Kabanata 1

216 6 3
                                    



Kabanata 1

One Unique Woman



"Hoy Nicole Altera! Wala ka na bang ibang gagawin ngayong last day of summer kung hindi magbar?!"

Inirapan ko ang kaibigan kong kanina pa talak ng talak sa tabi ko. Ano naman kung nagbabar ako? Dapat nga masaya siya ngayon kasi nakaupo lang naman ako sa couch eh. Hindi katulad ng iba naming kaibigan na nasa dance floor at nakikipaglandian

"Pwede ba Chesa? Tigil tigilan mo nga muna ako! Parang di kaibigan ah? Eh di sana di ka nalang sumama"

"Aba't! FYI lang Niks hindi mo ako basta basta kaibigan. BESTFRIEND okay?! At bilang isang bestfriend mo kailangan kitang samahan para masiguro kong di ka gagawa ng eskandalo dito"

Nginisian ko lang siya at napailing lang ako. Parang di ko naman siya kilala. Kung alam ko lang nandito yan dahil sa gwapong barista

"Hay nako Chesa. Wag mo ngang binibilog ang ulo ko. Pumunta ka na dun sa gusto mong puntahan. Okay lang ako. Don't worry"

Ngumiti lang ito sakin at ilang sandali pa ay iniwan ako. Oh diba? Yan ba ang bestfriend?

Napatingin ako sa kabilang couch kung saan nandun ang dalawang lalaki na napapalibutan ng mga babaeng akala mo'y tag of war ang nilalaro sa sobrang higpit makakapit sakanila. Typical scene sa isang bar. Typical guys. Napailing nalang ako sa nakita ko

Napatingin naman ako sa bar section kung saan nandun si Chesa pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang isang lalaking nakaupo rin sa harap nung bar section at diretsong nakatingin sa dance floor. Nakasandal ang likod nito sa table at nakapatong ang dalawang siko. Seryosong seryoso ito kaya sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang isang babaeng nasa pinakasentro ng dance floor na nakikipag sexy dance sa isang lalaki

Wow. Kakilala ba niya yung babae? O baka naman type niya yung girl? Pero pwede din namang may naaalala lang ito. Tumayo ako at pumunta dun sa malapit sa part nung lalaki

"Tequila please"

Umupo ako isang pagitan katabi nung lalaki pero nakaharap ako sa mismong barista. Tumingin ako sa kanan ko at ganun pa rin yung itsura nung lalaki. Napakunot ako ng kilay at muling bumaling sa dance floor pero wala na yung babaeng nagsasayaw kanina. So ibig sabihin ibang tao yung tinitignan niya?

"Here you go maam"

"Thanks"

Kinuha ko ang isang shot ng tequila at ininom ito ng isahan. Umorder pa ko ng isa..dalawa...tatlo..hanggang sa di ko na mabilang

"Whoa! what a woman"

Tumingin ako sa kanan ko at nakita kong nakaharap na sakin yung lalaki. Medyo blurred na yung vision ko sakanya. Inirapan ko ito at muling bumaling sa shot glass na nasa harapan ko

"Fuck off"

"What if I don't? A woman as lonely as you shouldn't be alone"

Ngumisi ako at tsaka ko ininom ulit yung drink ko. Umorder pa ko ng isa pero nagulat ako ng bigla na niyang agawin yung baso at siya na mismo ang uminom

"What the eff?!"

Tinignan ko siya ng may halong disappointment. Binayaran ko lahat ng drinks ko tapos makakalibre siya ng isa?!

"I'm Racel by the way"

"I don't care. I'm not here to flirt, jerk"

Napatingin ulit ako sakanya dahil narinig kong tumatawa na ito. Napahawak ito sa tyan niya habang nakatingala sa ere at patuloy na tumatawa. Pero ang nagpagising sa diwa ko ay ng may makita akong isang patak ng luha na lumandas sa mga mata nito. Tumigil ito sa kakatawa at tumingin sakin ng diretso. Inirapan ko lang siya at nagfocus sa basong hawak ko

"Bipolar"

Umorder din siya ng drink niya at ginaya na rin yung pwesto ko. Nakaharap na rin ito sa barista. Pero tumayo ito at lumipat sa upuan katabi ko. Ngayon wala na ni isang upuan na pumapagitna samin

"Why are you here mister? Love problem?" I asked

"Yun lang ba ang pwedeng maging problema sa mundo? Why? Is that your problem?"

Bakit nga ba ako nasa bar? Pampalipas oras? Ewan ko. Nakalimutan ko na kung bakit ako nandito

"I don't have shits"

Ngumiti ito sakin bago sumagot

"You're a one unique woman"

"If that's a compliment. Thanks mister"

"Racel. Just Racel"

Tumingin ako sakanya at nakita kong nakatingin lang ito sa hawak niyang baso. Pinagmasdan ko siya habang nakaside view at masasabi kong gwapo ito. Matipuno at halata mong nag gygym or kung hindi man ay halata mong into sports. Moreno. Matangos ang ilong. Pink lips. May jaw line na bagay sa pangangatawan niya

So...Manly

Napakagat ako ng labi ko at talagang napaiwas ng tingin dahil bumaling na ito ng tingin sakin

"Enjoying your view?"

Napainom ulit ako dahil sa kahihiyan pero sa kamalas malasan nga naman ay naubo ako dahil sa ginawa ko. Kaya narinig ko nanaman ang kanyang tawa. Pero di tulad kanina, ang sarap na pakinggan ng tawa niya

"Nicole"

"Hmm?"

Tumingin ako sakanya at nasaktuhan ko ang kanyang mga mata. Napakaganda nito. Para bang hinihila ako sa kung saan

"My name. Nicole"

Hindi ko alam pero para akong tanga nung sinabi ko yun. Wala na ba akong kahihiyan sa katawan ko at kung anu ano ang ginagawa ko sa harap ng lalaking to?

"Can I have your number? For future purposes"

Nilahad niya yung iphone niya sa harap ko at agad ko namang tinype ito na parang wala sa sarili. Binalik ko ito sakanya at may kung ano ano pa siyang tinype. Narinig kong nagring ang phone ko pero ng sasagutin ko na ay bigla itong nawala. Unknown number pa naman

"That's mine. Don't forget to save it"

Tumango ako sakanya at nakita kong tumayo na ito at handa nang umalis

"See you at school Nicole"

Ngumiti ito sakin at lumapit ng bahagya para halikan ang noo ko

Gentleman

Yun lang ang naisip ko sa gesture na ginawa niya. Kumaway ito sakin at tsaka umalis na sa paningin ko. Nawala ako sa pagmumuni muni ng bigla akong kalabitin ni Chesa

"Nagtext na si tita sakin. Hinahanap ka. Di ka daw kasi sumasagot sa tawag niya. Ano uwi na tayo? 2 na eh tsaka first day na bukas"

Tumango ako sakanya at tumayo pero agad akong napabalik sa pagkakaupo ko. Nahilo ako bigla nung tumayo ako kaya inalalayan ako ni Chesa hanggang sa makarating kami palabas ng bar at papuntang parking. Umupo ako sa passenger seat at sinandal ang ulo ko. Inaantok na talaga ako at sobrang sakit pa ng ulo ko kaya baka pumikit nalang ako buong byahe

"Akala ko ba di ka iinom? Naalala mo nanaman ba? Kaya ka ba uminom dahil makikita mo nanaman siya bukas?"

Hindi na ko sumagot sakanya dahil hindi ko na talaga kaya. Naramdaman ko namang nagstart na yung sasakyan. Binuksan ni Chesa yung radio at saktong yung kanta pa ng The Cab na Endlessly yung tumugtog. Pag minamalas ka naman talaga

"We can't be in a secret relationship anymore Niks. Let's break up"

The Player's HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon