahamakan ng isang tao? Hindi na.

Ang huling araw ng pananakit sakin ng aking mga kaklase ay yung araw na nagkaroon ng outing ang aming paaralan, lubos akung pinuruhan ng mga taong may galit at naiingit sakin dahil mas-angat Ako sa kanila pagdating sa pag-aaral, kaya nagkakaroon ng judgment sa kanila ang kani-kanilang pamilya.

Dahilan din kung bakit pilit nila kung sinasaktan.

Ang sabi ni Mama, buong araw daw akung hinanap ng staff ng school namin at natagpuan nila ko sa gubat- duguan at wala pang malay ng dahil sa trahedyang yun napagdesisyunan ni Mama na sampahan ng kaso ang lahat ng may kinalaman ngunit nabaliwala din ng dahil sa kapangyarihan ng pamilya nila bukod don iginigiit nila na kulang daw kami sa ebidensya.

Kaya minabuti nalang ni Mama na lisanin na lamang namin ang lugar na yun at magsimulang muli-tinakasan na namin yung masalimuot na nakaraan na yun ngunit yung panibagong problema ang halos hindi inasahan ni Mama.

Napuruhan ng husto ang aking ulo, nagkaroon ako ng amnesia kung saan pati sarili kung pangalan ay hindi ko maalala.

Nanatili akung blanko sa lahat ng bagay, hindi ko lubos na maisip kung pano ko aayusin ang aking sariling buhay.

Mula sa pagiging-tulala saking salamin bigla akung natinag dahil sa tunog ng galabog sa labas ng aking pinto, it was Milky making her scene again.

"Astre?!" Pasigaw na pagtawag nya sakin, sa sobrang pagkarindi ko- nagpalit na muna ko ng aking damit at dali-daling binuksan yung pinto kung saan bumungad sya saking mual-mual sa mga pagkaing nakasapak ngayon sa bunganga nya.

"Seriously?" Hindi ko makapaniwalang saad sa kanya, pero hindi nya ko sinagot sa halip ay agaran nya kung kinaladkad palabas saking kwarto tungo sa kusina.

Mukhang nakalimutan nya na may iniinda pa kung sakit saking tagiliran kaya pagkadating namin sa kusina bumungad kay Mama yung itsura kung tila hindi maintindihan.

"Anak, ayos ka lang ba?" Nag-aalala nitong saad sakin habang hininto ang kanyang ginagawa sa paghain ng pagkain sa mesa.

"Omg! I forgot-" Milky as well, na tila natinag sa ginawa nyang paghila sakin at bumaling ng tingin sa tagiliran ko. They both look at me, na tila puno ng pag-aalala, kaya parang sapilitan akung tumawa sa kanila upang ilihis yung mga reaction nilang yun. "Oa nyo ah, ayos lang ako."

"Segurado, ka ba anak?"

"Opo ma, kain na tayo mukhang gutom na gutom na si Milky" pang-aasar ko naman sa isa, ayokong mag-alala sila sakin ng husto-nahihirapan akung ayusin ang aking sarili tuwing nakikita silang ganyan.

Habang nasa pagkainin kung saan si Milky, yung pinaka-maingay nanatili lang akung tahimik sa loob ng oras, maraming bagay ang tumatakbo saking isipan at yung iba don? halos hindi ko lubos na maunawaan.

"Astre ayos ka lang ba?" Mula sa pagkakabaling ng aking tingin sa plato, napa-angat ako ng tingin tungo sa gawi ni Mama.

"Po?" Wala sa wisyo kung tanong sa kanya.

"Ang sabi ko kung ayos ka lang ba?" Muli nyang tanong sakin-nakatoon na ngayon sakin ng hustong tingin yung dalawa kaya napangiti ako ng tipid.

"Pano kung hindi ko na maalala ang nakaraan?" Bigla kung tanong na ikina-bigla nila, para silang nilamon ng katahimikan at pawang mga nagsesenyasan sa kanilang mga titig sa isa't isa.

"What's making you say that?" Biglang tanong sakin ni mama na tila binalot na ngayon ng pagiging seryoso nya.

"Isa lang naman ang kasagutan dyan, gumawa tayo ng bago" dugtong naman ni Milky, kaya bumaling sa kanya yung tingin kung tila naging seryoso na rin-nawala tuloy yung ukit ng ngiti sa kanyang labi.

"How I wish as well, pero nahihirapan ako dahil sa munting emotion na lumalamon ngayon sakin- para kung basong basag na pilit binubuo pataas ang aking sarili ngunit halos, hindi rin magawa dahil sa ilang mga basag na bahaging naiwan saking ibaba."

"Importante ba talaga sayo na ibalik yung mga alaala na yun? Don't be offended, ok? I'm just asking dahil bilang mama mo mas nag-aalala ako tuwing pinipilit mo ang iyong sarili na alalahanin ang lahat ng ngyare Astre." Saad ni mama na nagbigay palaisipan naman sakin ng bahagya.

"Kung ang hindi pagbalik ng alaala mo ang mas ikabubuti mo, isa lang ang sagot ko sayong katanungan, handa akung tanggapin anak basta narito ka parin kasama namin." Wika nya bago lumandas sa kanyang mga mata ang tila emosyon ng kalungkutan.

Napatayo si mama sa kanyang inuupuan bago gumawi sakin at agaran akung niyakap. "Don't pressure yourself anak, dahan-dahanin natin ang proseso." Saad pa nito habang hinihimas ng marahan ang aking ulo, napatulala nalang ako ngayon sa plato kung nasa unahan ko.

Am I being harsh to myself?

Masyado akung napre-pressure sa alaala kung nawala, nakakalimutan ko na saking sarili na hindi lang dapat yun ang aking inaatupag ng husto.

Gumagalaw ang oras- katulad ng buhay naming patuloy lang rin sa pag-ikot, hindi dapat ako humawak at mag-focus lang sa nakaraan kung hindi ko matandaan.

"May oras para sa lahat ng bagay" napabaling kami ng tingin ni Mama kay Milky ng bigla itong magsalita ng may punto din naman.

"Wag kang magmadali Astre, gagabayan ka namin" saad pa nito, kaya napangiting tipid naman ako.

Ok na rin seguro yun, nagsisimula palang ang panibagong bagay sa buhay mo, ang bagay ng nakaraan unti-unting babalik yan, kaya wag mong sukuan.

"Enough, let's just eat" saad ni Mama, kaya natawa nalang rin kami-mabuting yun nalang rin ang eh akto namin, para hindi kami balutin ng emosyong pagkailang.

I suddenly made myself calm a bit. May proseso ang lahat ng bagay seguro sasabay nalang rin ako sa prosesong yun at unti-unting kikilalain kung sino ba ko noon.

Sino'ng Astre Veigun ba ko noon?

When she meets youWo Geschichten leben. Entdecke jetzt